Date Posted : December 14, 2015
Hello Critiques!
It's time for another activity! Sana marami pa rin po ang magpaparticipate. Are you excited guys? Again, it's another One Shot Activity Contest na related sa pasko. ^_^Title: Mystery/Thriller
Genre: Mystery/Thriller (related sa pasko)
Word Count: 1,500-2,000 wordsAim/Goal:
Ang pangunahing layunin ng contest na ito ay upang madagdagan ang ating kaalaman sa pagsulat ng ganitong uri ng genre dahil konti nalang ngayon ang writers ng ganitong klaseng istorya.
Para sa katulad nating mga baguhan ay magsilbi itong isa sa panimula na maghahasa at makatutulong sa pagnanasang maging isang tunay na manunulat balang-araw.
Prizes:
1st prize:150 pesos na load (or cash)
10 comments
Flood Votes2nd prize
100 pesos na load (or cash)
10 comments
Flood Votes3rd prize:
50 pesos na load
5 comments
Flood VotesConsolation Prize:
Two winners (30 pesos load + flood votes)
Special Prizes:
30 pesos na load + flood votes
CRITERIA:
Body: 35% - Kabuuan ng kuwento na masasabing nasagot ang genre gaya ng Mystery/Thriller. Paano mo nilalahad ang mga pangyayari.
Technicalities: 20% - Grammars, structure of sentence, paggamit ng tamang salita , pag-uulit ng mga salita , typos, etc.
Uniqueness and Originality: 20% - Makikita rito ang kakaibang paglikha ng eksena o pangyayari na wala sa iba. Maaaring mag-iwan ng bakas sa kuwento na maalaala ng mambabasa.
Twist/Ending: 15% - Makikita ang kakayahan ng manunulat sa mga hindi inaasahang pangyayari sa pagtatapos at ang rebelasyon ng isang katotohanan na mapagpapabigla sa mambabasa.
Appeal of the Story: 10% - Dito ay aasahan kung paano ang paraan ng paghatid ng manunulat sa mga mambabasa upang ito ay hindi bitawan mula sa simula hanggang matapos.
MECHANICS:
1) Ang lahat ay maaaring sumali sa aktibidad na ito, miyembro man siya ng Critique Book Club o hindi , kung makakasunod sa mga patakarang nababanggit dito.
2) Ang kuwentong ipapasa ay kailangang bagong likha. Ibig sabihin ay hindi pa naipapaskil sa wattpad o saan mang website na may ganitong uri.
3) Kailangang filipino (o tagalog) lamang. Hanggang maaari ay gawing puro filipino, maliban sa mga puntong hindi maiiwasan. Ipinakikiusap din na hanggang maaari, ang pamagat ng lahok ay nasa filipino rin, kung pupuwede lang naman po.
4) Strictly no SPG (kalaswaan) o BS o anumang katulad nito.
5) Ang bilang ng salita ng kuwentong isasali ay dapat nasa 1,500 - 2,500 lamang including title and username kung iyo ay nakasulat sa MSword. Kung through private message ang pagpapadala niyo ng entry, ang word count na dapat lang sa inyo ay 1,500- 2,000. Siguruhing hindi ito lalagpas o kumulang.
6) Ang lahat ng entry ay isusulat sa MSWord at siguruhing nakasulat ang username sa ibaba ng pamagat.
7) Deadline of entry is January 2, 2015 , 12:00 midnight.
8) Ang lahat ng entry ay kailangang nakasulat sa MSWord at ipadala sa email: critique.society@yahoo.com.ph . Pwede rin na i- Private Mesaage dito sa cbc_2015 .
9) Anumang ipinasang kuwento ay hindi na maaaring bawiin upang baguhin o palitan. Ngunit hindi aagawin ang copyright ng may akda hanggang sa matapos ang pag-anunsiyo ng mga nagwagi.
10) Announcement of winners depends on the number of entries.
Lahat ng nakasulat dito ay mahalaga. Strictly follow the rules and mechanics.
Kung may mga tanong kayo, please comment down or you can directly PM me.
Comment Join, kung sasali kayo. ^_^
Maraming salamat po.
A BIT OF TIP:
Sa mga katulad nating baguhan sa ganitong genre na Mystery/Thriller ay mahirap daw. Hindi kung talagang susubukan at pagtutuunan ng pansin
Ang genre na ito ay madalas na krimen at pang-detective ang istorya.
Sa krimen ay marami tayong pwedeng makuhanan ng ideya gaya ng sa mga palabas sa tv, sa mga movies, sa mga balita sa tv, kahit sa mga diyaryo ay may mababasa tayong tungkol sa kirimen.
Kahit sa mga detective na story ay merong makukuhang idea sa tv series, movies at sa mga books ni Sir Conan Doyle at ni Edgar Allan Poe.
Sa Mystery ay simpleng bigyan lang ng misteryo ang istorya mo. Then, kung detective ay lalagyan lang ng pag-iisipan ang mga readers.
***************************************
Ang mga mystery stories ay kadalasang sa isang misteryo umiikot. Misteryo sa likod ng kaniyang bahay, sa likod ng kanyang pagkakakilanlan, sa likod ng mga pangyayari.
Mas mabibigay diin ang misteryo kung magiging sangkap ito upang bigyan ng sakit sa ulo ang readers. Taniman sila ng maraming tanong, at bigyang sagot ang lahat sa huli.
Dapat din ay nakakapukaw ng atensiyon ang titulo. Isa pa ito sa nakakapagpadagdag ng mystery feels.
At siyempre, dapat mapag-isipan mabuti ang plot. Samahan pa ng magandang daloy ng kuwento at maayos na paghabi ng salita, ayos na ang inyong entry. Madali lang, hindi ba? Goodluck!
------RHMDeLeon-----
YOU ARE READING
The Critique Society (CLOSED)
RandomWELCOME TO "THE CRITIQUE'S SOCIETY" Interested in being a member? all you have to do is to fill up the form and help the writers to discover their story.