Seventh Activity

509 34 62
                                    

Date Posted: Dec. 16, 2015
Deadline: Dec. 24, 2015

LIKHANG TULA

Yes it is! Our SEVENTH ACTIVITY ! Dahil sa pasko ngayon kaya hindi lang isa ang activity natin ngayong buwan ng Disyempre. Maraming salamat sa sponsor natin ngayon, pangalanan nalang natin siyang Ms. Y. ^_^

LAYUNIN:

Ang bawat isa ay mailabas ang kakayahan upang makalikha ng isang tula.

Naniniwala akong lubos na ang lahat ng manunulat, kung paanong marunong umakda ng kuwento ay may dunong din na makagawa ng tula.

Huwag po tayong mangamba. Ang takot ay nagpapatigil ng mabuting adhikain.

Halina, makilahok sa isang natatanging patimpalak ng taon-Likhang Tula.

Title: Likhang Tula
Theme: Tula sa Pag-ibig, Bagay, Lugar na may kaugnayan sa Pasko

Mga nakaraang pangyayari sa inyong buhay sa panahon ng kapaskuhan na hindi ninyo malilimutan o mga gusto ninyong mangyari tuwing pasko. Ikwento niyo ito sa paraan ng paggawa ng isang tula tungkol man ito sa pag-ibig, bagay o lugar.

PANUNTUNAN (Mechanics):

1) Makalikha ng isang tula sa wikang Filipino/Tagalog.

2) Ito ay may kabuuan sa minimum na apat (4) saknong (stanzas) na may apat (4) na linya o taludtod (lines) sa isang saknong. Ito ang sa inaakala kong madali para sa lahat. O maaari ring kumuha o gumaya sa Kilalang Pamantayan ng Tula.

3) Magkatulad ang rima (rhyme) sa bawat dulo ng dalawang linya.

4) Dapat ay nakametro. Ibig sabihin, ito ay nakasunod sa bilang ng baybay ayon sa manunulat o ayon sa Kilalang Pamantayan ng Tula.

5) Kailangan ay mayroong bantas na gagamitin katulad ng kuwit (,), tuldok (.) upang maging maayos ang pagbabasa sa bawat linya hanggang sa kabuuan ng tula.

6) Hanggang maaari ay may talinghaga o metaphor. Kung hindi kakayaning lagyan nito ay hindi pinipilit. Subalit puntos din ang mayroon nito.

7) Ang lahat ng lahok na ipapasa ay kailangang bagong gawa at hindi pa naipapaskil sa wattpad o saan mang website na katulad nito.

8) Ang lahat na lahok ay ipapasa sa private message ng CBC_2015.

9) Ano mang tula na ipinasa na ay hindi maaaring bawiin upang palitan o baguhin. Ang copyright ay nananatili pa rin sa orihinal na manunulat.

10) Lahat ay pwedeng sumali, member man o hindi. ^_^

PAMANTAYAN (Criteria):

Pamagat: 10% - Minsan, gaya ng sa isang kuwento, sa pamagat pa lang ay umaakit na sa mambabasa.

Katawan ng Tula: 30% - Ito ang kabuuan ng tula na magpapakilala ayon sa pamagat.

Mga salitang ginamit: 30% - Bokabularyo ang pangunahing makikita. Maraming salitang hindi umuulit, mas malaking puntos ang makakamit.

Indayog at Ritmo: 20% - Mga kumbinasyon ng salita, sa pagkakasunud-sunod, at may mga puntong tila duyan na umuugoy.

Akit ng Tula: 10% - Sa pambungad pa lamang ay mahahatak ka na ituloy na basahin ito at hindi mangingiming tapusin.

PREMYO:

First Prize - 250 pesos + 30 chapters flood votes
Second Prize - 200 pesos + 20 chapters flood votes
Third Prize - 150 pesos + 15 chapters flood votes

Ang prizes na nabanggit sa itaas ay pwedeng Cash, Load, o kaya ay online items through online shopping. Exciting diba?

MGA ESPESYAL NA GANTIMPALA

Tangi ng Isponsor - 30 pesos load + flood votes (15 chapters)
Tangi ng mga Huwes - 30 pesos load +flood votes (15 chapters)
Tangi ng mga Admins - 30 pesos load +flood votes (15 chapters)

The Critique Society (CLOSED)Where stories live. Discover now