Jasmine's POV
sabado na naman 😟
Wala na naman niyan paglilibangan kundi wattpad.
Kung tawagan ko kaya si RJ? Ay... Wag nalang.
Nung mga nakaraang araw, nagbabago na siya 😅 Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung may problema ba kami o wala.
Yung mga dating "Goodmorning baby, I love you so much.!" naging "Kagigising ko lang"
Yung mga sweet long messages niya naging 3 sentences nalang. Hindi naman sa nagdedemand ako na lagi dapat akong may sweet long messages pero sana wag na siyang mag ganun kung hindi rin naman bukal sa loob niya. Nakakaasar lang kasi lalo na parang mema nalang siya eh. MEMASEND. 😒
Hindi ko nga alam kung bakit pati nicknames namin sa messenger lagi niyang inaalis. Nakakasagabal kaya yun sa buhay niya? Samantalang dati siya pa namilit na mag lagay ng ganun.
Unti unti na talagang nagbabago yung kung anong meron kami. 😔 Bakit kailangan mangyari yung ganito?
Hindi kaya..... malapit na kaming matapos? 😟
—
RJ's Point Of View
"Uy pre, si Kara. Kara, si RJ." -Chan
Inabot ni Kara yung kamay niya sakin para makipag shake hands kinuha ko naman para naman hindi nakaka bawas pogi points.
Napagod ako maglaro hay pero wala akong magagawa, basketball is life eh. 😎
Napansin ko'ng umupo si Kara sa may right side ko, samantalang nakaupo din si Chan, kateam ko, sa left side ko habang may nilalaro sila sa cellphone nila.
"Hi, RJ!" Masiglang bati ni Kara.
"Uy, hello din!"
"Ngayon lang ata kita nakita dito? Kasi kapag naglalaro sila chan, madalas sumasama ako eh pero wala ka naman" sabi niya sabay pout.
Ang cute niya.
"Ahh, kase naman yang mga yan puro basketball lang ang alam. Hindi na nag-aaral ng maayos"
Pagkatapos kong sabihin 'yun, nakatanggap agad ako ng batok at suntok sa mga busy sa cellphone.
"Gaguhan 'tol? Ano 'to? Sisiraan mo na ba kami? Ha? Ano ba 'tol!" Sabi ni chan habang nagbabading badingan.
"Akala ko di ako narinig ng mga gago. Hahahaha"
Tumawa naman si Kara. Ang ganda ng tunog ng tawa niya.
"Nakakatuwa naman kayo. Sana lagi nalang pala akong sumasama niyan kasi nagkakaroon ka na ng time sa basketball." Sabi ni Kara.
Ibig sabihin ba, ako ang pinupunta niya dito?
"Ah haha eh oo, ah Kara pwede ko bang kunin yung number mo?"
Magpapakipot pa ba ako? Palay na nga ang lumalapit eh.
"Ah sge, amin na itype ko nalang dyan sa phone mo." Sabi niya at inabot ko naman yung cellphone ko kay Kara.
Medyo naramdaman ko naman ang pagdikit ng konti ni chan sakin sabay bulong ng: "Ba, buti nagpalit ka chong."
Tumingin ako sakanya at pinagdikit ang kilay ko. Hindi ko kasi siya maintindihan. Anong nagpalit?
Bago pa siya makasagot, binalik na ni Kara yung cellphone ko. Pasimple kong tinignan yung contacts ko para mahanap ko yung kanya kasi baka niloloko lang ako't hindi niya talaga sinave.
Pumunta ako sa letter K pero wala namang Kara dun. Magtatanong na sana ako sakanya kaso biglang nahagip ng mata ko yung pinakataas.....
"Baby Kara"
hmm.. baby pala ha. 😌
Biglang nag lean si Kara sa shoulder ko, niyakap niya pa ang brado ko at hinawakan ang mga kamay ko shet ganto ba talaga mga babae? Kakakilala palang namin eh kung makaasta akala mo ka-MU ko na siya.
Kumikindat sakin ang mga kateam ko, shet! Sinulit ko na rin at inakbayan ko siya sabay lagay ng kamay ko sa bewang niya, hanggang sa naging kandong ko na siya grabeee naman si kara. 😅
"May malilintikan!" Sabi ni Chad, isa rin sa mga kalaro ko.
"Mommy Jasmine!!" Sigaw naman ni Chan.
nanlaki bigla ang mata ko nang maalala ko si Jasmine!!
Shet.
Shet.
Shet, may jasmine nga pala ako. 😳 Pero grabe yung pwesto namin ni Kara ngayon eh parang mag syota na kami.
"Uhm baby, CR lang ako ha?" Sabi ni kara sabay halik sa pisngi ko.
Ha?? Ano daw? Baby daw? Tas kumiss pa?
Tinignan nila chad at chan si Kara hanggang sa makapasok na siya sa may CR ng gym. Bigla silang lumapit sakin.
"Chong, di mo naman nasabi samin na wala na pala kayo ni Jas" -Chad.
"Chong hindi, nakalimutan ko si jas chong! Shet"
"Kaya sabi ko sayo kanina nagpalit ka na, kasi ang lakas ng loob mo ibigay yung cellphone mo ngayon eh diba si Jas ang wallpaper mo dati?" -Chan.
"Nadala ako mga pre. Patay ako kay Jasmine pre. Nakalimutan ko siya kanina nung nakita ko si Kara, tangina."
"Ano bang nangyayari sa'yo pre? Ayos ka lang ba?" -Chan.
"Oo pre, pero ano ba 'tong pinasok ko!"
"Uy andyan na si Kara umayos na kayo!" -Chad
Kinuha naman ulit nila yung bola at naglaro. Itong si Kara naman, tumabi ulit sakin at hinawakan ang kamay ko.
"Baby picture tayo!!" Sabi niya.
Kinuha ko naman ang cellphone ko. Nakarami rin kami ng shot at sobrang clingy ni Kara.
Buti pa siya eh, ganito pala feeling ng may yumayakap yakap sayo, si Jasmine hindi nga ako magawang yakapin ng maayos. 😒
Tutal pinasok ko na rin 'to, paninindigan ko na.
☺️☺️☺️☺️☺️☺️☺️☺️☺️☺️☺️Next chapter nalang yung continuation ng KaraxRJ!
Manlolokong RJ!! 😒 Hahaha! Napagdesisyunan ko po na hanggang chapter 35 nalang o tas epilogue na. 💕
-Author 💓😅
BINABASA MO ANG
M.U (GUYS ANG JEJE NITO WAG NIYO NA BASAHIN GRADE 8 PALANG AKO DITO HAHAHAA)
Teen FictionMay Umutot? Masakit Umasa? Magulong Usapan? Mukhang Unggoy? Masarap sa Umpisa? Ano nga ba'ng tunay na kahulugan ng M.U? Gusto mo pa bang maranasan? O ayos na sana kung di mo nalang nalaman?