Chapter 3: The Answer

210 7 3
                                    

"Inspektor!" wika ng isang pulis.

Lumapit si Inspektor. Mukhang may nakuhang mahalagang impormasyon ang pulis na ito. Mas mabuti pa lumapit ako ng konti sa kanila para mapakinggan ko iyon.

"Ayon sa imbestigasyon namin, sila-sila lang po ang maaring maging suspek sa kaso na ito. Maliban lang po kay Melissa Gonzales. Nakuha kasi namin ang mga posibilidad na motibo ng bawat isa. Una si Justin Yu, natuklasan niyang pineperahan at niloloko lang siya ni Jean Martinez. Ayon sa nakausap namin na witness, narinig niya si Justin na maghihiganti daw siya". kwento ng pulis. Napaisip ng malalim ang inspektor at nagsalita. "Hmm. Naging mataas tuloy ang paghihinala ko sa kanya. Ung iba naman?" tanong nito.

"Si Gregorio Molino po, may konting galit ito kay Ms. Martinez dahil sa madalas nitong pangengealam sa mga ginagawa niya. Si Mae Sia po, may sama na loob kay Ms. Martinez. Pero hindi namin alam kung ano ang dahilan."

Napaisip ako ng malalim at umalis. Pinuntahan ko yung mga suspek at may nakita akong kakaiba sa kanila. "Teka."

Muli akong umalis at pumunta sa crime scene. "Iho, bawal po pumasok dito." sita sa akin ng pulis. "Ah. May naiwan po kasi ako. Kukunin ko lang saglit." sagot ko at tumakbo agad ako.
"Sigurado ako, meron dito." bulong ko sa aking isip habang nagmamasid sa paligid. Pinuntahan ko uli ung bangkay, biglang may napansin akong kakaiba. "Sir, tignan niyo po may dugo sa kanang hintuturo ng kuko niya." wika ko sa isang forensic habang tinuturo ko ito. Tinignan nila, "Oo nga meron nga. Mabuti pa icheck natin ito." sabi nito. Napaisip nanaman ako. Muling nag-ikut ikot ako at maya't maya may natagpuan nanaman ako na kakaiba. "Teka! Parang.."  nilapitan ko ito. Pumikit muna ako ng ilang segundo at nagdugtung-dugtong na sa aking isip ang mga clues na nakuha ko. Napangiti lamang ako.  "Iho, pasensya na pero kailangan niyo ng lumabas. Bawal dito."  saway sa akin ng pulis habang hawak nito ang kanan kong braso. "Ah pasensya na po." sagot ko at agad akong lumabas. Pagkalabas ko, nasalubong ko si Charlene.

"Ah mabuti nakita na kita. tawag tayo ni sir." sabi nito sa akin. "Uh. Pwede ba muna magtanong sa iyo? May kakilala ka bang 2nd year?" tanong ko sa kanya.

"Oo. Bakit?"

"Ah talaga? Mabuti kung ganun. Pwede ko ba siya makausap? may itatanong ako."

"Ah. sige. K-kaso, tinatawag na tayo ni sir."

"Mamaya na. Importante talaga ito. Tayo na." sabay hila ko kay Charlene at bumaba kami papuntang 2nd floor.

"Anong section niya ba?" muling tanong ko sa kanya.

"2nd year - Darwin."

"Section 3. Haha tamang-tama."

"That's great!" sabi ko sa kanya. "Uh teka, bakit? Ano ung itatanong mo sa kanya?" nagtatakang sabi sa akin ni Charlene. "Mamaya." maikling sagot ko sa kanya.

Nang makarating na kami sa room na yun, agad kong tinanong yung kakilala ni Charlene. Mabuti nalang wala silang klase. Ang oras kasi ng pasok ng mga 2nd year at 3rd year ay 12:30pm-6:30pm. Samantala ang mga 1st year at 4th year ay 6am-12pm. Pagkatapos ko siyang kausapin, ngumiti lamang ako. "Sabi na nga ba. Siya talaga yun."

"Sige salamat ah." paalam ko sa kanya. "Tara na." ayaya ko kay Charlene. "Teka, ano ba talaga yun?" muling tanong niya sa akin. "Kilala ko na yung suspek." sagot ko sa kanya. Napatigil siya at nagulat sa aking sinabi. "Ha!? Paano? Teka sigurado ka ba?"

"Oo. Kaya kailangan puntahan na agad natin si inspektor."

Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala sa aking sinabi. Sa loob-loob niya, parang "Huh? Paano mo nalaman? Paano nangyari yun? Isa ka lamang estudyante." Nanahimik lang siya at tinignan niya lamang ako. "Tara." ayaya ko sa kanya at umalis na ako. Sumunod naman siya sa akin. Pinuntahan na namin si inspektor at kinausap.

East High DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon