Maskara

3 0 0
                                    

       May bestfriend ako sa pinagtatrabahuan kong hospital sa probinsya. Ang pangalan nya ay Kath, isang syang Jehova' Witness at palagi ko syang inaasar dahil sa tuwing duty sya ay ang toxic nya. Kapag sa E.R. sya duty nang mag isa ay sampu hanggang labing lima ang dumarating na pasyente sa kanya o kaya kapag nasa ward ay may magiging toxic kaming pasyente o mas worst ay ambubagging na patient.

      Hindi namin alam kung kailan iyon nagsimula pero napansin namin ang kakaibang nangyayari sa ospital sa tuwing duty siya.

      Graveyard duty kami ni Kath, ako ang charge nurse at sya ang circulating. Kapag circulating nurse ay yun ang nagvavital signs sa mga pasyente.

       4 am pinagfinal VS ko na sya kasi mag isa lang sya at nasa 30 patient ang handle namin.
   
       Habang nasa nurse station ako ay bigla syang lumapit sa akin.

      " Ma'am Dianne yung patient sa room H nakakatakot yung sinabi sa akin."

        Tinanong ko sya kung ano iyon pero bago pa niya ikwento ay napansin ko na dumaan ang asawa ng pasyenteng tinutukoy ni Kath.

       Kanina raw biglang nagising yung pasyente kasi may babaeng nakamaskara ang nakita niya na sumuot sa ilalim ng kanyang kama at hindi na lumabas kaya ginising niya ang kanyang asawang lalaki.

        Sinabi ni Kath na marahil ay siya ang nakita ng pasyente dahil noong mga oras na magvavital signs si Kath sa Room H ay biglang nalaglag ang takip ng kanyang ballpen kaya pinulot niya iyon at saka nakasuot rin siya ng facemask.

           Hindi naniwala ang pasyente sa paliwanag ni kath dahil buong mukha ang nakamaskara at hindi na niya nakita ang babae pagkasuot sa ilalim ng kama.

         Nadischarge ang pasyente na wala nang ibang nireklamo at pagkatapos ng araw na iyon ay ginawa na lang namin na katatawanan.

         Mga isang buwan ang nakalipas nang maging magkaduty ulit kami ni Kath. Kasama namin si Sarah at sya ang medication nurse. Kada oras ay nag-iikot si Sarah para magbigay ng gamot sa mga pasyente.

          2 am, nag-ikot ako sa ward para icheck ang mga pasyente kung nakakatulog na sila habang si Sarah ay nag-iikot rin sa mga kwarto para magbigay ng gamot. Samantala si Kath ay naiwan sa nurse station habang nagaupdate ng mga IV fluids.

      Napatingin si Kath sa kanyang kaliwa dahil dumaan si Sarah na nuon ay papunta sa Male ward at nagulat si Kath dahil nakita niya ang isang babaeng nakadamit na kulay puti na may suot na maskara. Nakangiti na parang clown ang suot na maskara ng babae at sumasabay kay sarah papuntang maleward pero ang babae ay patagilid na naglalakad habang nakatingin kay Kath.

     Pagbalik ko ng nurse station ay ikwenento ni Kath sa akin ang kanyang nakita. Mas natakot si Sarah nang kanyang malaman na may babaeng nakamaskara ang sumabay sa kanya kanina.

      Ang duda namin ay ang babaeng nakita ni Kath at nakita ng isang pasyente namin ay iisa lamang.

      Simula noon ay ginawa na lang naming biro ang lahat dahil ayaw naming takutin ang aming mga sarili dahil araw araw kaming nasa ospital.

HorrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon