Chapter 11 Teamwork

4 1 0
                                    

Maaga akong nagising hindi dahil excited ako kundi dahil pinagiisipan kong mabuti kung aattend pa ba ako o hindi.

Hindi ako pabebe ha. Ang awkward lang kasi. The hell! Kayo kaya yung sumayaw ng interpretative tas yung kanta. Tumpak na tumpak sa sitwasyon naming tatlo.

Asar e. Sino kayang nakaisip na sayawin namin yun? E graduation yun. Dapat hindi ganun pero bakit ganun?

Naku malaman laman ko lang na sinadya itong nangyayari. Babalian ko sila ng leeg isa isa.

Biglang may kumatok sa kwarto ko.

"Frei? Tapos ka na bang mag-ayos? Andito na sina James at Jude" sambit ni Mama.

Ang aga naman nila masyado. Lumabas ako para silipin sila.

"Bakit ang aga nyo?" tanong ko sa kanila.

"Galing na kami sa school Frei. Kaso sinabi ni Dr. na sa studio ko na lang tayo magpractice. Dahil gagamitin daw ang studio sa school" sambit ni Jude.

"Ah ganoon ba. Sya wait lang. I'll get my things lang"

So pumasok ulit ako sa room ko. At kinuha yung gamit ko. Pagbaba ko palang sa hagdan ay natapilok ako kaya naman nabitawan ko yung bag ko. Good thing nasalo ni James. At ibinaba nya muna para alalayan ako. Nang makatayo na ako e nagpaunahan sila sa pag kuha nung bag. Naunahan ni Jude si James pero parehas parin nilang hawak yung strap ng bag ko.

"Ako na!" sabay nilang sambit.

"Ako na. Ako yung nauna so ako dapat!" Jude

"Ako yung sumalo so ako dapat." James.

Nagsukatan silang dalawa at nagdouble meaning ang impact nung mga sinasabi sakin. Ayaw nila parehas patalo.

"Kung ganyan kayo. Kayo na lang magpractice."

Agad naman silang natauhan sa sinabi ko. Binatawan na ni Jude ung bag ko.

"Good. Ako naman kasi dapat, kasi ako yung boyfriend" binigyan ng emphasis ni James yung "boyfriend" na parang may ipinaparating. Ito na nga ba ang ayaw ko e.

Nilakad na lang namin dahil sa labas lang ng village namin yung studio ni Jude.

Pagdating namin ay nakita ko kaagad si Kyle nginitian nya ako.

At lumapit sa amin.

"So anong gagawin nyo dito?" tanong ni Kyle. Hinagis ni Jude yung isang papel sa kanya.

At biglang itong tumawa ng malakas.

"HAHAHAHAHA. Kilala ko kung sino nagpagawa nito. Hahahaha. Naisahan kayong tatlo. Hahaha." tawang tawa nyang sabi.

"The hell!! So it means sinadya talaga ito?" tanong ko sa kanya. Tumango sya dahil hindi pa din sya maka get over sa pagtawa.

"Tumahimik ka na Kyle nakakabwisit na" singhal ni Jude.

Gusto kong malaman kung sino ang may kasalanan ng bwisit na performance ito. Pero kahit naman malaman namin kung sino. Kailangan pa din naming gawin ito dahil utos ni Dr. Baka di ako maka-graduate kapag sinuway ko.

So konting pahinga lang at nagsimula na kaming magpractice. Nakakabwisit talaga yung kanta pang-asar e.

Asar na din yung reaction ni James. Lalo na kapag nagkakadikit kami ni Jude sa sayaw. Nagbunutan silang dalawa kung sino yung mag-aact na Mahal ko at Mahal ako. And unfortunately si Jude yung mahal ko at si James ang mahal ako. Saktong sakto lang di ba guys. Grabe buhay ito.

After ng ilang routines ay nagpahinga na muna kami. Magkatabi kami ni James at nagkukulitan ng makita ko si Jude na palapit sa amin. Nagulat ako ng hilahin nya ako bigla.

"What the hell Jude!?" sigaw ko sa kanya.

"What's wrong with you bro!" singhal ni James. Nakita kong nagsipatan sila ng tingin ni Jude.

"Wag kang makialam dito James. May paguusapan lang kami ni Frei. Labas ka dito!" sigaw ni Jude.

Nagulat na lang ako ng biglang bumagsak sa sahig si Jude. Hawak hawak nya yung panga nya. At dumudugo na yung labi nya.

"Tss.. Sigurado kang labas ako sa pag-uusapan nyo? Nireremind lang kita ha. Boyfriend ako ni Frei. So dapat alam ko lahat lahat. Lalo na kung may connection sayo yung pag-uusapan nyo!!" sigaw ni James.

Kahit asar ako kay Jude ay naaawa ako sa kanya. Inalalayan sya ni Kyle makatayo. Hawak ko naman ang braso ni James. Kasi baka masuntok nya na naman si Jude.

"James. Mag-uusap lang kami ni Jude. There's nothing wrong with that. I swear sasabihin ko sayo lahat pagkatapos naming mag-usap." mahinahon kong sabi sa kanya.

Pero binigyan nya lang ako ng isang matalim na tingin. Tinitigan nya ako sa mata na may galit. Di na ako makahinga sa kinatatayuan ko dahil sa nangyayari. Tinanggal nya ang pagkakahawak ko sa kanya. At itinulak nya ako.

"Shit!! Ayan ka na naman Frei. Sa mga pangako mo. Pero ni isa wala kang natupad. Alam mo bang nakita ko kayo ni Jude noong sinundo ka nya ng maaga sa inyo. Akala ko sasabihin mo lahat sakin.Pero letse, nagsinungaling ka sa kin Frei. Alam mo ba kung gaano ako nasaktan dun?. Alam ko naman na in the first place rebound mo lang ako. Pero tinanggap ko yun dahil mahal kita Frei. At inakala ko na mahal mo na din ako kahit papaano. Pero after nitong mga nangyayari ngayon napatunayan ko lang na kahit gaano kita kamahalin at alagaan."

Umiiyak sya sa harap ko. Naiyak na din ako dahil sobra ko syang nasaktan.

"At ang di ko lang matanggap. Ako yung nasa tabi mo palagi, pag nasasaktan ka. Ako yung takbuhan mo pero bakit ganun. Si Jude pa din yang laman ng puso mo. Sobrang sakit Frei!"

Pagkasabi nya ng lahat ng iyon ay kinuha nya na ang gamit nya. Tumigil sya sa harapan ko at niyakap ako.

"Let's end this relationship. Ayoko ng masaktan. I love you so much Frei. But if I stay beside you, mas masasaktan lang ako" pag kahiwalay nya sa yakap ay hinalikan nya pa ako sa noo na lalong nagpaiyak sakin.

"Don't worry guys. Magpapractice pa din ako with you guys. Pero for now. I have to go "

At tuluyan na syang umalis. Nilapitan ako ni Jude pero itinulak ko sya palayo. Si Kyle yung lumapit at nagcomfort sa akin.

Inihatid ako ni Kyle sa bahay.

"Don't worry Frei. Everything will be fine soon. So get some rest. Wag mo ng isipin ang nangyari. This is not your fault. So don't blame yourself okay?" sambit nya sakin.

Nagnod na lang ako at pumasok sa bahay. Hindi ko namalayan at nakatulog na ako sa pagod. At sa sobrang pag-iyak.

UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon