"Pwede bang pumasok?" Sabi ni Alessa. Hindi pa rin ako natinag dahil di ako makapaniwala na sa tagal namin na hindi nagkikita. Pumupunta pala siya sa condo ni Josh pag gabi. Usually kasi hanggang 7 lang ako dito, ngayon lang talaga ako umabot ng mga 9 sa gabi.
"Uhhh hello? Sabi ko pwede bang pumasok?" Sabi niya kaya pinapasok ko naman siya pero bago pa siya nakapasok hinarangan ko pa siya, ewan ko ba kung bakit kasi baka ayaw ko lang talaga magkita sila ni Josh? Ewan ko, pero bahala na siguro
"Babe ang tagal mo sino ba y--" lumingon ako at nakitang natigilan si Josh ng nakita niya si Alessandra "Joshy! I miss you! Oh my gosh!" Tinulak naman ako ni Alessa at pumunta kay josh para yumakap at niyakap naman siya agad ni Josh "Oo nga eh, it's been what, 6 months?" Sabi ni josh at nakayakap pa rin kay Alessa ng parang wala ng bukas
So ngayon palang talaga sila nagkita? Pwede naman sa bukas lang ng umaga o tanghali pumunta dito si Alessa, bakit ngayon pa? Ilang ikot na yung mata ko dito dahil hindi pa rin talaga sila tumitigil sa pagyayakap at parang may sinasabi pa si Alessa kay JOSHY daw niya. Atleast kami babe yung tawagan namin sakanila ang cheesy eww!
Tumikhim ako kaya napatingin naman sila sakin kaya naman nag awkward smile nalang ako sakanila "Uhhh uuwi na ako Josh ah?" Sabi ko sakanila at nilagpasan nalang silang dalawa pero bago pa ako makalagpas sakanila hinawakan na agad ni Josh yung braso ko "Gabi na, dito ka nalang matulog" sabi niya kaya napasmile nalang ako. Ako yung girlfriend kaya gagawin ko ang lahat mapaselos lang ang babaeng yan at mapaalis siya "oh sure baby, why not?" Sweet kong sabi sakaniya at nag cling sa braso niya "Good! Halika na Joshy, marami pa akong saabihin saiyo!" Excited na sabi ni Alessa at iniwan na nila ako. Badtrip! Ni hindi man kang ako tinawag ni josh para yayain. Arrrgh! Ang epal talaga ng babaeng yun!
Dito kami ngayon sa sofa. At ang plano ko na paselosin si Alessa? PALPAK! Ako pa ata yung nagseselos dito eh yung dalawa kasi naglalandian, i mean yung nag uusap na silang dalawa lang yung nakakaintindi pero yung tawa parang aabot hanggang langit "Uh babe, okay ka lang ba jan? Matulog ka nalang muna dun sa kwarto" at dahil naiinis ako padabog akong pumunta papunta sa kwarto niya pero may naisip ako.
I want a game right now, and my baby is going to be my toy *smirk*
"Baby! Josh, hey Josh!" Sigaw ko in the top of my lungs kaya bumukas agad yung pinto at nakita ko si Josh na humuhingal hingal "Yes baby?" Sabi niya habang humihingal napatawa naman ako dun pero sumeryoso agad at pumunta sa pwesto niya "Baby, i want to got to sleep" sabi ko in seductive way at nilock yung pinto"h-huh? Baby ano ano uhh o-ok-okay" sabi niya na parang natatae at parang natatawa na talaga ako sa loob looban ko, nakakatawa kasi yung mukha niya
"Come on baby" hinawakan ko ang polo niya at hinila siya papunta sa kama. "Wait baby ang bilis naman ata?" Sabi niya pero pinipigilan ko lang yung tawa ko, ang dumi talaga ng isip neto "Graduate na tayo baby, ano ka ba?" Sabi ko ng malandi, let's keep your mind dirty my malanding baby. Hiniga ko naman siya sa kama at hinalikan sa labi ng matagal at niyakap siya ng maigi "Goodnight baby" sabi ko in my sweet voice
"Huh? Yun lang?" Matatawa na sana ako pero i compose myself para kunwari parang wala akong ginawa para maiba yung isip niya "Huh? Bakit ano,ba dapat? Diba matutulog na ako sabi mo?" Sabi ko at painosenteng tinignan siya "Tsk. Akala ko pa naman" sabi niya ng mahina pero dinig ko naman "Huh anong sabi mo?" Sabi ko sakniya tumingin naman siya sa pader at tinignan uli ako "Wala tulog ka na" sabi niya kaya niyakap ko nalang siya, niyakap niya lang rin ako at hinalikan sa ulo "Goodnight, pero baby si Sandra doon pa sa labas" sabi niya habang nagyayakapan pa rin kami ng mahigpit, aaminin ko nagselos ako dun dahil Sandra yung tawag niya kay Alessa, wala kasing may tumatawag kay Alessa ng Sandra eh siya lang
pero sorry baby sa susunod na bukas na tayo magtatapos eh. Sana alam mo na mag e-eight na months na tayo sa bukas makalawa bago pa ako maiyak nilagay ko nalang yung ulo ko sa dibdib niya
"But i want you here, please stay" sabi ko sakanya at niyakap siya ng mas mahigpit "Alright baby, I'll stay, sweet dreams baby" sabi niya kaya natulog na ako pero may sinabi pa siya sa huli na hindi ko narinig
BINABASA MO ANG
Unknown Reason
RandomLahat naman tayo naghahanap ng magandang rason para malaman ang isang bagay na sabik na sabik natin malaman May tamang oras para malaman ang mga bagay bagay. Minsan naman may mga bagay talaga na hindi natin dapat malaman dahil masasaktan lamang tayo...