Chapter 7: The Disappearance Case

82 3 2
                                    

Maraming estudyante ang nagsisipuntahan sa student council ngayon upang ireport ang nawawala nilang gamit. Sa kasalukuyan, isa rin ako na nasa student council pero hindi para magreport ng nawawalang gamit, nandito ako dahil ako na yung bagong vice president. Nagsimula ang lahat na ito nung nagresign ang presidente namin dahil magtatransfer na daw ng school. At dahil vice president ang posisyon ni Charlene, siya na ang pumalit. Ayon sa law ng council, sa mga emergency na ganyan, maaring mag-appoint ang presidente. Dahil dun, ako ang inappoint niya sa posisyon na ito. Syempre inaayawan ko ito kasi nga hindi ko pinangarap mag-ganito kaso ewan ko sa Charlene na ito kung ano sinabi niya sa adviser namin, ayan tuloy napilitan ko kunin ang posisyon na ito. Tinignan ko siya ng masama.

"I hate you." sabi ko. Tumawa siya. "Hahaha. I hate you too." na mapang-asar ang tono. Hindi ko malaman talaga kung bakit trip na trip ako ng babaeng ito. Habang nagkakaasaran kaming dalawa, biglang sumingit si Sandra, ang secretary ng council. "Nakakapagtataka, mukhang marami ang nawawalan ngayon." wika nito. "Oo nga eh, mukhang iisang tao lang ang may gawa. Kaya mas maganda kung iimbestigahan namin ito." wika ni Charlene.

"Namin? Sino kasama mo?" tanong ni Sandra na medyo nagtataka. "Siya" sabay turo sa akin ni Charlene. "Kami na bahala ni Marco dito. Matatagpuan rin namin agad yung may gawa." sabay tumingin sa akin si Charlene. Nagbuntong hininga na lamang ako. Tapos biglang hinila na ni Charlene ang aking braso. "Tara na mas mabuti pa simulan na natin." At sabay umalis na kami sa room ng council. Pagkalabas namin, agad ko tinanggal yung kamay niya sa braso ko. "Teka, bakit lagi mo ako dinadamay sa ganito? Dapat talaga nasa bahay na ako. Natutulog." sabi ko na medyo naasar. "Syempre ikaw yung Mr. Detective sa school at ako yung assistant mo." sagot na nakangiti na medyo paasar.

"Assistant!? Kailan kita naging assistant!?"

"Wag ka na choosy. Sapakin kita diyan eh. Atsaka ayaw mo nun, imbes na sayangin mo yung oras mo sa puro tulog sa bahay mo, gamitin mo yung kakayahan mo dito." wika nito.

"Haay. Ewan ko sa iyo."

"Atsaka, alam ko na may alam ka na." nakangiting sabi niya sa akin. "Teka, paano mo nasabi?" sabi ko na medyo nagtataka. "Nababasa ko sa mukha mo."

"O sadyang pinagmamasdan mo lang yung mga kinikilos ko" bulong ko.

"Ano binubulong mo diyan?"

"Wala. Anyway oo tama ka. Kilala ko na kung sino ang kumukuha ng mga gamit dito sa school. Si Rey. Classmate natin. Napansin ko kasi na iba ang mga kinikilos niya ngayon.

"Kung ganun, kailangan natin siya mapuntahan agad. Kaso baka nakauwi na iyon." wika ni Charlene.

"Tanungin nalang natin ung mga kaklase natin. Baka alam nila ung address ni Rey."

At umalis na kami upang magtanung-tanong. Nang nakahanap na kami ng impormasyon, agad namin pinuntahan ang bahay ni Rey.

Nang makarating na kami sa bahay ni Rey, nag-tao po si Charlene ngunit walang sumasagot. "Mukhang walang tao ." wika ni Charlene at sabay tingin sa akin. Napaisip ako ng malalim. "May problema ba Marco?" tanong nito sa akin. "Wala naman kaso nakakaramdam ako ng kakaiba." sagot ko. "Paanong kakaiba? Teka, parang medyo dumidilim na rin. Kailangan na natin umuwi. Kausapin nalang natin si Rey bukas." wika nito.

"Sige."

"Kaso Marco, bago ka muna umuwi punta ka muna sa bahay namin. Ako lang kasi mag-isa, nakakalungkot kasi. Hayaan mo, dun ka na rin kakain ng hapunan, matitikman mo rin luto ko." sabay kindat nito sa akin.

Napatingin lamang ako sa kanya. Nagbuntong hininga lamang ako. "Sige, pagbibigyan kita. Ngayon lang." At umalis na kami. Nang makarating na kami sa bahay ni Charlene, masasabi ko na hindi ganun kalakihan ang bahay nito. Simple lang pero napaka-ayos. "Sino lang ba kasama mo dito?" tanong ko. "Si papa lang, mamayang madaling araw pa ang uwi nun." sagot nito. "Sige, magluluto muna ako, upo ka lang muna diyan. " dagdag nito. Umupo ako sa sofa nila at tinignan ko ung mga naka-display na litrato. "Pulis pala ang papa nito." bulong ko, at may nakita akong litrato ni Charlene na naka-dress. "Ang ganda niya dito. " Medyo natulala ako sa larawan na iyon ng hindi ko malaman kung bakit.

East High DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon