Marami kaming natanggap na mga tanong tungkol sa SELF- PUBLISH pagkatapos mailabas ang mga napiling story mula sa Flash Fiction. Hindi talaga namin ini-announce ito noon dahil hindi pa yun sigurado dati at ayaw namin na umaasa kayo sa wala. YES! Totoo po na may sponsors tayo para sa self-publish. May sponsors na pipili ng mga stories para isasama nila sa self-publish na libro. Sa Sixth Activity natin ay pipili ulit sila.
Please read everything in here, marahil ay nasasagot na dito ang lahat ng mga katanungan ninyo.
Frequently Asked Questions
1. Q: Kailan ang deadline ng Mystery/ Thriller One shot contest? Kailan ipopost ang stories? Kailan ang announcement of winners?
A: Deadline: January 2, 2015 midnight. We will post the stories January 3, 2015. Announcement of winners a week after posting of entries or will depend upon the number of entries.
2. Q: Kailan ang deadline ng Tula Making Contest? Kailan ang posting of entries? Kailan ang announcement of winners?
A: Deadline: December 24, 2015 midnight. Posting of entries December 25, 2015. Announcement of winners will be on December 29 or 30, 2015.
3. Q: Pipili pa ba ulit ang sponsors ng stories sa one shot activity para sa self- publish? Kukuha rin po ba sila sa tula?
A: Yes. Pipili ulit ang sponsors ng stories sa One Shot activities natin para sa self- publish. Hindi lang sa Sixth Activity natin kundi sa mga susunod pa na One Shot Activity natin. At kung mangyari man, baka may kukunin din sila sa Tula making Contest. Hindi pa lang ako 100% sure sa tula , 50% pa lang.hehhe
4. Q: Winner lang ba ang may chance na mapasama sa self-publish?
A : A big NO for that. Hindi ibig sabihin na kung winner ka ay automatic ka ng mapapasama sa self- publish, at hindi ibig sabihin na wala ka ng chance mapasama sa self-publish kung hindi ka nanalo sa contest. Depende po yan sa story mo, kung magugustuhan nila ang story mo ay congrats dahil maisasali ang story mo sa self-publish. Kaya kahit hindi kayo nanalo ay may chance pa rin.
5. Q: Kung napili ang story ko, sponsors lang ba ang pwedeng mag-edit?
A: Kung napili ang story mo, sila ang mag-eedit. Kung mangyari man na may gusto ka pang i-edit sa story mo ay ipag-alam lang sa amin at bibigyan ka ng ilang araw para ma-edit ang story mo. Pero hindi ibig sabihin na kung yan ang pagkaka-edit mo ay yun na ang final, dahil babasahin pa ng sponsors ito at maaaring hindi na kailanganin ang inyong approval para sa final na story.
6. Q: Paano kung hindi ako papayag na ma-edit ang story ko?
A: Maaring hindi rin nila isasali ang story mo sa self-publish.
7. Q: Paano kung gusto ko na ako lang ang mag-edit ng story ko?
A: Sa bagay na yan, depende kung pasado na ang pagkaka-edit mo para isama nila ito.
8. Q: Kapag pumayag ako, yung edited ay sa akin na rin?
A: Yes po. Pati edited na ay sa iyo na rin.9. Q: Pwedeng hindi ako pumayag na isama pa ang istorya ko?
A: Pwede. Kaya lang nakakapanghinayang kasi maipapabasa mo ito sa iba na hindi gagamit ng internet. At koleksiyon mo na rin na makukuha mong libre. ^_^
10. Q: Pwede ba akong mag-submit ng ibang istorya sa sponsor para makasama sa self-publish?
A: Hindi kami sigurado. Ang plano ng sponsors ay kukuha sila sa mga bagong akda na isinali sa isang contest.
11. Q: Paano kung nanalo ako sa contest pero hindi pinili ng sponsors?
A: Sorry, but wala sa amin ang desisyon na yan at hindi namin sila mapipilit.
YOU ARE READING
The Critique Society (CLOSED)
RandomWELCOME TO "THE CRITIQUE'S SOCIETY" Interested in being a member? all you have to do is to fill up the form and help the writers to discover their story.