Mga maaaring isali sa Likhang Tula

485 24 57
                                    

ISANG HALIMBAWA na maaaring isali sa Likhang Tula.
Paunawa: Ito po ang napili kong ihalimbawa hindi upang iangat ang aking silya.
Kundi upang may maipakita po sa lahat na sa ganitong ideya ay pwedeng gawin sa patimpalak na ito.
ANG PORMA at METRO o Sukat: Apat (4) na linya sa isang (1) Saknong. At ito ay may pitong (7) Saknong.
Ito ay aking inimbento at isa sa paboritong gamitin na porma sa mga tula ko.
Bansag: Kuwadro-Dose
Dahil may Apat (4) na Linya, na may Labindalawang (12) Pantig bawat Linya sa Isang (1) Saknong.
Dalawahang Linya ang rima (rhyme). Ang magkasunod na linya ang magkarima.
Ang paderno (pattern) ng rima ay aabb.
Paksa: Tungkol sa saranggola
Talinghaga (metaphor): Inihambing ang saranggola sa buhay ng isang tao.

SARANGGOLA

I
Patpat, papel de hapon at saka kola.
Buto at katawan kapag pinagsama.
Palikpik, dikit sa magkabilang tabi,
Buntot, pakendeng, yaring papel at pisi.

II
Pisi, pininong bubog saka pang-ikit,
Gamilyang habang tali, ipinangsirit.
Paitaas ang pukol, ipalulutang,
Gumuhit paigkas at pumailanlang.

III
Ngayo'y naglalaro sa himpapawirin,
Nagsasayaw at humaharot sa hangin.
Nagpapasya siyang may hawak ng tali,
Ngayo'y tayog ng pangarap ang kaiwi.

IV
Hindi gagawarang maging isang ibon,
Halikan ang ulap sa lakas na ipon?
Hindi matumbasan sakay sa amihan,
Halinhan ang lungkot ng kaligayahan.

V
Minsan buhay kawangis ng saranggola,
Malas angbpalad, talunan sa digam.
Napapadpad sa'n mang itulak ng hangin,
Napapagal, sadlak sa bingit ng bangin.

VI
Kung nasa tugatog umereng tagumpay,
Nalalasing, hibang sa saganang buhay.
Kung mahilo'y lagpak sa batuhang lupa!
Nagsisisi sa mga sala't lisyang gawa.

VII
Wasak ang papel, bali-bali ang patpat,
Binusal na panaghoy hindi maampat.
Wakas, rikit ng tinatamasang rangya,
Balakyot ay lipas, hininga'y nawala.

NOTE: Pansinin ang mga ginamit na mga bantas. (,   .   ?   !)
Pansinin ang bawat saknong ay tumatalakay sa isang paksa.
Personal na istilo (kahit hindi gayahin): Pansinin ang unang titik sa bawat linya sa bawat saknong--parehas sa kasalit na linya. Upang madagdagan ko pa ng kaunting sining ang pagsulat nito.

Ang mga sumusunod ay maaaring gamitin dahil mayoong bilang, porma at rima.
KILALANG PAMANTAYAN NG TULA

TERZA RIMA POEM
10 syllables each line (suggested)
Pattern:
aba
bcb
cdc
ded
ee

SHAKESPEAREAN SONNET POEM
10 syllables each line (ruled)
Pattern:
abab
cdcd
efef
gg

OTTAVA RIMA POEM
11 syllables each line (ruled)
Pattern:
ab
ab
ab
cc
Note: Kung ito ay gagamitin, dapat dalawang bahagi (part).

KYRIELLE POEM
8 syllables each line (ruled)
Pattern:
aabB
ccbB
ddbB
eebB

PINDARIC ODE POEM
Pattern & Number of Syllables (suggested)
a-10, b-10, b-8
a-10, c-10, c-8
d-10, d-8, e-10, e-8, f-10, f-12
Note:Kung gagamitin ito, dapat dalawang bahagi (part)

NOTE: Isaliksik pa ang mga bagay tungkol sa mga porma ng tulang ito sa internet.
Maaaring bisitahin ang TULA SA PUSO ng nakaraang activity ng book club na ito.
May mga komento roon na posibleng makatulong sa inyong mga tula lalo na sa bokabularyo.

MGA TANONG AT SAGOT

Pwedeng gayahin na lang ang paderno ng halimbawa na tulang Saranggola?
Pwede pong gayahin, subalit ito po'y hindi sapilitan.

Pwede bang mag-imbento ako ng sariling bilang ng syllables ng linya?
Pwede po. Mas maigi rin, dahil iyan ay sarili mong likha.

Pwedeng mas maraming lines sa isang paragraph?
Hanggang hindi po bababa sa apat na linya ay pwede pa rin.

Pwedeng 3 paragraphs lang?
Pwede kung ang total ng lahat ng linya ay nasa labing-anim (16)
Dahil ang Panuntunan po ay 4 lines/paragragh and 4 paragraphs to be needed.

Paano kung gawin kong 6 lines/paragraph then 3 paragraphs lang i-submit ko?
Pwedeng-pwede po iyan dahil pasok sa kailangang bilang ng linya na 16 lines total.

Paano kung gusto ko tungkol sa pasko ang tula ko?
Pwede naman. Hanggang naroon pa rin ang tema sa pag-ibig, bagay o lugar.
Parang Romance na Historical, Romance na SciFi, Romance na Fantasy o kaya ay RomCom.
Nariyan pa rin ang Romance main genre kahit haluan ng pasko.

Kung lumampas ako sa minimum na 16 lines, pwede ko ipasa?
Lalong mas maigi kung mahaba. Baka makahatak ka pa ng puntos.

Kung mayroon pang tanong patungkol dito huwag mahiyang mag-comment sa ibaba upang sagutin agad sa lalong madaling pabahon.
Salamat po.

****************************************************************************************************

MEMBERS of CBC please check our Sixth and Seventh Activity, sa mga hindi pa nakakalam:

JaycDeLente
endorphinGirl
dollzxs04
brighteststarever
EiraAlzora
akosi_Kurdapia
YANNAHD
lemonsabio
JazzmynElva
Mibi_Forever
RRR_29
EmDhee
CuteLittleShiara
NialleAihara
AllyssaLavigne
betweens
DinDinAtole
YourDamnation
DemmytherCeres
Anyajean_
OtakuChix
lolitaAi
CynneDyRella_11
dcmuch
Exomhuning_94
lovingmeisacrime02
baekyeolie_94
crazy_ella0108
tatalina
leelepoop
Lena0209
IamMereanning_22
RHMDeLeon
ishade
quiron_caye21
The_Mayonaise
LilMsbuster
kimchisso

bukas nalang ang iba ^_^
























The Critique Society (CLOSED)Where stories live. Discover now