Chapter 6

10 0 0
                                    

"Ah pwede bang sumama ako?" Tanong niya.

"Wag na! Bukas na lang promise!" Sabi ko. Alam ko kasing maga-awkward ang atmospere pag nandun siya.

"Ah ganon ba? Sige. Bye." Nakatungo siya habang naglalakad pabalik. Medyo na guilty ako. Ako naman talaga yung may kasalanan hindi ko kaagad naalala na may date kami. Kaya bago siya makapasok ng sasakyan hinaw akan ko yung kamay niya.

"Sige na sumama ka na. Pagkatapos namin date na tayo." Pagkasabi ko noon, biglang nagliwanag yung mukha niya.

"Yehey! Thank you!" Sabi niya sabay yakap sa akin.

*Sa condo ni Jharen*

Pagdating sa building ng condo ni Jharen, nagdoorbell ako. Nhiting-ngiti aking pinagbuksan ng pinto ni Jharen, pero nang mapalingon kay Rusz nagiba yung itsura niya.

"Anong ginagawa mo dito?!" Maangas na tanong ni Jharen pagkaikita niya kay Rusz. Sasagot na sana ako ng biglang.

"Masama bang samahan yung nililigawan ko?" Nakangising sagot ni Rusz. Kaya bago pa humaba ang usapan ay sumabat na ako.

"Tama na nga yan! Mabuti pa Ace simulan na natin yung project para maagang matapos na ng maaga! Ikaw naman Rusz.... Uhmmm.... Upo ka muna sa sofa." Sabat ko sa usapan nila.

Nang makapasok na kami iniwan namin si Rusz sa may sofa, umakyat na kami sa 2nd floor dahil nandun yung study area niya. Ohhh wag kayong magtaka may 2nd floor talaga yung condo niya kasi personalize (you know mayaman sila).

So sinimulan na namin gumawa ng 'project' namin. Medyo awkward lang dahil kahit iisa lang yung ginagawa namin hindi kami naguusap. Hindi tulad dati na tumatagal kami ng isang oras bago magsimula kasi nagkukulitan muna kami.

"Bakit di mo sinabing may nanliligaw na sayo?" Tanong niya na ikinabigla ko.

"A-ah k-

"Di ba bawal ka pang magpaligaw? Alam ba yan nila tita, tito?"

"A-ano

"Masyado ka pang bata para diyan Monique Ann Jelly Evangelista?!" Sigaw niya na ikinabigla ko. Alam kong galit na siya kaya hindi na ako sumagot at nagpatuloy sa paggawa.

*after 2 hours*

Unti na lang matatapos na 1 paragraph na lang yung isusulat ko sa kartolina then tapos na.

Nasa huling sentence na ako sa sinusulat ko nang magsalita ulit siya. This time puno ng gigil.

"Monique. Tinatanong. Kita. Alam. Ba. Nila. Tito. Yang. Ginagawa. Mo?!"

Sa takot ko napasagot ako kaagad. "H-hindi." Nakayukong sabi ko.

Natapos na kami sa project kaya mabilis akong bumaba. "Rusz, tara na! Ahhh... Ace una na kami. Bye." Paalam ko kay Ace.

"Geh." Tanging sagot niya.

Pagsakay namin sa kotse tinanong ko kaagad si Rusz kung saan kami pupunta. Ngumiti lang siya, sabi niya matulog muna ako kasi malayo pa.

Nagising ako nang may tumapik sa pisngi ko. "Ann! Annambong! Babe! Psst. Gising muna!" Pagdilat ko nakapark siya sa 7/11. Bibili lang pala ng snacks at inumin kasi malayo pa daw.

"Uy Rusz, saan tayo pupunta?!"

"Secret! Hahahah!" Sabi niya sabay kindat.

"Rusz naman ehhh!"

"Surprise nga!"

"Isa hindi mo sasabihin?!" Umiling siya. Wala na akong nagawa kaya pumikit na lang ako.NAKAKAINIS!

Naramdaman ko na tumigil na yung sasakyan kaya nagmulat na ako. Tss. Ayaw pang sabihin sa Enchanted King- WHAT ENCHANTED KINGDOM?! ANG TAGAL KO NG HINDI NAKAPUNTA DITO! Napangiti ako... Pero naalala kong galit ako kaya sumimangot ulit ako.

"Babe, tara na!" Yaya sa akin niya sa akin. Sasagot sana ako ng 'tara na!' Pero dahil galit ako isang tumatagingting na....

"TSS!" Nagulat siya sa inasta ko at magsasalita sana ulit pero inunahan ko na siya. "At wag mo akong mababe-babe diyan!"

Hindi ko na siya hinintay makasagot dahil bumaba na ako ng sasakyan at dumiretso na para pumasok. Sumunod naman si Ruszel.

"Ann! Annambong! Sorry naaaaa! Huuuuy! Tsurryyy poooo! Naman ehhhh! MONIQUE ANN JELLY EVANGELISTA! SOOORRRRYYYY! PLEASE FORGIVE MEEEE!" Shit. Napakaeskandaloso talaga ni Rusz. Halos lahat ng tao ay nakatjngin na sa amin kaya mabilis kong siyang hinatak.

"Yes! Bati na tayo Ann?!"

"Hindi!"

"SORasdfghjkl!"

"Oo na, manahimik ka na!" Hinatak ko na siya papasok ng EK. Yiiieee! Excited na ako!

Ano kayang unang sasakyan namin??? Ahmm. Una sa flying fiesta, tapos sa anchors away, then sa rio grande, tapos sa log jump, space shuttle.... At ang pinakamasaya FERRUS WHEEL!!! Excited na ako!!! Hinila ko na si Rusz papunta sa flying fiesta. Papasok na sana ako nang....

"A-ah, eh, s-sa carousel na lang." Hmmm? Bakit kaya?? Isip. Isip. Isip. Isip. Ayyy Ipis! Alam ko na! May fear of heights si Rusz! Hahahahah! *evil laugh*

"NO WAY! gusto ko dito!" At wala na siyang nagawa kundi sumama sa akin.

*A few hours later*

Whoo! Ang saya! Enjoy na enjoy! Isa na lang hindi namin nasasakyan 'FERRIS WHEEL' hahatakin ko na sana si Rusz pero awang-awa na talaga ako sa itsura niya.

Suka siya ng suka. Guilt is killing me now. Agad akong pumunta sa kanya. Hinimas ko yung likod niya para guminhawa naman yung pakiramdam niya.

"Uy Rusz! Sorry haaaaa! Sige sa gust- AYYYY! ANO BA YAN?!" bigla na lang siumyang yumakap sa akin.

"Ann.... Hmmm.... Nahihilo ako..." Syetttt!!!

"Kain muna tayo, tapos uuwi na din tayo kung gusto mo para makapahinga ka." Inakay ko na siya para makakain na kami.

After naming kumain nagbihis muna siya. Dahil amoy suka na siya...

"Psssttt... Ann bago tayo umuwi punta muna tayo sa 'horror house' please!!!"

"NO! UUWI NA TAYO!" Pasakayin mo na ako sa lahat ng rides wag mo plang ako papasukin diyan. Takot ako sa multo!!!

"Ahhh, ganon ba? Sige una ka na sa parking lot, papasok lang ako mag-isa sa horror house...."

*to be continued*



RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon