Hay! Ang ganda talaga ng araw ko ngayon. Nag date kami ni baby Josh ko at wala pang may umepal. Just the two of us lang sa date namin kahir na parang ayaw niya okay lang basta magkadate kami , pero nang bumalik ako kanina sa bahay sumakit nanaman ang dibdib ko pero sabi naman ni mama malapit nalang akong ipagamot.
Oo may sakit ako. cardiomyopathy at hindi lang ito basta basta magagamot pero sabi ni mama may way pa naman daw.
*tok* *tok*
"Nak? Gising ka pa ba?" Sabi ni mama kaya umupo ako at sumagot ng oo "Anak balita ko may boyfriend ka na daw" hindi ko alam kung san yun nakuha ni mama pero malamang mga sa kaibigan ko yun "uhhh.. O-oo mama. Mama sorry po ah" mahinang sabi ko kay mama dahil nahihiya ako siyempre si Josh yung first boyfriend ko no "Ok lang yan anak, basta mag ingat ka ha? At anak nakapag ipon na kami ng papa mo para pampagamot sayo!" Excited na sabi ni mama pero ako bagsak balikat lang at napaisip kung magiging okay pa ba ako
"Oh bakit hindi ka masaya?" Tanong ni mama kaya tumingin ako sa mata niya at alam ko na masaya talaga siya "eh kasi mama, ano uhmm sure po ba kayo na magagamot talaga ako? Baka maging malala pa yan" sabi ko kay mama na naiiyak na kaya niyakap niya ako ng maigi at hinahaplos haplos niya ang buhok ko "Ano ka ba anak. Tiwala lang. Makakaya natin to. Just Trust in God" napangiti naman ako dun at nag nod lang kay mama "oh siya, goodnight na anak, sweetdreams with your bae" napatawa nalang ako tas umalis na siya. I'm glad i have a very kind hearted and cool mama
*7 months later*
Seven months na pala kami. Hindi ko inaakalang magtatagal kaming dalawa. Well okay naman kami eh minsan nga nakakalimutan ko na deal lang ang lahat ng yun. Pero siyempre alam ko ang limit ko.
Kasalukuyan dito ako sa Café umiinom ng kape at kumakain ng cake siyempre yung kaya lang ng badget ko ng biglang may umutot
Joke! May umupo pala sa upuan sa harap ko kaya inangat ko ang ulo ko na kanina pa nakatingin sa kape dahil sa kakaisip kay Josh na sa isang tao na dahilan kung bakit ang lalim ng isip ko "Hi babe" sabi niya tas nag kiss sa noo ko. Hindi pa rin talaga ako sanay sa mga sweet gestures niya kahit na araw araw naman niya ako pinapakilig
"Babe i wanna cuddle" biglang sabi niya. Humarantado naman ang puso ko at uminit yung pisngi ko kaya tumingin ulit ako sa kape ko "Edi yakapin mo ang aso mo" sabi ko tas inangat ulit yung ulo ko at nakita na nagpapacute siya sakin "Eeeh baby naman gusto ko kasing magcuddle tayo. Ang lamig pa naman ngayon" malanding sabi niya. Oo may malanding side talaga tong mokong na ito! Pero aaminin ko gusto ko yung side na yun. "Mamaya na kumakain pa ako eh" sabi ko sakanya pero sa totoo excited na talaga ako
"Baby ko?" Lambing na sabi niya kaya tinigilan ko muna ang pag inom sa kape at tumingin sa kanya pero ang loko pinahiran ako ng icing ng cake "Arrgh! Ang sama mo!" Sabi ko tas pinahiran ko rin siya sng icing kaya ng natapos na ang landi namin sa café eh ang lagkit ng mukha namin kaya naghilamos muna kami tas ng lumabas na pareho nalang kami natawa sa kabaliwan namin
Nang nakarating na kami sa condo niya pumunta ako sa mesa niya at nilagay yung bag ko ng bigla niya nalang ako niyakap sa likod. Naglalambing nanaman ang baby ko.
"Baby sana palagi nalang tayo ganito no?" Sabi niya kaya napatingin ako sakanya pero sideview lang kaya hinalikan niya ako sa cheek ko "hahaha ano ba! Pero baby ko? Pano kung mawala ako? Okay lang ba sayo yun?" Sabi ko kaya pinaikot niya ako tas magkaharap na kami "Baby naman wag kang mag isip ng ganyan. Okay?" Sabi niya pero napaisip nalang ako. Mawawala rin naman ako,dahil next month wala na tayo pero winala ko nalang sa isip ko yung dapat i-enjoy tong moment na ito "Halika na baby diba sabi mo cuddle tayo? Dun nalang sa sofa tas manuod nalang rin tayo ng movie!" Excited kong sabi kay pumunta na kami sa sofa at nanuod ng The Vow. Medyo makakarelate ako neto pero sila totoong nagmamahalan kami MU magiisang umibig at ako yunNakahug lang siya sakin sa likod habang niyayakap ko naman yung kamay niya at nakapatong yung legs niya sa legs ko
Habang nanunuod kami paiyak na sana ako nung biglang may nag knock sa pintuan "Baby open mo yung door" sabi ko sakanya "ayaw. Ang sarap ng pwesto ko dito eh, istorbo lang yan" parang bata na sabi niya kaya ako nalang mismo yung pumunta sa pintuan pero yung loko nagrereklamo pa pero dapat ko tong buksan eh baka importante kaya oagbukas ko nagulat ako
For a very long time nakita ko ulit si BEASTfriend

BINABASA MO ANG
Unknown Reason
RandomLahat naman tayo naghahanap ng magandang rason para malaman ang isang bagay na sabik na sabik natin malaman May tamang oras para malaman ang mga bagay bagay. Minsan naman may mga bagay talaga na hindi natin dapat malaman dahil masasaktan lamang tayo...