Chapter 3: Goodbye

6.2K 190 1
                                    

Lindsay's POV

Nakakainis! Bakit ba andun sya? Bakit ba nagkita pa kami? Bakit sya pa ang naging kapatid ko? Palagi na lang nyang sinisira ang araw ko, pinahiya pa nya ko sa harap ng madaming tao. Kung naiirita ako sa kanya noon, mas nakakairita sya ngayon. Ikinakahiya kong naging kapatid ko pa ang gaya nya. Sana hindi na ulit kami magkita dahil ayoko nang makita pa sya.

"Miss Lee, ano pong masasabi nyo dun sa babaeng nanggulo at sinasabing ate daw po nya kayo?" Tanong agad nung reporter paglabas ko ng office ni Mommy. Pilit pinapaalis ng mga body guard ko ang mga nakalapit saking mga reporter pero alam kong di sila titigil hanggat di ko sinasagot ang mga tanong nila. Binulungan ko yung isang body guard ko na palapitin sakin yung reporter na nagtanong kanina.

"Actually, I didn't know her. Siguro isa lang sya sa mga pilit na sumisira sa pamilya ko. Sana nga hindi na kami magkita and about dun sa pagtawag nya sakin ng ate, wala lang yun, we all know na ako lang ang unica hija nila Mr. and Mrs. Lee." Sagot ko. Sana nanonood sya para makita at marinig nya ang mga gusto kong sabihin ko sa kanya. Sana talaga tigilan na nya ko.

Kathryna's POV

Pinatay ko na yung T.V. Balak ko pa naman libangin ang sarili ko dahil wala dito sa dorm si Enzo at para makalimutan ko man lang ang tungkol sa nangyari samin ni Ate kaso mukang hindi sakin nakikiisa ang tadhana. Pagbukas ko pa lang ng T.V. si ate agad ang nakita ko at ang masakit, tagus-tagusan yung mga sinabi nya. Minabuti ko na lang muna na lumabas at maglakad-lakad para kahit papano ay makalimutan ko ang napanuod ko. Habang naglalakad, may nadaanan akong isang bar---- Sky Bar yung pangalan ng bar at may nakapaskil dun na wanted waitress/bartender. Kinuha ko agad yun at pumasok sa loob. Hindi pang-ordinaryong tao yung itsura ng bar, masasabi kong may mga class na tao lang ang makakapasok dito.

"Excuse me? May I help you?" Tanong sakin ng babaeng pormal ang suot na mukang foreigner. Umatras na lang kaya ako? Baka hindi sila natanggap ng wala pang experience saka may class ang bar na to hindi gaya ng mga dati kong napasukang bar na halo-halo ang uri ng tao.

"Ah.. eh.. ano kase.. n-nkita ko to sa labas, may available pa ba?" Tanong ko sabay pakita sa kanya ng hawak ko. Juice colored! Sana nakakaintindi sya ng tagalog. Sa ekspresyon kase ng muka nya parang naguguluhan sya sa sinabi ko.

"Ahm.. I'm sorry, I don't understand your language very well but as I see, you're interested about that right?" Ngumiti na lang ako bago tumango. Mukang matutuyuan ako ng dugo dito.

"You're hired!" Masayang sabi nya. So, ganun-ganun lang yun? Gusto ko pa sana magtanong ng kung ano-ano kaso wag na lang baka di lang kami magkaintindihan. Binigyan nya ko ng listahan ng mga requirements. Totoo ba to? May trabaho na ulit ako? Ang saya naman \(^o^)/

Pag-uwi ko, nadatnan ko agad si

Enzo na nakatulala.

"Hoy! Chura mo?! Bakit? May problema ba?" Tanong ko agad. Ngayon ko lang syang nakitang ganyan ang itsura kaya alam ko may problema sya. Tumungin lang sya sakin at umiling.

"Enzo.. sabihin mo na sakin. Ako pa pagtataguan mo ng problema mo eh halos lahat nga ng problema ko alam mo." Sabi ko pa bago umupo sa tabi nya at tinapik sya sa balikat. Huminga sya ng malalim bago sumagot.

"Tumawag si Dad. Pinapauwi na nya ko sa Sydney. Tatanggi sana ko kaso.. nasa ospital si Krisiel. Pasensya na Thryn." Hindi ko alam ang mararamdaman ko nun. Si Enzo na lang ang pamilya ko dito tapos aalis pa sya, iiwan nya ko. Gustuhin ko man syang pigilan alam kong wala akong karapatan. Alam ko namang importante ako sa kanya pero may mga taong mas importante pa din sakin. Ngumiti na lang ako sa kanya. Wala na din naman ako magagawa, di ko alam kung saan ako pupulutin pagtapos nito. Alam kong mag-aalala sakin si Enzo at ayokong makadagdag pa sa problema nya. Pinilit kong pasiglahin yung boses ko.

"Anong pasensya? Ok lang yun no! Saka may nakuha na kong trabaho at alam mo ba, may mga benefits dun, may dorm pa silang pwedeng paupahan. Kaya wag ka na mag-alala sakin saka mas kailangan ka ng pamilya mo. Ok naman na ko eh, andami mo na ngang naitulong sakin. Kelan ba alis mo?" Totoo lahat ng sinabi ko maliban sa titirhan ko. Medyo masakit na din yung lalamunan ko sa pagpigil sa iyak ko kaya ngumingiti na lang ako. Langya! Ang malas ko talaga.

"Bukas na. Sigurado ka? Mabuti naman kung ganun. Salamat Thryn ha? Hayaan mo susubukan kong umuwi dito para kamustahin ka." Sa paraan ng pagsasalita nya parang wala ng kasiguraduhan kung makakabalik pa sya. Yung nag-iisang taong nandyan palagi para sakin, mawawala pa.

Hinatid ko si Enzo sa airport at pagka-alis nya, nagpaka-think positive ako. Wala naman kaseng mangyayari kung magmumukmok ako at iiyak lang sa isang tabi. Minsan nang nangyaring iniwan ako ng pamilya ko at alam kong makakayanan ko din to. Ako pa? Si Kathryna Lee yata to :)


-zayzie

Pick-up Line King Vs. Pambara QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon