Chapter 12

7 1 0
                                    

Tulad ng sinabi ni James , ipinagpatuloy nya ang pagpapractice. Ilang araw na din kaming nagpapractice. Hindi na ako nahihirapan sa sitwasyon namin dahil parehas silang dalawa na umaarte na parang walang problema.

Ilang araw na din akong hindi nakakaattend ng grad. practice namin pero okay lang naman dahil madali naman akong makakahabol doon.

Papunta kaming tatlo ngayon sa school for our final rehearsal. Ang gusto ni Dr. Saunder ay mapanood ng highschool department yung performance namin.

Kaya dito ako kinakabahan. Parang tatalon na palabas ng dibdib ko ang puso ko.

Pagdating namin sa school ay sinalubong ako nina Catsie at Kim. Niyakap nila ako ng sobrang higpit.

I think may alam sila sa nangyari noong isang araw. Ginoodluck nila ako.

Pumunta muna kami sa office ni Dr. Saunder para kunin yung costume.

Simple white dress yung costume ko.

Nang makapagready na kaming tatlo ay tinawag na ni Dr. Saunder ay mga student.

Announcement everyone please proceed to the gymnasium now.

At nagpunta na din kami doon. Nagpray lang kaming tatlo at inintay ang pagtawag sa amin ni Dr. Saunder.

Pagdating namin sa stage ay pumwesto na agad kami. At nagsimula na agad yung music.

I don't know kung anong nangyari sakin pero tumigil ako sa pagsasayaw. I cant do this.

Kahit hindi nila ipakita sakin alam ko nasasaktan na din sila. At lalo na ako. Nasasaktan na ako ng sobra.

Tumakbo ako pababa ng stage. Hinabol ako ni Dr. Saunder , pero di nya ako naabutan.

"That's your prize!" pagtingin ko sa nagsalita ay nakita ko kaagad sina Icy. Kasama nya din ang mga ka group namin sa dance co.

"Masyado kasing mataas yang tingin mo sa sarili mo. Kinuha mo na ang pwesto ko kinuha mo pa si Jude and James."

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ni isang salita walang lumabas sa bibig ko. Ganoon ba talaga ang tingin nila sakin.

"I'm sorry" sambit ko. Pero sa halip na tanggapin nya iyon ay sinampal nya ako.

Napaupo na lang ako sa sahig at umiyak. Matapang akong tao pero bakit pinaghihinaan ako sa kanila? I had enough. Sobra na ito. I think magbebreak down na ako.

Nagulat ako ng may marinig akong malakas na sampal. Pagtingin ko ay nakita ko si Catsie na sinampal si Icy at dinaluhan naman ako ni Kim.

"Ssshhh. Stop crying. This is not your fault" sambit ni Kim.

"You don't deserve to be treated like this Frei. At wala kayong karapatan Icy na ganituhin sya. Hindi nya kasalanan na mas magaling sya sa inyo. At hindi nya kasalanan na sya ang mahal ni James at Jude. Hindi nya sinabi kay Dr. Saunder na sya na lang ang gagawa ng mga projects na napunta sa kanya. Kasalanan nyo yub. Dahil hindi nyo ginawa ang best nyo. Dahil puro kalandian lang ang alam nyo. So back off.Once na makita ko pang sinasaktan nyo si Frei. Hindi lang yan ang gagawin ko sayo" sambit ni Catsie at tinulungan si Kim na alalayan ako.

"Everything will be alright" pagkasabi nila nun ay nagcollapse na ako.

Nagising ako sa clinic. Nakita ko si James na nakaupo sa kabilang kama dito sa clinic.

"Okay ka na? Anong nararamdaman mo? I'm sorry Frei."

"I'm Fine. James sorry sa lahat lahat ng ginawa ko. And thanks kasi kahit na nasaktan kita. Nandito ka pa din. I hope we can be friends?"

Niyakap nya lang ako bilang sagot sa tanong ko. Medyo nabawasan na yung sama ng loob na dinaramdam ko.

"By the way Frei. Dr. Saunder wants to talk to you."

Inayos ko kaagad ang sarili ko at nagpunta sa office.

"What was that Frei?" bungad nya sakin.

"I'm sorry ma'am. But I can't do this anymore."

"What? Ang dami mo ng naaksayang panahon for this. So what's wrong?"

"Hindi ko na po yun kaya. Just give this project to someone else. Sorry po. And i want to tell you this ma'am. I want to quit on the dance co."

Nanlaki ng mata ni Dr. Saunder, para bang hindi sya naniniwala sa narinig nya.

"What?"

"I quit" yun lang ang huli kong sinabi bago lumabas ng opisina nya.

Magfofocus na lang ako sa graduation practice. Ilang weeks na lang naman bago ang graduation.

At di ko naman na kailangan maging part ng dance co. Dahil lilipat naman ako ng school sa college.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon