This is a true story, mga kwento ito na hinding hindi ko makakalimutan.
Elementary pa lang ako marami nang kwento akong naririnig. Mga kwentong kababalaghan.
Camping namin sa aming school. Grade 5 kami noon at imbis sa tent kami matutulog ay sa mga classroom kami pinatulog dahil umulan ng malakas. Alas otso ng gabi ay pinatulog na kami kaagad para maaga kaming magising kinabukasan. Hating gabi nang magising kaming lahat dahil sa malakas ng iyak ng isa sa aming kaklase. Malakas na malakas na iyak at hindi siya makausap ng mga teacher. Nagpasya ang mga teacher na isama na lang ang aming kaklase sa kanilang tinutulugan.
Kinaumagahan nahimas masan ang aming kaklase at kinausap siya ng aming teacher kung ano ang nangyari noong gabi.
Katabi namin daw siyang natulog noong gabi nang magising siya dahil sa narinig niyang ingay. Tila may sumisira ng pinto na yari sa kahoy. Naririnig niya na tinitiklap ang pintuan. Natakot siya kaya sinubukas niya kaming gisingin pero hindi nya kami magising. Natatakot siya hanggang sa siya ay muling makatulog.
Ilang sandali pa ay muli siyang nagising dahil sa ingay sa kabilang classroom. Naririnig niya na may naggugulo ng mga silya at tinatapon ang mga upuan. Dahil sa takot ay nakaramdam siya ng pagkaihi. Binuksan niya ang ilaw at bilang nawala ang ingay.
Pumasok siya sa cr, binuksan niya ang ilaw at biglang humina ang liwanag nito. Nangsinarhan niya ang pinto at umupo siya sa toilet ay nakarinig siya ng tunog ng kadena malapit sa kanya. Hinahanap niya sa paligid ng cr pero wala sa siyang makita. Nang natapos siyang umihi ay bubuhusan na niya ng tubig nang makita niya ang isang kadena na nakaikot sa toilet at sa dulo ng kadena ay may putol na paa na puno ng dugo. Sumigaw siya at tumakbo palabas ng cr at saka kami nagising lahat.
Sabi ng aming prinsipal ay ang aming school ay dating kampo ng mga amerikano noong sumakop sila sa ating bansa.