Chapter 18: Revelations

4.5K 118 55
                                    

"Tulungan na kita." Sabi ko saka kumuha ng ilang libro sa parang stroller at ibinalik iyon sa lalagyan.

"No but thanks." Sabi nya saka kinuha ulit sakin ang mga libro.

"Welcome." Sabi ko pa saka kumuha ulit ng mga libro at ibinalik iyon sa lalagyan. Wala na syang nagawa nun kaya pinabayaan na din nya kong tulungan ko sya. Pagtapos namin ibalik ang lahat ng libro ay aalis na dapat ako nang yayain nya ko.

"Gusto mong kumain? My treat." Yaya nya sakin saka ngumiti. Natuwa naman ako sa sinabi nya. Di na sya yung gaya dati na parang takot sa tao. Pumunta kami sa Cafeteria sa ground floor ng building. Sya na ang umorder ng pagkain namin bago umupo. First time kong makapasok dito, madalas kase hindi ako nagbe-break dahil nga nagtitipid ako saka can't afford ko ang mga foods dito. Binibigyan ako ni Mrs. Swiller ng allowance pero tinatabi ko iyon. Sapat na pera lang ang dinadala ko.

"First time mo dito no?" Nakangiting tanong nya. Obvious ba na manghang-mangha ako sa nakikita ko? Kahiya naman.

"Ang ganda ng ambiance dito no? Saka pag pasok pa lang, amoy kape na." Sabi ko pa na ikinatawa nya. Tumawa na lang din ako gaya nya.

"Nakakatuwa ka, I mean, naiinggit ako sayo." Nagtaka ako sa sinabi nya. Anong kainggit-inggit sakin? Walang-wala nga ko eh.

"Ano namang kaiinggitan mo sakin? Mas nakakainggit ka nga eh. Tingnan mo, ang ganda mo na, ang talino mo pa tas mayaman ka pa. Nasayo na nga lahat eh." Bati ko pa sa kanya. Kung may mas kainggit-inggit man saming dalawa, sya yun at hindi ako.

"Can I trust you?" Seryosong tanong nya sakin. Tumango ako bilang pagsagot.

"Natatandaan mo yung mga babaeng nambubully sakin? They used to be my bestfriends. We used to be the best of friends about a year ago." Paumpisa nya. Medyo nagugulantang ako sa mga nire-reveal nya.

"T-talaga? Anong nangyari?" Natatarantang tanong ko. Nakaka-curious naman kase.

"I'm so happy back then because I have them as my friends. Apat kami nun, after class lagi kami nagha-hang out in our favorite place. Hanggang sa dumating yung araw na hindi na ko nakakasama sa kanila, nagko-complain na sila nun dahil lagi na lang daw ako nagdadahilan na masama ang pakiramdam o kaya magaaral but the truth is the night after our last hangout, tumawag si Mama, kailangan na daw magretired ni Papa sa trabaho. Medyo nakonsensya ako nun dahil lagi silang nagpapadala ng pera sakin na akala nila pang-gawa ng project pero ang totoo pang-gimik ko lang." Kwento pa nya. Di ko akalain na magshe-share sya sakin ng ganito.Magulo din pala ang buhay nya gaya ko.

"Nagsinungaling ka sa parents mo para lang makisabay sa mga kaibigan mo?" Tanong ko sa kanya.

"I didn't mean to. Siguro, sobrang nag-enjoy lang ako ng ganun. Dito ko lang kase naexperience yun. Di ko namalayan na niloloko ko na pala parents ko para lang makasama sa kanila until they found out na ordinaryong tao lang ako. Hindi ako anak ng presidente ng isang kilalang kumpanya, anak ng senador o anak ng artista. Anak lang ako ng isang retired security guard at isang ordinaryong office employee na kung hindi pa mag-overtime sa trabaho, hindi matutustusan ang pagaaral ko." Dagdag pa nya. Mas mahirap ang sitwasyon ko kesa sa kanya pero mas nakakalungkot ang sitwasyon nya.

"Di ba sabi mo apat kayo? Nasan na yung isa?" Tanong ko pa.

"She left. Sabi nya kung hindi daw ako ang aalis, sya na lang daw. Kaya ganun na lang ang galit sakin nila Yvette at Lindsay dahil mas gusto nila na ako ang umalis kesa kay Miles pero mas pinili kong magpakatatag para sa pamilya ko, para makabawi ako sa ginawa kong panloloko sa kanila. Mas pinili kong manatili dito kahit na alam kong madaming magbabago." Di ko alam ang irereact ko sa mga sinabi nya. Ganun ba kasama ang ugali ni ate? Kailangan ba talaga na kalevel mo ang isang tao para maging magkaibigan kayo? Kaya ba hindi nya ko matanggap kase ganito lang ako?

Pick-up Line King Vs. Pambara QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon