Chapter 1: First Day

701 7 5
                                    

Walong taon na ang nakakalipas ng matapos ang isang pangyayari na tumatak talaga sa aking isipan. Pitong taong gulang palang ako nung mangyari ung karumaldumal na patayan na naganap sa aming bahay. Kakauwi ko lang galing eskwelahan sa mga oras na iyon. Ako lamang ang mag-isang umuwi dahil walang nagsundo sa akin. Nagtaka ako, kahit ang aking adviser. Pagkauwi ko, laking gulat ko na makita ang aming sala na sobrang gulo at puno ng mga dugo. Nakita ko sina Mama at ang kapatid kong bunso na parehas nakahandusay at puro mga saksak. Nakita ko rin na pinutol ang mga kamay at paa ni mama at Mia. Napatumba ako at nanininig sa takot. Parang statwa na ako sa mga oras na iyon. Maya't-maya, biglang dumating si tito at agad ako dinala sa ospital. Nagtanong siya kung ano ang nangyari ngunit hindi ako makapagsalita. Sabi ng doktor, nagkaroon ako ng trauma. Kaya simula nun, nagkaroon na ako ng takot sa dugo. Pina-imbestiga ni tito sa mga pulis ang pangyayari na iyon. Ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin matukoy kung sino ang salarin. Pero ang hinala nila ay ang aking ama. Dahil bigla lamang ito nawala matapos mangyari ang insidente na iyon. At dahil sa wala na akong pamilya, inampon ako ni tito. Siya na ang nagpapa-aral sa akin. Sa madaling salita, siya na ang tumatayong ama ko ngayon.

Ngayon ay 15 taong gulang na ako. Hanggang ngayon, hindi pa rin matanggal sa aking isipan ang pangyayaring iyon. Pakiramdam ko, gusto kong lutasin iyon. Gusto ko imbestigahan iyon upang makuha na ni mama at mia ang kanilang hustisya. Gusto ko rin hanapin ang aking ama at tanungin tungkol sa insidente. Dahil naniniwala pa rin ako na hindi siya ang kriminal. Kaya nagpasya ako na maging detective balang araw. Dahil gusto ko malaman ang katotohan.

------

"Kuya!" wika iyon ni Pauline. Napalingon lang ako at hindi umimik. "Tignan mo ito oh!" masiglang sabi niya sa akin habang tinuturo ang mga bulaklak. "Ang ganda talaga nila noh?" wika nito habang tinitignan. Hindi ko masabi kung ano klaseng bulaklak iyan. Hindi naman kasi ako mahilig sa mga ganyan eh. "Huy! magsalita ka naman diyan o." dagdag nito. "Oo na. Maganda nga." mahina kong sabi. "Ewan ko sa iyo! Hmmph!" nagtatampong wika nito sabay nagwalkout. Nagbuntong hininga lamang ako. Nga pala, siya si Pauline Mae S. Guilando. Anak ni tito. 11 taong gulang. Incoming 1st year highschool na siya ngayong pasukan. Hindi niya alam na magpinsan kami. Ang alam niya lang ay magkapatid kami. Hindi na kasi kinuwento ni tito sa kanya ung tungkol sa akin. Hindi na daw mahalaga iyon, dahil ang importante daw ay nakikita niya si Pauline na masaya dahil sa akin. Masaya siya dahil kuya niya ako. Kaya kung saan siya pumunta ay lagi niya ako sinasama. Pero sa totoo lang, hindi ko nagagampanan ng maayos sa ang pagiging kuya ko sa kanya. Minsan kasi, tinatanggi ko siya. Mas gusto ko lang talaga kasi mapag-isa. Pakiramdam ko, wala na talaga ako pake sa mga taong nakapaligid sa akin. Kaya kung tatanungin mo ako, wala akong "mahalagang tao" sa buhay.

"O, naayos niyo na ba ang mga gamit niyo?" tanong ni tito.

"Hindi pa." sagot ni pauline.

"O ayusin niyo na. May pasok pa kayo bukas sa bago niyong eskwelahan" wika nito.

Kakalipat lang kasi namin ng bahay. Dati, nasa Manila kami nakatira. Pero ngayon, bumalik na uli kami sa Bacoor. Oo. Nakatira ako sa Bacoor dati. Dito ako pinanganak at dito ko rin nakasama ang tunay kong pamilya. Kaya nung nakabalik muli ako dito, gusto ko puntahan ung dati naming bahay para mag-imbestiga.

Pagkatapos ko ayusin ang mga gamit ko, naglaro na ako ng PS3. Ganito kasi ang madalas kong ginagawa. Para kasi sa akin, pamparelax ito ng utak. Pero minsan naman ay nagbabasa ako ng libro. Mahilig ako sa mga mystery novels. Sherlock Holmes ang pinakapabarito kong nobela. Yan din ang naging inspirasyon ko kaya gusto ko maging isang detective.

Habang naglalaro ako ay biglang pumasok si Pau sa kwarto ko.

"Hay naku kuya. Naglalaro ka nanaman. Tapos magkukulong dito sa kwarto magdamag." sermon nito sa akin.

East High DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon