Naghihintay ako ngayon dito kay Josh dahil may sasabihin daw siya sakin. Pero as usual ilang minutes pa ang hihintayin ko dahil baka malay mo nagpapagwapo pa siya para sakinOkay ako na ang umaasa. Atleast magiging kami kahit deal lang yun pero yung iba nga hindi naman nagiging sila ng crush niya oh kahit MU lang
Ay may MU rin pala MAG IISANG
"Hoy!" Nagulantang ako kaya napatayo ako at tinignan ang sumigaw sa tenga ko
"Ano ba? Ang sakit nun ah!" Sigaw ko kay Jarred yung isang matalik ko rin na kaibigan
"Sorry naman, ano bang ginagawa mo dito?" Tanong niya
"Lumalangoy" seryoso kong sabi sakanya pero ang gago hindi manlang tumawa edi ako na ang waley mag joke
"Ano ba yung hinihintay mo dito?" Tanong niya kahit obvious naman na tao, medyo bobo din to minsan eh no?
"Aso yung hinihintay ko dito" sabi ko sakanya pero ganun pa rin yung reaction niya. Hinihintay mo sarili mo?" Aniya
"Letse ka! Hoy bumalik ka dito" sigaw ko,saknya at nagtakbuhan nalang kami dito sa tabi ng ilog "Bibigyan kita ng ice cream pag nahabol mo ko!" Sigaw niya pabalik kaya mas nainggayo ako na habulin siya pero bigla nalang nanghina yung katawan ko
"Teka lang red.... Ang sakit" sabi ko at medyo napaupo ako ng bahagya "Hala sorry nakalimutan ko, halika dalhin kita dun malapit sa puno, para hindi ka mainitan" Aniya at umakbay ako sakanya para makapunta sana sa tabi ng puno pero may humawak sa braso ko
"Ako na magdadala sakanya mauna ka na" malalim na sabi ni Josh kay Jarred tas tinignan ako. Tinignan ko lang yung malaperpekto niyang mukha at nakatitig lang ako sakanya ng tumukhim siya "Huh ah eh... Josh huwag na si Jarred nalang" Sabi ko sakanya kahit gusto ko na siya yung umalalay sakin eh hindi naman pwede dahil nakakahiya naman kay Jarred "Ako na nga diba? Bakit sino ba yung boyfriend mo ako o siya?" Natigilan ako at si Jarred dun at bahagyang napalaki yung mga mata niya "A-ano? Kayo na? Paano? Teka pinagloloko mo ba ako Josh ha?!" Maigting na sabi ni jarred Kay Josh pero tinignan lang siya ng masakit ni Josh at binaling yung tingin niya sakin at parang sinasabi na sabihin mo na sakanya kaya tumikhim ako "K-kami na, Jarred" mahinang sabi ko sakanya kaya napatitig lang siya sakin pero yung mata ko nakatingin lang kay Josh
Napahawak ako sa sentinido ko at parang natutumba na kaya sinalo ako ni Jarred pero kinuha naman ako ni Josh tas pinag aagawan na nila ako. I mean literally talaga "Ano ba?!" Huling sigaw ko sakanila at nag black out na lahat
"Alam mo naman na dapat siyang alagaan diba?" Rinig kong sabi ng isang babae kaya minulat ko yung mata ko at nilibot yung tingin ko. Nandito nanaman pala ako sa hospital
"Eh eto kasi eh!" Sabi ni Jarred at tinuro si Josh "Bakit ako? Ikaw kaya! Ah doc ano nga po pala yung sakit ni Jade?" Tanong ni Josh kaya Napaupo ako "Wala! Wala akong sakit" sabi ko dahil baka kaawaan niya lang ako "Edi wala, geh doc, Pulang pangit at ikaw" turo niya sakin tinignan naman siya ni Jarred ng masakit at inapakan pero hindi siya natinag "A-ano?" Nahihiyang tanong ko sakanya
"Mauna na ako ah? Mag ingat ka" sweet niyang sabi saakin at mas ikinagulat ko eh yung hinalikan niya ako sa ulo ko at naglakad na papunta sa pintuan at sumulyap sakin tas umalis na ng tutluyan
"Ang sweet naman ng boyfriend mo Jade tas ang gwapo pa! Swerte mo talaga!" Sabi ng doctor kaya umirap si Jarred at nginitian ko nalang siya
"Oh siya sige na, tandaan mo mag ingat ka ng mabuti ah? Wag kang magpapagod, at ikaw! Bestfriend ka niya kaya dapat mo siyang alagaan!" Sabi ni doc kay jarred "Ouch doc ang sakit ng puso ko hanggang BESTFRIEND lang talaga ako noh?" Sabi ni Jarred lokoloko talaga to kaya natawa nalang kami ni Doktora
"Mauna na kami doc ah. Maraming salamat" sabi ko sakanya pero huminto si Jarred at sinabing "Doc ako nanaman sa susunod ah? Because maybe you can mend my broken heart" sabi ni Jarred kaya natawa ulit kami ni doktora at hinila ko nalang si Jarred
Nang pauwi na kami iniisip ko pa rin yung ginawa kanina ni Josh. Posible kayang mainlove siya sakin?

BINABASA MO ANG
Unknown Reason
RandomLahat naman tayo naghahanap ng magandang rason para malaman ang isang bagay na sabik na sabik natin malaman May tamang oras para malaman ang mga bagay bagay. Minsan naman may mga bagay talaga na hindi natin dapat malaman dahil masasaktan lamang tayo...