Chapter 8

151 7 0
                                    

Jasmine's POV










Gusto niya ako? Ha-ha-ha.

"Gago, di nakakatawa yung joke mo!" Sabi ko habang tumatawa.

Ang awkward!

"Hindi naman ako nagbibiro,eh." Tumingin siya sakin, yung seryosong tingin

"Baliw! Wag mokong pinagttripan. Gusto mo si baby Diane ko tas gusto mo rin ako? Baliw ka talaga!!" Sabi ko habang tumatawa parin.

Fake laugh. 😉

"Jas,seryoso ako. Gusto kita."

Natahimik ako.

"Gulo mo no? Sabi mo gusto moko pero gusto mo rin siya tas gusto ka niya. Grabeeeee, 2 in 1 ka ganon? Tinalo mo pa nescafe twin pack." Sabi ko sakanya.

Medyo nagseryoso na ako kasi seryoso talaga siya't di siya nagbibiro.

"Hindi,naguguluhan ako." Sabi niya bigla.

"Naguguluhan ka? Saan?" Tanong ko.

"Kung sinong pipiliin ko sa inyong dalawa." Sabi niya.

Grabe. Ni minsan di to sumagi sa isip ko, yung magtatapat siya.

"Ah, eh. Alam ba niya na gusto mo ako?" Sabi ko

"Oo." Sabi niya.

Nanahimik nalang ako. Ano pa bang sasabihin ko diba?

Pero... Bakit masaya ako? Na kahit na medyo magulo yung situation, masaya ako. Ang saya saya ko...

"Pero, ewan. Kasi ayaw ko siyang piliin kasi ex niya yung barkada ko. Parang ang pangit naman kasi tignan nun diba." Pagpapaliwanag ko.

Ah so second choice lang ako?

"Kung talagang mahal mo siya, walang hadlang." Sabi ko nalang.

"Pero ikaw? Gusto kita jas. Di ko alam kung anong gagawin ko."

Bakit ba sobrang honest mo rj? Dapat tinago mo nalang yang feelings mo eh, kasi pati puso ko ginugulo mo.

"Pero kasi, ang perfect niya. Ang bait niya, maganda, caring, sweet."

May namumuong luha sa gilid ng mga mata ko.

Wag, wag kayong papatak pucha kayo! Ano iniiyak niyo!

"Wag mong sasaktan si diane ha? Mahal ko siya RJ. Mabait siyang babae, goodluck sainyo." Sabi ko sabay tayo at talikod sakanya.

"Pero jas, di pa siya yung pinili ko." Yun yung narinig kong sinigaw niya.

Paghakbang ko.. Tears started to fall from my eyes.

Pero bakit? Bakit ako umiiyak? Bakit ganito yung nararamdaman ko!!! Bakit ako nalulungkot? Bakit ayaw kong marinig kanina na may gusto siya sa baby girl ko? Dun pa sa taong close na close ko.

Leche ka talaga tadhana. Magulo na, pinapagulo mo pa talaga. Nakakainis!

Pero..... Yung puso ko? Kung makakapagsalita lang siguro 'to? Isa lang sasabihin niya.

"Sana ako nalang"

Bakit? Hindi ko din alam.

**

RJ's POV

Gusto ko si Diane. Pero gusto ko rin si jas. Hindi ako playboy para pagsabayin sila. Pero.... Sino nga ba talaga yung dapat kong piliin?

Alam kong may magbabago kapag namili ako, syempre close sila. Baka nga magbago yung friendship nila dahil na rin sa kagaguhan ko.

Bat ba kasi ang likot ng puso ko!

Akala ko nung una, hanggang kaibigan lang ang tingin ko kay jasmine. Pero hindi. Sa loob ng isang buwan na nakasama ko siya, sobrang nakilala ko siya at siguro, yun din yung dahilan kung bat nahulog yung loob ko sa kanya.

Sobrang light ng personality niya.

Si diane? Di ko rin alam kung bakit ako nagkagusto sa kanya. Barkada ko kasi siya, at nung nalaman ko na gusto niya ako—parang lumundag yung puso ko sa nalaman ko.

Pero ano ba talaga ang dapat? Ano ba talagang dapat kong gawin? Kailangan ko pa bang umabot sa punto na makakasakit ako? Ayaw ko, ayaw kong makasakit ng damdamin ng iba, lalo na ang mga babae. Dahil alam ko marami nang nanakit sa kanila at ayaw ko nang dumagdag pa hanggat maaari.

Pero ano pa bang magagawa ko? Pinasok ko 'to.

Imposibleng malampasan ko 'to ng walang nasasaktang tao.

❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️
Author's note:

Short update! :( sorry na. 😭 hay si RJ kase ang gulo! Sino kayang pipiliin niya? 💔😔 pero grabe ayaw niyang manakit ng babae kahit na magulo ang sitwasyon! Sana may ganitong mga lalaki pa katulad niya no? Pero, sa wattpad na nga lang ba nage-exist yung mga lalaking marunong tumrato ng maayos sa babae? :(

5 votes= chapter 9

Godbless. Je t'aime everyone!

-PrincessofGalaxy. ❤️

M.U (GUYS ANG JEJE NITO WAG NIYO NA BASAHIN GRADE 8 PALANG AKO DITO HAHAHAA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon