Chapter IV

22 11 7
                                    

Habang papunta ako sa bahay ni Alessa feeling ko may sumusunod sakin kaya lumingon lingon ako sa akin paligid pero wala naman. Siguro naman wala kaya naglakad na ulit ako papunta sa bahay ni Alessa at habang lumalakad ako ay iniisip ko ano naman kaya yung sasabihin ko sakanya dahil siyempre siya yung may kasalanan tas ako yung mag so-sorry?






Teka feeling ko talaga may sumusunod sakin eh kay lilingon na sana ako pero may tumakip saaking mata kaya napasigaw ako pero ginamit niya ang isang kamay niya siguro saakin para i-cover yung bibig ko. "I love you" hinang sabi niya saakin at parang pamilyar yung boses niya pagkatapos nun kinuha niya ang kamay niya saakin tas pinalibutan niya ng panyo ang aking mata habang ako eh nagsisigaw. Wala bang tao dito? At naramdaman ko nalang na tunakbo siya kaya kinuha ko na ang panyo at may nakita akong sulat na gawa sa sinulid na 'J squared' sino naman to?






Natakot na ako sa pwede pang mangyari kaya tumakbo na ako at sumakay nalang sa jeep papuntang bahay namin dahil takot na ako, siguro bukas nalang ako magso-sorry kay Alessa






Bumaba na ako sa jeep at sasakay na sana sa tricycle pero nung tinignan ko yung pera ko eh limang piso nalang kaya naisipan ko nalang na maglakad.






Habang naglakakad ako iniisip ko pa rin yung nangyari kanina sino kaya yung lalaking yun? Sure kasi ako na lalaki yung sa laki ba naman ng kamay niya atsaka yung kanyang pabango. Pero ang hindi ko malimutan yung pag sabi niya ng i love you. Sa itsurang to? May magkakagusto? Siguro inakala niya lang na ako talaga yung babaing dapat niya sabihan ng ganun pero ng narealize niya na hindi pala eh tumakbo na siya. Tama yun nga yun






Tama na nga tong pag iisip na to dagdag problema lang yan kung isipin ko pa

"Sinabi mo na ba?"

"Oo at payag naman siya"

"How cheap naman! Hahahahaha"





Tiningnan ko kung sino yun at nagulat ako na sila Josh pala at Alessa yung nag uusap habang umuupo sa jeep na hindi umaandar kaya hindi nila medyo nakikita dahil nakatalikod sila







Teka ako ba yung pinag usapan nila? Ako nga siguro. Feeling ko iniisip na ngayon ni Josh kung gano ako ka cheap dahil pumayag ako sa kasunduan namin, maliit na bagay sakanya pero para saakin feeling ko parang ikakasal na ako na itatali na ako sakanya dahil pagkatapos ng 8 months? Wala na END na talaga pati sa tingin ko end ko na rin





Naglalaban ang utak at puso ko ngayon kung mag so-sorry ba ako o hindi pagkatapos sabihin ni Alessa yun




Dahil sabi ng puso ko dapat mag sorry ako dahil naging malapit na kaibigan ko naman siya noon at para din naman sa akin to para maging kami ni Josh.






Pero sabi naman ng utak ko na hindi dapat dahil sobra na at tama na dahil pagmamahal mo sa sarili mo parang binalewala mo nalang dahil sinabihan ka na nga ng cheap mag so-sorry ka pa





Ano ba talaga dapat yung susundin ko Puso o yung utak ko?

Unknown ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon