Chapter 8: The Unknown Organization

41 2 1
                                    

Nagtanung-tanong kami nina Charlene at Yumi kung saan dumaan ang motor na sinakyan ng kuya ni Rey, hanggang sa napadpad kami sa isang tindahan kung saan may alam sa pinagmulan ng motor.

"Oo nakita ko un. Sa pagkakaalala ko galing siya sa lumang gusali na iyon." sabay turo.

Lahat kami ay napatingin sa gusali na tinuro ng ale. "Ah sige po maraming salamat." at umalis kami upang puntahan ang gusaling iyon. Nang makarating kami, inikot namin ang gusali. Maya't maya biglang niyakap ni Yumi ang aking braso, napatingin lamang ako sa kanya. "May masama akong nararamdaman. Natatakot ako." wika nito.
"May tao." wika ni Charlene. At agad kami nagtago. Tatlong lalaki na may hawak na baril ang amin nasilayan. Ang isang lalaki ay maputi, matangkad na may malaking katawan, samantala ang isa naman ay mataba na singkit at ang isa naman ay matangkad na payat at maitim na may mga matang tatak na mamatay tao talaga, pakiramdam ko na siya ang lider nila. Mukhang may pinag-uusapan sila. Dahil hindi naman kami ganun kalayo sa kanila, narinig namin ung napag-uusapan nila.

"Buti napatay natin ung lalaking yun. Hindi ko aakalain itatraydor tayo nun." wika ng isang lalaki na may malaking katawan.
"Oo nga eh, kung natakasan tayo, malamang matatagpuan ang lugar na ito at mabubuking ang mga nakatagong shabu natin." wika naman ng isa na mataba. " Ano pala plano natin sa kapatid niya?" tanong na may malaking katawan. "Sabi ni boss ang sino mang hindi miyembro na nakakita sa lugar ito ay papatayin natin." sagot naman ng lalaking na parang lider nila. "Sige tara!" at umalis sila.

"Hala mukhang si Rey ang pinag-uusapan nila dito. Kailangan natin siya maligtas." wika ni Charlene. "Kaso paano? may mga hawak silang baril?" sagot naman ni Yumi na medyo naninig sa takot. "Ano sa tingin mo Marco?" wika nito sa akin. Hindi ako nakasagot. Pinag-iisipan ko kung tatawagan na ba namin ang pulis o gagawa ako ng paraan para mailigtas si Rey. Pero naisip ko rin na ayaw ko mapahamak sila Charlene at Yumi kaya naisipang kong tawagin na lamang ang mga pulis. "Sabihan nalang natin ang mga pulis. Wala tayo laban sa kanila lalo na may mga armas sila." sagot ko. "Sige" sagot nila. Paalis na sana kami na biglang may nagpakita sa aming harapan at iyon ang tatlong lalaki na nakita namin kanina.

"Sabi na nga ba eh. May tao nga." wika ng lider.

Shit! Nahuli kami. Kailangan ko maproktektahan ang dalawa.

Lumapit ang lalaking may malaking katawan kay Charlene, "boss ito maganda oh. Masarap ito. Sa akin siya. Pagkakapyesta ko muna siya bago patayin." nakangiting wika nito at hinawakan ng mahigpit ang braso ni Charlene na may nakatutok na baril nito sa kanyang ulo. "Sige boss Una na ako, kayo na bahala sa dalawa na yan." at hinihila niya si Charlene.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili.

"Hindi ko mapapatawad ang aking sarili pag may nangyari kay Charlene!"

Pinag-isipan ko muna ang aksyon na aking gagawin, inobserbahan ko mabuti ang aking paligid.

" Kasalukuyang nasa harap namin sila Charlene at yung lalaki, Samantala ang dalawa naman natitira ay nasa likuran namin. Si Yumi ay nasa tabi ko lang. Sa kanan ko ay may isa malaking bakal Maaring maging pangprotekta kung magpapaputok ng baril itong dalawa."

"Yumi, pagbilang ko ng tatlo hawakan mo ung bakal na kukunin ko at sabay i-cover mo agad ang sarili mo ah. " pabulong na wika ko kay Yumi. Umo-oo si Yumi at sinumulan ko na ang aking plano.

1..
2..
3!!!

Kinuha ko agad ang bakal sa may kanan ko at binigay ko agad ito kay Yumi. "

"YUMI!!" at nakuha agad ito ni Yumi at ini-cover up, biglang bumaril nga ang dalawa at mabuti di kami natatamaan dahil sa bakal na iyon. Tumakbo ako at sinugod ko ang lalaki na may hawak Kay Charlene, pinaputok niya ang kanyang baril. Ang bala nito ay dumaplis sa aking mukha sa may pisngi na naging sanhi ng pagkakaroon ng sugat. Sinipa ko ang binti ng lalaki kaya ito ay bumagsak at nabitawan ang kanyang baril. Agad ko dinampot ang baril at hinawakan ko ang kamay ni Charlene at tumakbo. at nakatakas kaming tatlo. Pinaputok ko ang baril sa may lubid kaya nagsibagsakan ang mga bakal at naging harang kaya di nila kami nahabol.

East High DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon