Rider

1 0 0
                                    

      April 2017, summer kaya maraming nagbabakasyon sa kanikanilang probinsya. Nagtatrabaho ako sa isang private hospital bilang isang staff nurse at sa buong buwan na iyon ay puro aksidente sa motor ang nagiging pasyente namin.

      Sa buong buwan ng May ay may kaso kami ng walong vehicular accident at sa walong iyon ay dalawa ang binawian ng buhay.

      Sa dalawang pasyente na iyon ay hindi ko sila nakita dahil sa ward ako duty noong mga araw na iyo pero naririnig ko ang balitang may mga binawian ng buhay sa araw na iyon dahil maliit na private hospital ang pinagtatrabahuan ko.

       Apat na araw ang nakalipas nang huli kong mabalitaan na may namatay sa Emergency Room dahil sa aksidente sa motor. Ako ang nakaassign na duty sa E.R. nang 6 am to 2 am shift.

       5:38 am nang dumating ako sa ospital. Nagtime in ako at nagendorse naman ang night duty sa akin ng mga gamit kasi walang pasyente ang E.R.

       After endorsement ay nagcheck ako ng mga gamit sa E.R. . Mga IV fluids, bulak, gauze at kung ano ano pa.

       Usually kapag morning shift wala masyadong pasyente ang E.R. ng 6 am to 8 am. Pero dagsa na ang pasyente ng mga 10 am galing sa Out Patient Department.

      7 am nang maglakad ako papunta sa surgery room na nadugsong ng E.R. . Sa sugery room dinadala ang mga pasyente na for minor operation at ang madalas dito ay mga naaksidente sa motor.

      May dalawang pinto ang surgery room. Ang isa ay nasa E.R. at ang isa ay nasa Out patient department na halos magkatapatan at ang mga pinto nito ay salamin ang kalahati.

      Papasok ako ng surgery room para tingnan kung may nagaprepare na instrument sa table pero napahinto ako bago ko mabuksan ang pinto.

       Isang lalaki ang aking nakita sa salamin ng pinto sa OPD. Nakatagilid ito at ulo lamang ang makikita. Hindi ko makita ang buong mukha ng lalaki pero may kung ano ito sa kanyang mukha. Magulo ang buhok at hindi rin ito gumagalaw.

         5 segundo marahil na tiningnan ko ang lalaki at dahil sa takot ko ay dali dali akong pumunta na aking table at huminga ng malalim. Inisip ko na lang na baka isa sa pasyente sa OPD ang nakita ko.

          After 1 week, sa ward naman ako nagkaasssign at 2 kaming nurse na duty kasama ang isang midwife. Dahil graveyard shift kami ay nagkwntuhan kami para hindi kami antukin.

        Naikwento bigla ng kasama kong midwife ang tungkol sa pagrevive nila sa isang pasyente sa E.R. at naalala ko na ang midwife na yun ang duty noong mga nakaraang araw na panay aksidente sa motor ang kanilang pasyente.

          Tinanong ko siya kung may pasyente ba sila na lalaking hindi katangkaran na medyo payat at kamukha ng isa naming gwardya at nagulat ako nang sabihin nyang oo. Naniwala ako sa kanya dahil nasabi nya kung sinong gwardya ang kamukha ng pasyente.

         "Yun ang pasyente namin na nerevive namin ng matagal kasi ayaw sumuko nung kamag anak" ang sabi pa ng midwife.

         Dahil doon ay ikinuwento ko sa kanila ang nakita ko sa Surgery Room noong ako ay duty sa E.R.

HorrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon