Chapter 10 Messed Up

7 1 0
                                    

"Totoo bang kayo na ni James?" tanong nya agad sakin ng makarating kami dito sa may park ng village namin. May lungkot sa mata nya ng tanungin nya ako.

"Yeah. Bakit may problema ba dun?"

"Mahal mo na sya?"

"Not yet. Pero I'm on the process."

"Seryoso ka na talaga sa kanya?"

"Bakit ka ba tanong ng tanong? Paki mo ba sa ginagawa ko sa buhay ko. As if you care kung seryoso ako sa kanya o kung mahal ko na sya. You're just a stranger for me. So stop acting like we're close enough para pakialaman ko sa mga ginagawa ko!"

Inis na inis na talaga ako sa kanya. Paalis na ako ng magsalita pa sya ulit.

"Stranger? Ganyan na lang ba talaga ako sayo Frei?" napatigil ako sa paglalakad. Hindi ko magawang lumingon kasi napaisip ako sa sinabi nya. Ganoon na nga lang ba talaga ang tingin ko sa kanya?
" Alam mo bang noong nagkukwentuhan kami nina Kim kahapon. About sa inyo ni James. Doon ko narealize na hindi talaga friends lang ang turing ko sayo. Inamin ko yun sa kanilang dalawa. And they asked me kung bakit palagi kong sinasabing friends lang talaga tayo. Ang sagot ko? It's because i hate commitment. Ayokong makulong sa isang relationship. Natatakot ako na masaktan at makasakit! Per-"

Hindi ko sya pinatapos ng salita at agad ko syang sinampal.!

"Akala mo ba di mo ko nasaktan? Kung takot ka sa lintek na commitment yan? Bakit mo pa sinabing may gusto ka din sakin? E di sana kung di mo sinabi yun at di mo ginawa yung ganoong mga actions e di sana walang ganito. Gago ka kasi Jude! Napakagago mo!"

Nakita kong gulat na gulat sya sa mga sinabi ko. Nakita ko ding umiiyak sya.

"Sorry Frei. I'm really sorry!"

Umalis na ako. At pumunta ng school. Pagdating ko e nakita ko si Janes na nagbabasketball. Nang makita nya ako e agad nyang ipinasa sa kaibigan nya ang bola at tumakbo palapit sakin.

"Dumaan ako sa inyo kanina. Pero maaga ka daw umalis. At may sumundo daw sayo" di ko alam kung sasabihin ko sa kanya na si Jude yung sumundo sakin.

"Ahh. Maaga nga akong umalis. I'm with Miggy. Yung childhood bestfriend ko. Nagpasa sya kanina sakin dun sa malapit na resto. Para magpareserve para sa date nya later. I'm sorry nakalimutan ko kasing magtext!" parang may kung anong emotion ang nakita ko sa mata nya bago sya sumagot ng nakangiti.

"Hahaha ganoon ba. Inaasar kasi ako nina Robert na may iba ka na daw. Alam ko namang hindi ka magsisinungaling sa kin di ba?"

Parang tinamaan ako ng kidlat sa sinabi nya. May alam ba sya sa nangyari kanina? Sana wala. This is not the right time para i- reveal ko lahat ng nangyayari.

Hindi ko pa kaya.

"So baby balik na ako sa court. I love you" at kiniss nya ako sa noo.

Nagpunta agad ako sa room para makapag-isip. Gulong gulo na ako sa mga nangyayari. Sasabihin ko ba sa kanya o hindi?. Napasabunot na lang ako sa sarili ko dahil sa frustration.

" Frei ano bang nangyayari sayo?" tanong ni Peter.

"Wala" tipid kong sagot sa kanya.

"Ah okay. By the way.  Dr. Saunder  wants to talk to you. So you better go to her office"

"Ah okay thanks."

I fixed myself at nagpunta sa office ni Dr. Saunder. Nakita ko doon si Jude.

Masama ang kutob ko sa meeting na ito.

"Have a sit Frei. May isa pa tayong iintayin ha."

At may kumatok nga sa pinto at nakita ko si James. What the hell is this? Nakita kong tinapunan ni James ng masamang tingin si Jude.

Umupo sa tabi ko si James. Sya yung nasa kaliwa ko at sa kanan ko naman ay si Jude.

"So pinatawag ko kayong tatlo dahil ng isang project. Ni request ito ng head ng college department. Sasayaw kayong tatlo ng interpretative dance sa graduation program ng college department. And the song will be "Mahal ko o Mahal ako ni KZ tandingan"

"What?" sabay sabay naming sigaw.

"Bakit? May problema ba guys?"

"Ah. Pwede po bang iba na lang yung sumayaw nito? " tanong ko.

"Nope. Talagang kayong tatlo ang sinabi nilang names. So nakakahiya namang hindi ko paunlakan yung request nila."

Labag man sa loob ko ay pumayag na ako. Letse lang. Grabe.! Sarap manapak.

"So excuse kayo Frei ni James sa lahat ng activities for two weeks. Ayos na naman yung practice nyo Frei. For the grad. At mabilis ka namang humabol kung may mabago man. So bukas magstart na kayo"

Agad kaming lumabas and it's too akward. Niloloko ba ako ng tadhana. Kung oo isinusumpa na talaga kita tadhana.

"So see you tomorrow guys. Sana magkaroon tayo ng magandang teamwork" sambit ni Jude sa amin ni James.

UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon