Swero

22 0 0
                                    


Isa akong staff nurse sa isang private hospital sa probinsya. Hindi ako malapitin sa spirits o kung ano man pero ang hindi ko alam ay may isang staff midwife na malapitin sa mga espitiru.



Isang gabi, 10pm to 6am ang duty namin. Bale tatlo kaming nakaduty sa ward kasama yung midwife. Bawat isa sa amin ay may sariling gawain. Ako ay charge nurse kaya ako ang bahala sa charting at sa mga complaint ng pasyente, yung isa ay medication nurse, sya ang bahala sa lahat ng gamot. Ang midwife naman ay circulating nurse, sya naman ang kumukuha ng vital signs ng pasyente (mga Blood pressure, temperature, atbp.)



Under renovation ang ibang private room sa hospital. Isang kwarto sa tapat ng nererenovate na kwarto nanggaling ang midwife. Pag labas niya nang kwarto ay napasilip siya sa nererenovate na kwarto dahil bukas ang pinto nito at walang ilaw. Napansin niya ang dalawang swero na nakasabit sa IV stand sa loob ng kwarto. Nagtaka siya dahil puno pa ang mga swero at wala namang pasyente doon dahil nererenovate. Nang sinundan niya ng tingin ang linya ng swero ay nakakita siya ng isang batang lalaki na 7 hanggang 8 taong gulang na naka-indian seat sa dulo ng kama na nakayuko at parang umiiyak. Tumakbo siya papuntang nurse station at ikinuwento niya agad sa amin. Hindi pa niya natatapos ang kwento ay naalala ko ang batang namatay sa kwartong iyon mag-iisang taon na ang nakakaraan. Namatay ang bata nang biglaan dahil sa dengue.



Nang mabawasan ang aming takot ay binalikan namin at muling sumilip sa kwarto kung saan niya nakita ang bata. Walang tao roon pero my isang swero na nakasabit sa IV stand pero wala na itong laman at yupi na ang bote.



Simula nang makita iyon ng midwife ay parati nang bukas ang mga ilaw ng kwartong nirerenovate.


HorrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon