Jasmine's POV
Palapit na ng palapit yung birthday ko. Haaay, sino kayang may pinaka-mahabang birthday wish? Haha! Pero di naman importante yun, kahit mahaba man o maikli, yung importante sakin yung laman nung message.
Pero mas nakakakilig talaga kapag mahaba. Hahaha!
Binagsak ko saglit ang ballpen ko sa table para itaas yung medyas ko. Hindi kasi pantay.
"Jas, wag kang yuyuko."
Biglang sabi ni Jaired (Jey-red)
Ngumiti ako at hinawakan ang blouse ko.
Ang sweet naman :) May gusto si Jaired sa akin mula nung Grade 8 kami. Siya yung lalaking rerespetuhin ka talaga. Pero... Never kong napansin yung pagmamahal na binigay niya para sa akin.
Lagi ko siyang inaayawan, dahil ayokong magbigay ng motibo. Ayokong mag-paasa. Pero kahit na may nararamdaman siya sakin, hindi pa rin nasira yung pagkakaibigan namin. Tsaka di ko rin siya nagustuhan kasi nga, maharot din siya sa mga babae.
Aish, bat ba kwento ako ng kwento!
"Ma'am pwede po ba akong mag-punta sa restroom? Saglit lang po." Pagpapa-alam ko.
Tumango naman si ma'am at binigyan ako ng ngiti. Pagkalayo ko ay binalik niya ang atensyon niya sa class record. Kinuha ko yung hall pass ng section namin para makapunta ako ng CR.
Papasok na sana ako sa CR ng mga girls ng biglang may narinig akong yapak mula sa likuran ko.
Pagtingin ko—si Jaired.
"Uy jai, magc-cr ka din?"
"Hindi, babantayan lang kita." Sabi niya.
"Uy jai—bakit ka ba ganyan?"
"Ha? Ano?" Tanong niya rin.
"Bakit mo pa ako binabantayan? Kaya ko naman ang sarili ko eh."?
"Kasi gusto kita, ayaw ko ng napapahamak ka."
Pinabalik ko na siya ng classroom kahit ayaw niya, nakakainis din kasi minsan. Pero na-appreciate ko naman lahat ng ginagawa niya sakin. Ang problema kasi dito, may RJ na ako. Naks, tarush diba.
Ayaw kong bigyan ng dahilan si RJ para magselos siya. :) Ayaw kong masaktan siya, ayaw kong may maramdaman siyang selos kapag may kasama akong iba. Kasi ako, selosa ako. At alam ko ang pakiramdam kapag nagse-selos, masakit. Magselos man siya o hindi kapag nakita kami, ayaw ko pa rin magbigay ng motibo. Mahal ko siya, kaya ayaw ko siyang masaktan.
Pagpasok ko ng CR, Medyo nagulat ako kasi kasunod kong pumasok ng CR si Mikkay—dati kong bestfriend. But now, we're only strangers with memories. Hindi na kami nagpapansinan, hindi na kami nagdadamayan. Wala lang—strangers talaga. 😏 Kasi noon, nung grade 7 palang ako, siya yung bestfriend ko tas ayun nalipat ako ng section nung grade 8, tas syempre magkakaroon na ng bagong friends, tas ayun.. Hanggang sa lumayo na yung loob namin sa isa't isa.
Kaming dalawa lang sa CR kaya sobrang awkward talaga. Nakakamiss din pala siya. ☺️
Lumabas na ako, baka kasi mapilitan pa akong kamustahin siya. 😪
Pagpasok ko ng classroom, palabas na si Ma'am tapos na ata yung time. Nag-smile siya sakin at binalik ko naman yung mga ngiting yun.
Tinignan ko yung relo ko. 9:30 na pala. Recess na namin. Sinabit ko yung hall pass dun sa sabitan at hinila ko ko na sila mich at mae papuntang canteen.
BINABASA MO ANG
M.U (GUYS ANG JEJE NITO WAG NIYO NA BASAHIN GRADE 8 PALANG AKO DITO HAHAHAA)
Teen FictionMay Umutot? Masakit Umasa? Magulong Usapan? Mukhang Unggoy? Masarap sa Umpisa? Ano nga ba'ng tunay na kahulugan ng M.U? Gusto mo pa bang maranasan? O ayos na sana kung di mo nalang nalaman?