Chapter 9

3 1 0
                                    

After ng practice namin para sa graduation ay lagi akong sinusundo o iniintay ni James. Kung saan saan kami pumupunta.

Hindi naman sya boring na boyfriend. Ang effort nya sa bawat date namin. Halos mapuno nya na ung room ko ng gifts.

At i decided na hindi na sya gawin lang rebound. I'll take our relationship seriously. Naging mahalaga na din sya sa akin at ayokong masaktan ko sya.

I care for him na. Pag nagkikita kami ni Jude ay hindi ko sya pinapansin. As in parang hangin lang sya. It's all his fault. Ayoko ng mapalapit sa kanya.

Nauna akong umalis sa mga kaklase ko dahil iniintay na ako ni James sa labas. Sinalubong nya agad ako pinagbuhat ng gamit.

Inasar pa sya ng mga kabarkada nya.

Natatawa naman ako sa kanya kasi biglang namula ung tenga nya it means nahihiya sya. I kissed him sa cheeks at lalo pa syang inasar. Nakakatuwa talaga sya.

"Saan tayo ngayon?" tanong nya sakin

"Gusto ko pumunta sa inyo. Haha
I want to meet your family" sabi ko. Napatigil naman sya sa paglalakad at humarap sa kin.

"Are you sure about that?" tanong nya sakin

"Ofcourse. Ayaw mo ba?"

"Ha..Ah.. Eh.Hindi naman kaso walang tao sa amin. Out of town."

"Ganun ba sayang naman." nakita ko si Catsie , Kim at Jude na magkakasama.

"Sya ikaw na bahala kung saan tayo pupunta" sabi ko ulit..

Agad naman kaming umalis ng school. Dinala nya ako sa isang butterfly park. Grabe ang ganda ganda dito. Nakakarelax.

"Nagustuhan mo ba?"

"Yeah. Super. Hindi ko alam na may ganito pala dito."

"Hahahaha. Cousin ko ang may ari nito. She loves butterflies."

"Mukhang magkakasundo ata kami" sambit ko

"I think so.! Ipapakilala kita sa kanya pagbalik nya dito. Nasa Canada sya e. Binubuksan ung isang branch ng park nya doon ngayon."

"Wow. "

Pagkatapos naming magdate ay iniuwi nya na ako. Swerte talaga ako sa kanya.

Pagkapasok ko pa lang sa bahay ay nakatanggap agad ako ng text from him.

"Thanks baby. Nag enjoy ako today. By the way. I'll be busy starting tom. Malapit na kasi magstart ang summer league namin sa village."

"Always welcome. Thanks din i really love the butterfly park. I want to go there ulit. Goodluck in advance."

Nakatulog ako habang magkatext kami ni James. Nagising lang ako dahil sa ingay. Pagsilip ko sa bintana ay nakita ko sina Catsie , Kim and Jude. Hinihila nila si Jude.

"Frei. Kausapin mo ko please.."

Dali dali akong lumabas ng bahay para harapin sya.

"Anong ginagawa nyo dito?"

"Nag-aya sya samin mag inuman. Noong nagkukwentuhan kami about you. May sinabi sya then he started crying.  Tapos umalis sya then sinundan namin then nakita namin sya dito na sumisigaw. We thought na you're not yet here. At baka magising nya sina tita kaya namin sya pinapauwi" sagot ni Kim.

"Jude umuwi ka na. Lasing ka na and gabi na."

"Hindi ako uuwi hangga't hindi mo ko kinakausap."

"Wala tayong mapaguusapang matino kung lasing ka. Bumalik ka dito kung wala ka ng inom. Then we're going to talk. But for now! Umuwi ka na!!"

Pumasok na ulit ako sa loob at nakita kong nagpadala na sya sa hila nina Kim.

Ano na naman bang gusto nyang pag-usapan namin.? Pagod na pagod na ako sa mga ginagawa nya. Pinahihirapan nya lang ako lalo.

Masaya na ako kay James so bakit pa sya nagiging ganito?

Hindi ako nakatulog dahil sa nangyari. Maaga na lang ako nagready para pumunta sa school.

Paglabas ko ng bahay ay si Jude ang nakita ko sa halip na si James.

"Ayos na ko today. So  we're going to talk. Whether you like it or not." 

And then hinila nya ako. Hindi ko alam kung bakit di ako makaangal sa paghila nya sakin. Siguro dahil gusto kong malinawan sa mga nangyayari at sa ginagawa nya.

UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon