Cafe (Published under PNY15: Fireflies)

312 24 20
                                    


Café

Pinaypay ko ang sarili gamit ang asul na panyo. Sa sobrang init ng panahon ay malamang makakapaglaga ako ng itlog sa loob lamang ng tatlong minuto.

Mahigit traynta minuto na akong naghihintay roon sa waiting shed ngunit wala pa rin siya.

Dalawang minuto pa ang lumipas bago ko siya naisipang i-text.

Hoy, asan ka na?

Kaagad din naman siyang nakapagreply at binasa ko iyon habang nakakunot ang parehong kilay.

I'm sorry. May inasikaso lang ako. I'm on my way na, I have the pictures with me and don't worry they're safe and sound ;). Sa café ka na lang maghintay. I'll be there, I promise.

I rolled my eyes matapos mabasa ang text. Nakakairita talaga siya kahit kalian. Pa-VIP, akala mo siya ang babae sa aming dalawa.

"Promise niya mukha niya," bulong ko.

Napailing na lamang ako at kahit labag sa loob ay tumayo na ako't naglakad patungong café malapit sa eskwelahan. Mabuti nga sigurong doon na ako maghintay para makapagpalamig na rin.

Pagkapasok ko sa café ay si manager Lej kaagad ang naabutan ko na nag-aayos ng mga kung ano sa loob. Manager Lej ang tawag sa kanya roon dahil dati siyang manager ng isang lokal na  banda.

"Ina!" bati niya sa akin. Bumaba siya sa pinapatungang silya at tumungo sa gawi ko.

Kumaway ako rito bilang pagsagot. "Hello po."

"Matagal na rin noong huli kang nakapunta rito. Buti at napadpad ka ulit," anito at niyakap ako ng pagkahigpit-higpit.

Sinagot ko rin ito ng yakap at saka nagpahid ng namamawis kong noo noon.

"Pasensya na po. Naging busy lang. Doon lang po muna ako sa pwesto namin – ko pala," paalam ko sa kaniya.

Binigyan ako ni manager Lej ng isang makahulugang tingin, dahilan upang mapanguso ako at mahulog ang pareho kong balikat.

"Manager..." pagtawag ko sa kaniya.

Tinawanan lamang niya ako at saka isinuot muli ang kaniyang itim na apron. "Ito naman, 'di mabiro. Hala sige, hintayin mo na siya do'n. Ipaghahanda kita ng paborito mong shake."

Ngumiti ako saka nagbigay ng thumbs-up sa kaniya. "Thank you po."

Pagkatapos no'n ay pumwesto ako sa mesa kung saan ako madalas umupo sa tuwing naroon ako sa café. Suki na rin kasi ako ni Manager Lej sa café nya.

"Hi! Ina, right? 'Di ba isa ka sa mga writer ng The Stallions? Ako nga pala 'yong bagong photojourn na kinuha ng editor-in-chief n'yo," pakilala sa akin ng isang poging estranghero.

Sinagot ko ito kahit nag-aalangan. Baka rin kasi masabihan pa ako na bastos at snob. Inabot ko ang nakalahad niyang kamay at saka ibinalik ang kaniyang ngiti.

"Uh, hello. Ako nga," sagot ko rito.

Mas lalo siyang ngumiti dahilan upang makita ang malalalim niyang dimples sa magkabilang pisngi.

"I'm Kim Ian, Kian na lang pala itawag mo. Gusto ko lang makipagkaibigan since makakasama mo na ako sa school publication," pakilala niyang muli.

Kahit medyo nawiwirduhan ay tumango na lang din ako rito bilang pagsagot.

"Ah, hi. Nice meeting you," sagot ko.

Akala ko aalis na siya pagkatapos no'n ngunit nagkamali ako. Sa halip ay umupo siya sa katapat na silya. Bale nakiupo siya sa table kung nasaan ako noon.

Every Heart's Point of View✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon