Chapter II

26 12 7
                                    

This chapter is dedicated to itsmekatsumi hart you too!

Hindi ako makapaniwala ang sarili kong bestfriend. Yung tao na sinasabihan ko sa lahat ng problema ko pati na rin kay Josh eh niloko ako? Ginago ako?

Umatras ako para lumayo sakanila habang tumutulo yung mga luha ko pero natumba yung mga basurahan sa likod ko kaya napatingin sila saakin at nagulat na nakita nila ako

Ano? Dahil nagiguilty? Dahil nahuli kong nanggagago yung bestfriend ko? Pero bakit ka nagulat Josh? Argggh! Ayaw ko nang mag isip pa kaya tatakbo na sana ako pero hinawakan ni Alessa yung braso ko

"Bes..." Tumingin ako sakanya na naiiyak "Excuse me, aalis na ako" ay kumalas sa hawak niya "Bes i...i'm sorry" sabi niya pero tinignan ko lang siya sa mata at tumakbo palayo

"Bes! I'm sorry magpapaliwanag ako!" Sabi niya kaya natigilan ako baka naman kasi may plano siya para magkalapit kami ni Josh dia?





"Hayaan mo nalang siya Alessa"





And that broke my heart into pieces kaya tumakbo na ako ng tuluyan papunta sa parking lot ng school namin at umiyak ng umiyak





"Hayaan mo nalang siya Alessa"

"Hayaan mo nalang siya Alessa"

"Hayaan mo nalang siya Alessa"



Bakit ba ayaw mo sakin? For the past 4 years minahal kita ng sobra sobra at sobra pa sa sarili ko, lahat ginawa ko para mahalin mo, yun pala sa bestfriend ko lang pala ikaw nainlove


Dahil ba sa maitim ako? Marami akong pimples? Hindi ako sexy katulad ng mga nakadate mo? Dahil di akong kasing yaman nila? Dahil rin ba sa hindi ako matalino? Dahil madami akong peklat sa paa?


Ano?! Akala ko matatanggap mo ko sa kung sino ako, akala ko matatanggap mo na ganito ako yun pala AKALA lang pala ang lahat, madami nga talagang namamatay sa maling akala dahil ako? Panrang mamamatay na dahil sa sakit sa puso


Bakit ba mahal na mahal kita na kahit sinaktan mo na ako eh mahal pa rin kita at kahit anong sabihin ko sa sarili ko na tama na, sobra na pero ano? Patuloy pa rin kitang minamahal at sa bawat araw eh mas napapamahal ako sayo pero sobra na eh



Hindi kasi ako yung tipong maputi, matangkad, mayaman, matalino, maganda, makinis katulad nalang ng bestfriend ko. Yung bestfriend ko na yung sabi eh tutulungan niya ako pero ano yung ginawa niya?




Niloko niya ako! Ginago! Ginawa niya akong tarantado yun pala yung tulong sakanya eh yung aagawin niya yung taong mahal ko? Kung akala niya mapapatawad ko siya sa ganitong pagkakataon pwes nagkakamali siya dahil hinding hindi ko siya papatawarin!




Mahal na mahal kita Josh sana malaman mo kung pano ako magpakabaliw para sayo pero alam kong sa susunod matutunan mo rin akong mahalin Josh. Pero sana bago pa mahuli ang lahat magawa mo lang akong mahalin








Pumunta nalang muna ako sa bahay kahit na mugto na yung mga mata ko sa kakaiyak tinanong pa ako ng mama ko kung bakit ako umiyak pero yung sabi ko dahil ang sad ng movie na pinanood ko at pumasok na ako sa silid ko. Natawa nalang ako dahil parang sa kanta lang ng Sad movies yung sanabi ko kay mama, at tsaka yung nangyari kanina ang pinagkaiba lang eh yung sa sad movies na kanta boyfriend niya yung lalake ako hindi





Pero alam ko sa susunod magiging kami rin ni Josh. Tiwala lang

Unknown ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon