Chapter 4: First Encounter

7.9K 229 24
                                    


"Two vodka please." Order ng dalawang babae. Nag-start na ko pumasok dito sa bar simula nung umalis si Kenzo. Exactly two weeks ago yun. Buti na nga lang talaga at may nahanap akong trabaho bago sya umalis. I prepared their order.

"Here enjoy your drinks Ma'am." Sabi ko pagka-served ng order nila.

"Di ka pa ba mag-a-out Kath? Baka yumaman ka ng sobra nyan. Hahaha." Asar sakin ni Jeremy. Katrabaho ko.

"Oo nga. Simula nung pumasok ka dito palagi ka na lang nag-o-OT (overtime). Baka naman magkasakit ka na nyan." Sabat naman ni Georgia, Gia for short. Isa din sa mga katrabaho ko.

"Umuwi ka na kaya? Baka sobrang napapagod ka na." Pag-aalala naman ni Jacob. Nakakatuwa sila kase kahit na wala si Kenzo, may mga taong gaya nila na alam kong nandyan para sakin.

"Ano ba kayo? Ok lang ako. Kaya ko 'to no. Saka kailangan ko magsipag para sa pag-aaral ko." Paliwanag ko sa kanila. Wala naman kase akong ibang pagkukuhaan ng pera at ako lang mag-isa ang sumusuporta sa sarili ko. Ayoko namang humingi ng tulong kay Ate, magagalit lang sakin yon.

"Sabagay. Oo nga pala, alam nyo na ba yung usap-usapan?" Paumpisa ni Gia.

"Ikaw napaka-chismosa mo talaga." Angil pa ni Jacob.

"Ano naman yun? Isasara na ba 'tong bar?" Tanong ko.

"Gaga! Hindi no. Papalitan na daw yung boss natin." Sagot naman nya.

"Ha? Eh bakit daw?" Tanong ni Jeremy. Sino naman kayang ipapalit?

"Di naman talaga papalitan, let's just say na, ipapamana na 'tong bar." Ha? Hindi ko gets -.- ipapamana? Kanino naman?

"Sino kaya sa kambal?" Nag-iisip na tanong ni Jeremy. Kambal? Sino naman yung mga yon? XD

"Basta ako kahit sino sa kanila. Pareho naman silang gwapo eh. Sana nga mapansin naman nila ako." Kinikilig na sabi ni Gia.

"Ikaw?! Hahaha. Si Kathryna pwede pa. Pero kung ikaw.. Hahahaha." Pang-aasar ni Jeremy.

"Che! Inggit ka lang kase gwapo sila." Ganti naman ni Gia. Palagi na lang silang nag-aaway. Di na ko magtataka pag sila sa huli ang nagkatuluyan eh. XD

"T-teka nga. Sino yung kambal? May anak na ba si Mr. Toyama?" Sunod-sunod na tanong ko. Isang beses ko pa lang kase sya nakita at di ko maikakailang gwapo sya kahit na may edad na.

"Two weeks ka ng nagtatrabaho dito di mo alam ang tungkol kay Mr. Toyama?" Tanong sakin ni Gia.

"Di naman kase sya chismosang gaya mo." Narinig kong bulong ni Jeremy.

"May anak si Mr. Toyama, kambal yun. Si Steven at si Sheen Toyama. Kilala sila bilang Toyama's Prince dahil anak sila ng isang successful businessman na si Mr. Simon Toyama na kilala naman bilang Mr. King dahil para syang hari sa sobrang yaman. Imagine, meron syang 5 branch ng People's Bank na pagmamay-ari mismo nila, 3 supermarket sa buong bansa, 6 Restaurant na kilala sa buong mundo, 5 Bar na para lang sa mga mayayaman gaya nitong bar, 3 5 star hotel na tinutuluyan ng mga celebrities at 4 na condo. Hindi pa kasama dun ang mga resthouse, mansion at mga resort nila. " Paliwanag ni Jacob. Grabe! Nakakalula ang kayamanan nila. Bakit ba hindi ako naging isa sa mga anak nila?

"Tama! At gaya ni Mr. Toyama, parehong gwapo ang kambal nyang anak." Dagdag naman ni Gia.

"At di lang yun, kasalukuyang nag-aaral ang kambal sa SPU, isang exclusive school sa buong bansa na para lang sa mga rich kid na gaya nila." Dagdag naman ni Jeremy.

Pick-up Line King Vs. Pambara QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon