"Change is the most inevitable thing in this world", yan ang katotohanan, kaya nga walang forever hindi ba? Ang pag-ibig lang daw ng Poong Maykapal ang Walang Katapusan. (Ay wala na feature article na ata tong sinusulat ko ?) (erase.erase.erase)
SCIENCE CLASS (uy pang matatalino) tunog pa lang sosyal na. Nag-try kang mag-exam dahil:
1. Maganda daw mag-aral dun sabi ng magulang mo o kapatid mo, pinilit ka kahit ayaw mo.
2. Sabi ng kamag-anak mo maganda dun pang-matatalino, nakumbinsi ka kasi feeling mo isa ka sa nararapat dun.
3. Mag-eexam kasi mag-eexam din classmates mo kaya mag-ta-try ka din (malay mo makapasa).
4.Gusto mo lang, first section eh, mag-aaral ka na lang din sa public sa First Section na (hindi ba?)
5.Sabi ng Teachers mo sa elementary mag-exam ka dun kasi top ka o valedictorian ka sa klase (sayang naman daw talino mo,kung hindi magagamit)
6.May kamag-anak o kakilala kang sa Science Class din nag-aaral naengganyo ka dahil sa kanya.
-alam kong maraming pang mga dahilan sana naman may tumama diyan kahit isa (ay kahit dalawa pala).(Wag kang magreklamo kung hindi ko nahulaan yung sa'yo,huwag na magtampo insert *beautiful eyes*
