Chapter 4

12 1 0
                                    

Ang daming nangyari kahapon nung binantayan niya ako kahapon pero hindi ko na ikekwento kasi bagong chapter na to.

So ngayon kailangan ko ng plan B. Aha! 7:00 pa yung pasok namin pero 4:30 pa lang naligo na ako. Kung naiisip niyo na uunahan ko siya bago niya ako masundo then PRESTO! TAMA!

6:00 nasa quadrangle ng school na ako nang biglang.

Gulaman calling...

*You used to fall me on my cellphone... Late night when you need my love... Cause I know when Im hotline bling*

Shit! Anong gagawin ko?! Mali! Anong sasabihin ko?! Sinagot ko ang tawag at...

"H-hello" shit! Bakit ako nauutal?!

"Pakshet! Jelly nasan ka ba?!"

"A-ako sa school."

"Anong ginagawa mo diyan 6:00 in the morning?!"

Ano nga ba?! Aha! "Gumagawa ng project"

"Ng 6:00 in the morning?"

Oon ga no! "A-

"Stay put! Wag kang aalis sa kinatatayuan mo ngayon! Papunta na ako!"

Call ended...

At dahil masunurin akong bata...

.

.

.

.

.

.

.

Umalis ako!

(^.^)

Una dahil maaga pa, pumunta ako sa locker. Kinuha ko yung mga notebook at libro ko.

Pangalawa, sa canteen. Bumili ako ng ice coffe, blueberry cheese cake, red velvet at tig-pisong chichirya.

Ang huli kong pupuntahan ang green house na may play ground. Hmm peaceful. Gustong-gusto ko dito kasi tago. Tinuro lang sa akin to noon ni Ace.

Umupo ako at nagsimulang kumain. Pero pagtingin ko shit! Bakit ako bumili ng red velvet cake eh ayaw ko non. Si Ace kaya ang may paborito noon. Siguro talagang parte na siya ng buhay ko. Pero pilit kong inaalis kahit ang hirap.

Kumakain ako ng biglang may nagtakip ng mata ko. Holy Shit! Hanggang dito ba naman may nangingidnap!

"Ahhh! Tulong! Tulong! Kidnap!" Sigaw ko nang biglang.

"Pfffttt- ahahahahahaha! K-kidnap ako?! Hahahaha! Pfffttt!" Si Ace!

Dali dali akong naglakad palabas. Pero naginit ata ang ulo ko sa narinig ko.

"Uyy! Binilihan niya ako ng cake! Kahit wala ako! Ayiiie! Keneleg nemen eke!" Fuck! Tumakbo ako pabalik sakanya atsaka siya binigyan ng napakalakas na sapok sa ulo.

"Gago ka! A-anong sayo k-ay ano yan kay.... Ruszel oo tama kay Ruszel! Pakyu ka!" Biglang nagiba ang itsura niya from nasaktan to ngiting tagumpay ???

"ARAYYYY! ANO BA EYSH! MASHAKIT!" Kinurot niya po ako sa pisgi dahil nagmura ako. Opo, bawal akong magmura pero siya pwede.

"Dalawa yang minura mo kaya dapat mas masakit at mas matagal." Shit! Ang sakit talaga. Hindi ko na kaya! Ang hapdi!

"Tama na pleashhh!" Magiyak-ngiyak na pagpilit ko.

"Hahahahaha- bakit ka umiiyak?! Nasaktan ka ba?! Sorry!" Hala! Umiiyak na pala ako! Pero seryoso ang sakit!

"H-hindi, sige babalik na ako sa room." Nakayukong sabi ko sabay takbo.

Pagbalik ko sa room hindi ako umupo sa normal seat ko, sa tabi ni Ace. Lumipat na ako sa tabi ni Ruszel permanently kasi yun na lang yung bakanteng upuan.

Nagulat ako ng biglang may sumigaw.

"Jelly! Nasan si Jelly?!" Yumuko na lang ako sa desk para hindi niya ako makita. Pero mali nakita niya pa rin ako.

Naramdaman kong may lumuhod sa harap ko at pinipilit na iangat ang ulo ko na kinokontra ko naman. Pero bigo na naman ako. At nakita niya ang mukha kong luhaan.

"Jelly sor-

"Good morning class!" Buti na lang dumating na si Sir. Brandon. Umalis na sa harap ko si Ace at umupo sa upuan niya.

At nagsimula na ang discussion. Turo dito. Turo doon. Explain dito. Explain doon.

"Blah, blah, blah, blah, blah, blah, blah, blah."

And finally.

"Class dismiss." Nakita kong papalapit si kqya hinatak ko kaagad si Ruszel.

"Tara Ruszel sunduin na natin si Kris sa II - Queen." Sabi ko kay Ruszel. Pagtinhin ko sakanya. Nginitian niya ako ng sobrang lapad. Sabay sabing.

"Tara na baby!" Sabi niya sa akin sabay akbay. Si Ruszel naging bestfriend ko nung last last summer sa Boracay ataaka ko lang nalaman na dito siya nagaaral. At yung babe part, sabi niya sa akin may gusto daw siya sa akin. Pero hinahayaan ko lang.



Natapos ang buong araw na takas mode on ang ginawa ko. Hindi ko nga alam kung paanong hindi ko siya kasabay pauwi ehhh. Basta ang alam ko sinave ako ni Ruszel....





RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon