Chapter 7: Yes

5.2K 136 23
                                    

Sheen's POV

Maaga akong gumising para pumasok sa school. Nagtungo agad ako sa dining area para kumain pero iba ang nadatnan ko doon.

"Buti at naisipan mo pang umuwi dito?" Bungad agad nya.

"Papasok na ko." Sabi ko bago tumalikod sa kanya.

"San mo natutunan yung ganyang pag-uugali?" Napahinga ako ng malalim bago humarap sa kanya.

"Paumanhin po. Mawalang galang na pero papasok na po ako." Ulit ko pa. Masyadong maaga para mag-away kami.

"Papasok? Naiisipan mo pa palang pumasok." Bahagya syang tumawa. Ayoko ng tono ng pananalita nya.

"Sa totoo lang, ayoko ng pumasok. May mamanahin naman na ako di ba? Kung tutuusin may magandang buhay ng naghihintay sakin kaya bakit pa ko magpapakahirap mag-aral?" Tumalim ang tingin nya sa akin.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" Tanong nya.

"Totoo naman di ba? Kung hindi ko ba susundin ang gusto nyo, itatakwil nyo ba ko bilang anak nyo? Sabagay, si Steven lang naman ang magaling para sa inyo eh. Di naman siguro ako isang malaking kawalan sa pamilya." Paliwanag ko. Ayoko ng ganitong buhay.

"Ano na bang pinagmamalaki mo? Ako ang ama nyo kaya ako ang masusunod sa pamilyang 'to!" Bulyaw nya sakin. Bigla namang dumating si Steven.

"Anong nangyayari dito?" Tanong nya. Tumingin lang ako sa kanila bago tumalikod at lumabas ng mansyon. Susunduin ko na lang si Lindsay. Sya lang ang makakapagpagaan ng loob ko. Sya lang ang kailangan ko ngayon.

***

"Miss Lindsay, nandyan na po si Mr. Toyama sa labas, hinihintay na po kayo." Sabi sakin ng P.A. ko.

"Ok. Susunod na ko." Sagot ko sa kanya. Nanalamin pa ko bago kunin ang shoulder bag ko at lumabas ng kwarto. Paglabas ko ng bahay, nakita ko agad sya. Nakasandal sa kotse nya. Nakatingin sya sa malayo. Tiningnan ko lang sya hanggang sa mapatingin sya sa gawi ko.

"Hey. Kanina ka pa?" Tanong ko sa kanya bago lumapit.

"No. Kadadating ko lang." Nakangiting sabi nya. Obvious naman na pilit iyon.

"So let's go?" Yaya ko. Ayoko ng alamin kung bat parang wala sya sa mood dahil baka mawala din ako sa mood. Tumango lang sya saka ako pinagbuksan ng pinto.

Habang nasa byahe, tahimik lang syang nagdadrive. Nakakapanibago, dati magsasabi sya ng mga alam nyang bagong bukas na resto o boutique. Alam nya kaseng mahilig ako sa ganun.

"Is there so something wrong?" I asked innocently. Actually, I have no idea kung bat ganun sya. Di ko naman kase ugaling magtanong sa taong di ako interesado.

"I'm sorry. I don't want to ruin this day." Sagot nya.

"Bakit ka nagsosorry? Hey look, I don't know what happened to you lately but please, just forget about it okay? Hindi ako sanay na ganyan ka." I said before I gave him a peck on his cheek. He look at me then smile, he also grab and hold my hand.

"Sa daan ka nga tumingin wag sakin." Sabi ko pa. I can't deny it. He's so sweet just as simple as that. I'm so damn lucky. Tumingin na sya sa daan bago nagsalita ulit.

"You act weird this past few days. Dati niyaya pa kita pero ngayon, ikaw na ang nagyayaya sakin. Hindi ka naman nagpapahatid o nagpapasundo sakin pero kagabi, tumawag ka pa sakin na di mo naman dati ginagawa." Kwento nya.

"Weird? Ako? Oh my Gosh Sheen. Ikaw pa lang nagsasabi sakin nyan." Bahagya pa kong natawa sa sinabi nya. Maybe, he couldn't imagine that I would do such kind of things to him.

Pick-up Line King Vs. Pambara QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon