Nagising nalang ako na sakay na ng isang barko't hindi si CK ang unang nakita ng mata ko sa paggising ko pagkatapos ng trahedyang iyon.
"N-nasaan ako?!" tanong ko sa lalaking nakasuot ng unipormeng pangduktor.
"Nasa Carpathia ka po mam."
"P-paano ako nakapunta rito?!"
"Nakita ka ng isa sa mga bumalik na bangka na nakahiga sa nasirang pintuan mula sa Titanic. Sa di kalayuan po ay isang lalaking barrel nalang ang suporta para lumutang."
S-si CK yun!!
"Naka-tuxedong puti ba siya?!" tanong ko na nahihirapan paring magsalita.
"Yes. Ayon sa mga nakakuha sainyo, naka-tuxedong puti yung lalaki't nakahawak sa kamay mo ang isa niyang kamay habang ang isa ay nakakapit sa barrel."
Ibig sabihin, nawalan ako ng malay nun at nakita pa ko ni CK?!
"Nasaan siya? Nasaan siya?!" tanong ko pa ulit.
Natahimik ang duktor. Awtomatiko namang lumabas ang mga luha sa mata ko na parang gripo.
"I'm Sorry mam but, Wala na ho siya."
Di nako nakapagsalita, instead ay umiyak ako ng umiyak.
Nang kumalma ako'y hiniling ko na makausap ang operator ng bangkang nakatagpo sakin.
"Naninigas na po yung asawa niyo nung mga oras na nakita namin kayo, marahil ay dahil kalahating katawan niya'y nasa tubig. Pero may malay pa po siya nun."
May m-malay pa?! Ba't di siya lumaban?! CK naman!!!
"Magkahawak po kayo ng kamay nun. At bago ho siya mamatay at lumubog sa tubig, may nais po siyang ipasabi saiyo."
"A-ano yun?!"
"Mangako raw ho kayo na mabubuhay kayo ng matagal di tulad ng nangyari sa kanya. Pagkatapos ho niyang sabihin yun, nawalan na siya ng hininga at lumubog sa tubig. Pasensya na ho mam, ginawa namin ang makakaya namin para iligtas siya."
Habang nagsasalaysay ang lalaki'y patuloy ang luha sa mga mata ko.
Paano pa ko mabubuhay ngayon?! Kanina lang kami naging mag-asawa tas, wala na siya agad!?
Lalo akong humagulgol ng iyak.
Nang sumunod na araw ay kaya ko ng maglakad ulit. Naglakad-lakad ako ng may balot na kumot sa mukha. Nakita ko si Trey na wala sa sarili. Nakaligtas siya sa trahedyang yun tulad ko. Tila may hinahanap siya, tanto kong kami ang hinahanap niya pero di nako nagpakita.
Pumunta ako sa back deck ng barko't tinitigan ang dagat.
Tinignan ko ang singsing na tanda ng pagiging mag-asawa na namin ni CK.
"CK, Di ba sabi ko sayo, sabay tayong aalis sa lugar na 'to. Pero ba't ka nagpaiwan?!"
Sambit ko habang nakatitig sa singsing.
"Di ka talaga marunong sumunod sa mas nakatatanda sayo." nakangiti kong pahayag.
"Pero dahil nga sabi mo, pasaway ako, di rin kita susundin. Pasensya na ha, di ko maipapangako ang gusto mo."
"Ma, Pa. Ingatan niyo sarili niyo ha." sambit ko habang nakatingin sa malayo.
Tumingin ako sa langit.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Dahil pasaway ako, susundan kita jan. Mag-asawa na tayo CK di 'ba?! Di tayo aalis sa lugar na 'to ng di magkasama. Magkikita na ulit tayo. Wag ka sanang magalit na di ko magagawa ang gusto mo."
'Babyhashtag
Mar 2013-May 2013
BINABASA MO ANG
TITANIC: The Other Side
RomanceKung inaakala niyo'y si JACK at ROSE lang ang nakabuo ng magandang pagtitinginan sa loob ng ilang araw na naglayag ang "TITANIC", Jan kayo nagkakamali. Higit DALAWANG LIBO ang kaluluwang pumalaot nun at dalawa lamang roon sina JACK DAWSON ng WISCON...