Chapter 7 Friends

5 1 0
                                    

After that incident. Hindi ako masyadong lumalapit kay Jude. Kapag inaapproach nya ako e nalayo ako. Ayoko na ng issue. Madaming nagtatanong kung anong nangyari. Pero di ko na lang sinasagot.

Umaattend ako ng practices ko. Pati ung practice nina James umattend ako pero kapag may ituturo kaming routine e si Kyle ang kinukuha kong partner.

Lumipas ang ilang araw. Hanggang sa lumapit sakin si Icy. Di ko alam pero kinabahan ako.

"Frei. Pwede bang give me some advice?"

" Sure. Ano ba yun?"

Ikinuwento nya sakin lahat ng text sa kanya ni Jude. I feel betrayed. Pero wala akong karapatan. In the first place ultimate crush sya ni Jude.

"E ano ba sa tingin mo? May gusto ka din ba sa kanya?"

Pero di sya sumagot nagpasalamat lang sya at bumalik na sa pwesto nila nina Anne.

Nakita kong nakatingin sakin si Jude. Pero iniwasan ko sya. Nagpaalam ako sa mga kasama ko na bibili lang ako ng tubig.

Pero di agad ako bumalik pumunta muna ako sa mini park ng school namin.

Gustong gusto kong umiyak pero wala. Hindi pwede. Lalo lang magkakaissue. Biglang may umupo sa tabi ko.

Amoy palang nya alam kong si Jude ito. Hindi ko sya binigyan ng kahit anong reaction.

"Anong pinagusapan nyo ni Icy?" bungad nya.

"All about your texts.!"

" Okay."

"Jude ano ba talagang meron satin? Ano ba talaga tayo?"

"Hindi ba dapat ako ang magtanong nyan sayo Frei. Ikaw itong bigla na lang umiwas. Na parang wala lang ako. Akala mo ba hindi ako nasasaktan sa ginawa mo."

"Jude umiwas ako para pahupain ang issue natin. Pero ni minsan di ako nagtext sa kahit kanino. Pero ikaw? Kaya sagutin mo ano ba talaga tayo"

"Friends! Friends lang Frei. "

Feeling ko pinaulanan ako ng libu-libong daggers. Ang sakit na sa kanya mo mismo maririnig. Ayokong umiyak sa harap nya. Ayokong makita nyang nasasaktan ako.

"Thanks!" at saka ako umalis. It hurts like hell. Hahaha. Damn it!!

Itinago ko kay Catsie and Kim everything. Ayokong malaman nila na naging tanga na naman ako dahil sa isang tao.

Naguusap na ulit kami ni James. He even asked me to be his partner sa prom pero di ko tinanggap. Sinabi ko na lang sa kanya na pwede nya akong isayaw.

Mamaya na yung prom namin. At excited na daw si James na makita ako. Naging casual na ulit ung turingan namin. Parang dati lang, maguusap kami kapag importante lang. Mas mabuti na yun.

Pagdating ko sa venue ng prom namin e agad kong nakita si Jude. He's wearing a black tuxedo.

By the way ang theme nitong prom namin ay "Fairytale". I'm wearing a red ball gown.

Maya maya pa ay dumating na si James. Gwapo talaga sya. Nilapitan nya agad ako. At pinaulanan ng papuri. Nagtatawanan lang kami hanggang sa tinawag na kami at magsisimula na.

Pumila na kami at kapartner ko si Jude. Hindi kami nag-uusap. Nang tinawag na ang pangalan ko e pumasok na kami. Eyes are on us.

Pag katapos lumakad ay dumiretso ako sa upuan ko. Katapat lang namin yung table nina James. Para kaming tangang nag ngingitian.

After ng ilang performance ay nagsimula na ng party. Nagpunta kami sa dance floor nina Catsie at Kim. Kaming tatlo ay nagsasayaw.

Maya maya ay isinayaw ni Bryan si Kim. At si Catsie ni Thomas. Uupo na sana ako ng may humila sakin si Vincent. MOCC namin.

"Ma'am kung pwede daw po kayong isayaw ni James."

"Of course pero sya dapat lumapit sakin."

Agad na ngumiti si Vincent at tumakbo papunta kay James na mag-isang nakaupo. Na kanina pa atang kinukulit ng mga kaklase nyang magsayaw at inaayang sumayaw.

"Bakit di mo isinayaw si Cathlyn?"

" Hahaha seriously Frei. Di ba sabi ko sayo ikaw ang first and last dance ko dapat. "

"Kaya pala."

Habang nagsasayaw kaming dalawa. Nakita ko yung tingin ni Jude. Galit sya alam ko kitang kita ko. Pero mas galit ako sa kanya dahil in the first place ako ung pinaasa nya.

Bago matapos ung kanta. I kissed James on his cheeks.

Natapos na yung prom at umuwi ako ng pagod na pagod. Nakatulog agad ako pero nagising ako sa isang tawag.

"It hurts like hell Frei."

At pinatay nya agad. Si Jude yun. Ano na namang problema nya?

UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon