Chapter 9: The Message of the Mystery Writer Case

16 1 0
                                    

Ilang araw na ang nakakalipas ng matapos ang kasong iyon. Nakakatatak pa rin sa isipan ni Marco  ang pagiging bigo. "Paano ako magiging isang magaling na detective kung may mga kaso ako na hindi ko kaya iresolba." bulong niya habang nakahiga sa kanyang kama at nakatingin sa kisame.
"Paano ko rin malulutas ang pagkamatay nina Mama kung ganito ako na palpak" dagdag niya.

Maya't maya nagring ang kanyang cellphone. Tinignan niya kung sino ang tumatawag, si Charlene.

"Ha.Ha. sino pa ba ieexpect ko sa mga ganitong tawag kundi siya. Siya lamang ang nag-iingay sa phone ko" Nagbuntong hininga lamang ito at sinagot niya ang tawag.

"Bakit?"

"Available ka ba ngayon?"

"Hindi bakit?"

"Ay sayang aayayain sana kita"

"Hahaha saan nanaman? Sa school works?" sarcastic na tugon ni Marco.

"Hindi. Sa East Mall, pupunta kasi dun si Greg Corpuz, isang mystery novelist. Dun niya irerelease ung bago niyang novel with book signing."

Nabigla si Marco sa sinabi ni Charlene.
"Si Mr. Corpuz... isa sa mga favorite kong novelist.. Hindi ko pwede palagpasin ito!" bulong nito sa kanyang isipan

"Sige! sasama ako! Ano oras ba?" sagot nito sa kanya

"Teka ang gulo mo, akala ko ba hindi ka available."

"Hahahaha. Nagbago schedule ko." napakamot lamang siya sa kanyang ulo.

"Lols. Sige kita tayo ng 11am. Kasama ko sila Yumi at Enzo. Mga mahihilig sa mga mystery din ang mga un." sagot nito.

"Sige. Sige." at natapos na kanilang usapan. Nagmadali nag-ayos si Marco upang makaalis agad.

Mga 11am ay nagkita-kita na silang apat sa kanilang tagpuan. Abot tenga ang ngiti ni Marco ng mahawakan niya ang bagong libro ni Mr. Corpuz. Parang siyang bata sa sobrang tuwa. Natawa na lamang si Charlene habang nakatingin kay Marco.

"Bakit ka natatawa?" sabi ni Marco na medyo nahihiya.

"Wala lang. ang cute mo kasi parang kang bata. Ngayon lang kita nakita na ganyang kasaya hehehe." sagot ni Charlene na nakangiti sa kanya. At dahil dun namula si Marco at umiwas siya ng tingin. "Ano pinagsasabi mo? Tara puntahan na nga nalang natin si Mr. Corpuz para makapagbook sign." at umalis na sila.

"Tss. Si Charlene nanaman, lagi si Marco ang pinapansin." bulong na nagseselos na si Enzo.

"Ano sabi mo Enzo?" tanong ni Yumi.
"Wala. Tara sundan na natin sila." sagot nito at sumunod na ang dalawa kila Charlene at Marco. 

Nang makarating sila, nag-announce si Mr. Greg Corpuz (35 yrs old).

"Salamat sa pagsuporta ng aking nobela. Bilang gantimpala sa mga bumili ng aking libro, kung sino man ang apat na maseswerteng nakakuha ng apat na gintong bookmark ay iimbintahan ko ng dinner sa aking bahay." wika ni Mr. Corpuz

Agad tinignan ng apat ang kanilang libro na nabili, laking gulat nila na may gintong bookmark nakaipit sa kanilang mga libro na hawak.

"HAHAHAHAHA! Akalain mo yun tayong apat pa ang nakakuha! Mukhang swerte ata tayo ngayon!" nakangiti sigaw ni Marco.

Napatawa na lamang muli si Charlene. " Mukhang nawala na ung lungkot niya dahil sa huling kaso. Masaya ako at nakikita ko siyang ganito kasaya." bulong niya sa kanyang isipan.

"Aba! Mukhang kayong apat ang mga maseswerteng kong bisita ngayon. Binabati ko kayo." bati ni Greg Corpuz ng nilapitan niya ang mga ito. 

"Nagagalak po kami na makilala ko kayo Mr. Greg. Isa po talaga ako sa mga taga-hanga niyo." wika ni Marco habang nakikipagkamayan ito kay Greg.

East High DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon