The Archer Who Robbed my Heart

989 20 0
                                        

"Punyemas. Bakit may bunot na naman dito sa bag ko" sigaw ko habanh binabato ang 3 pirasong bunot sa bag ko. Ewan ko ba kung bakit nagkasya yun dito.


"Si Reyes tanungin mo hahah" singhal ni Laura na katabi ko


Dumiretso ako sa labas nh classroom upang kumprontahin si Reyes.


Nakita ko siya agad na nilagay sa hagdan ang picture ng classmate namin na candidate Mr. and Ms. Intramulas.  Nakalagay ang picture sa frame tapos tinirikan niya ng kandila. Siraulo to wala talagang magawa sa buhay. Nagawa pa niyang picturan yung kalokohan niya. Halos buong 4th year na ang nakakita ng ginawa niya. Recess kasi.


"Hoy Reyes Gagu ka talaga alisin mo nga yan" saway ko


"May bibigay ako sayo." kumunot ang noo ko ng ilagay niya sa palad ko ang lighter. At sumigaw siya bigla.


"Ly! Si Ravena o pinagtripan yung picture mo!"


Gago talaga to. Napalingon sa kin si Alyssa at napatingin sya sa litrato niya. Lumapit siya sa akin. Napalunok ako ng malalim. At natulala na lang ako matapos niya akong sampalin. Bumakat yata yung kamay niya sa pisngi ko.


Hindi na ako nakareact sa mga nangyari.


Nakarinig na lang ako ng halakhak nung Reyes Demonyong to dalawang beses akong biniktima ngayong araw.


Pumasok ako sa room at nakita ko si Alyssa na umiiyak. Lalapit sana ako para magpaliwanag nang makita ko sa tabi niya si Reyes na tumatawa.


"Ly, seryoso ka? Iniiyakan mo yun?" -Reyes


Humihikbi pa rin si Alyssa.


"Huy Aly, hindi ako gumawa nun promise. Grabe yung sampal mo oh. Bumakat sa mukha ko. Volleyball player ka talaga. Pero hindi-"


Hindi ko natapos ang pagpapaliwanag ko dahil pumasok na sa room namin ang adviser namin.


" Alyssa, Jeron may practice kayo ngayon. Excused na kayo" Anunsyo ng adviser namin.


Tumingin ako kay Alyssa. Nagulat ako ng makitang walang bahid ng luha sa mukha niya. Kanina lang umiiyak yun ah.


"Maam ayoko na po sumali sa Intrams. Captain po kasi ako ng volleyball so hindi po ako pwede." sabi ni Alyssa


Dahil kaya sa nangyari kanina kaya sya umaatras?Siraulo talaga to si Reyes. Kahit bestfriend pinagtitripan. Anong klaseng kaibigan to?

When the Eagle Lost it's WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon