Chapter 4: His Past

194 4 1
                                    

Charlene's POV

Hanggang ngayon, namamahanga pa rin ako sa kanya. Ang galing kasi dahil nakasagot siya ng kaso. Medyo nagiging interesado ako sa kanya. Gusto ko siya makilala pa. "Marco Guilando" mahina na sabi ko.

"Ehem best. Mukhang may naririnig ako. ah.. Ayiie. crush niya si Guilando." paasar ni Yumi sa akin. "Ui. Hindi ah best! Ikaw issue ka nanaman." depensa ko. "Atsaka kilala mo naman ako hindi ba? never ako nagkaka-gusto sa lalaki." dagdag ko pa.

"Sus. Lagi ka naman ganyan eh." 

"Totoo naman ehh."

Naputol ang aming pag-uusap nung biglang nagpaalam si sir.

"Ah mga bata mauna na ako ah. May klase pa ako. Sayang hindi natuloy yung laro natin." wika nito sa amin.

"Ah sige po. Sorry din sir. Naistorbo tuloy namin kayo." wika ni Yumi.

"Ah okay lang iyon. Osige. Ingat sa pag-uwi ah." at umalis na siya. "Osige po. Thank you sir." sabay na sabi namin. "Uwi na rin tayo." ayaya ni Enzo sa amin at sabay-sabay na kami bumaba at lumabas na ng paaralan. Nang makalabas na kami, nagpaalam na rin sa amin si Yumi. Kaya kaming dalawa nalang ni Enzo ang natira.

"Ihahatid nalang kita Charlene." wika nito sa akin. "Hindi na kailangan." sabi ko tapos nakita ko na yung jeep na isasakay ko. "Eto na pala. Osige una na ako. ah." paalam ko sa kanya at sumakay na ako. Kitang-kita ko sa mukha ni Enzo na pagkadismaya. Nagtaka lang ako.

Habang nakasakay ako sa jeep na nakatingin sa labas, hindi ko mapigilan maisip muli si Marco. Dahil siguro mangha pa rin ako sa kanya. Pero ewan, nakakaramdam ako ng kakaiba. Hindi ko talaga maintindihan yung sarili ko sa mga oras na iyon. Biglang naputol ito ng bigla kong maalala na medyo lagpas na ang babaan ko. "Ay! Kuya para!" sabi ko kay manong driver. Tumigil ito at agad akong bumaba. Nagbuntong hininga na lamang ako. "Mukhang wala ako sa sarili ko ngayon" at naglakad na ako papunta sa aming bahay.

Habang naglalakad, nakita ko si Guilando sa isang kalye. "Teka, si Guilando yun ah. Dito ba siya nakatira?" dahil sa pagtataka ko, naisipan kong sundan siya. Habang sinusundan ko siya ng palihim, biglang napatigil lamang ito sa isang bahay na parang haunted house at pumasok. "Huh? Ano ang gagawin niya dun? Balita ko may nagpaparamdam daw diyan eh. Hindi kaya mag-iimbestiga siya?" dahil sa gusto ko malaman iyon, muli ko siyang sinundan at pumasok rin sa loob. Pagkapasok ko, medyo kinikilabutan ako. Ang dilim-dilim tapos ang gulo-gulo. Sira na kasi ung mga pinto at bintana. Atsaka may naiwan pa mga kabinet pero mga nakatumba ito at konting gamit na naka-kalat. Nakita ko si Guilando na tinitignan lamang niya ang sala. "Ano kaya ang tinitignan niya?" at biglang may naapakan akong bubog na naging sanhi sa pagkakaroon ng konting ingay. *Crack*

"Sino nandiyan?" sabi nito. At nagpakita na lamang ako. "Uh.. ung kaklase mo." sabi ko. "Ano ang ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin na seryosong-seryoso ang kanyang mukha.

"Uh. Dapat ako ang magtatanong sa iyo niyan eh. Ano ang ginagawa mo dito?"

"None of your business." at lumabas nalang ito. Lumabas rin ako at hinabol ko siya. "Ay! teka. Nag-iimbestiga ka noh? Balita ko may nagpapakita daw dito eh"

"Hindi ako naniniwala sa multo. "

"Eh? Uh. Hindi kaya  yung tungkol sa insidente na nangyari dito 8 years ago? Naalala ko na may pinatay na mag-ina dito eh."

Bigla siyang napatigil. "Hindi. Trip ko lang pumunta dito. Sige. Mauuna na ako." at umalis na ito. "Trip? Ang lakas naman ata ng trip niya."  at nagbuntong hininga na lamang ako. Habang naglalakad ako pauwi, naging palaisipan pa rin sa akin kung ano talaga ang balak ng lalaki na iyon dun. "Ano kaya ang pakay niya dun?"

East High DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon