Third year College ako as Nursing student, nagduduty kami sa ibat ibang hospital. Naasign kami sa isang malaking hospital sa Maynila. Hindi naman kalumaan ito. Dahil first day ng duty ay orientation lang ang aming ginawa. Marami pang oras bago matapos ang aming duty at nagkwento sa amin ang aming clinical instruction. Dinala niya kami sa delivery room at doon siya nagkweto.
Two years ago nang nagduty sila sa DR. May naabutan sila na manganganak kaya pinagbihis niya ng scrub suit ang isang estudyante. Habang nasa DR, napansin ng aming CI na parang balisa ang estudyante habang nasa tabi ng nanganganak. Pumasok siya sa loob ng DR para alamin anng dahilan ng pagiging balisa nito. Habang nagtatahi ang doctor pagkatapos manganak ng pasyente ay sabay na lumabas ang estudyante at ang aming CI nng DR. Tinanong siya kung bakit ganun na lang ang pagiging balisa niya sinabi niya na may babae siyang nakita sa loob ng DR. Tinanong ng CI kung sinong babae. Hindi kilala ng estudyante ang babaeng kanyang nakita. Nakita niya ito na nakatitig sa doctor habang nagtatahi ito. Galit na galit ang babae at unti unting lumalapit ang mukha ng babae sa mukha ng doktor pero patuloy sa ginagawa ang doktor nilang kasama.
Saka nalaman nila na bago pa manganak ang pasyente ay may nanganak din sa mismong DR ang mismong doktor na namatay dahil sa hypovolemic shock dahil sa sobrang pagdurugo ng babae.