Chapter 5: Trouble Day

7.1K 186 21
                                    

Kathryna's POV

Nakahiga ako sa isang hardin na punong-puno ng mga bulaklak. Naka-suot ako ng kagaya ng damit ni Sleeping Beauty. Ang tagal ko ng naghihintay, nasan na kaya sya? Bakit ang tagal nya? Bumangon ako. Naiinip na ko, dadating pa ba sya?

Nakarinig ako ng takbo ng kabayo. Sya na yun, dumating sya para iligtas ako. Dumating ang prinsipe ko. Kinuha ko yung salamin sa bulsa ko, inayos ko ang kulot kong buhok at naglagay ako ng lipstick at powder bago humiga ulit. Pinikit ko na ang mga mata ko, naramdaman kong nandito na sya. Hinintay kong lumapat ang labi nya sa labi ko.

*kiss*

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko. Sa unang pagkakataon, makikita ko na ang prinsipe ko. Nagulat ako sa nakita ko.

"Nagkita din tayo. Wuhahahaha." Sabi nya at tumawa pa na parang demonyo.

"Waaaaaaah!" Sigaw ko sabay bangon. Patuloy ako sa pagsigaw ko habang umiiling. Hindi pwede 'to! Bakit yung manyak pa na humahabol sakin kagabi ang prinsipe ko?

Napatigil ako. Nasan na ang hardin? Bakit naka-uniform ako? Asan na yung gown? Tiningnan ko ang paligid ko---classroom, nasa classroom ako at lahat sila nakatingin sakin. Pinilit kong ngumiti kahit alanganin.

"S-s-sorry. Sorry." Sabi ko habang pinipilit na pagaanin yung eksena. Nag-peace sign pa ko sa kanila. Uupo na sana ako nang magsalita si Ma'am Ruiz.

"You can go out Miss Lee." Kalmadong sabi nya pero with sarcasm.

"Hindi na po Ma'am. Sorry po." Tanggi ko bago tuluyang umupo.

"GO OUT MISS LEE!!!!" Sa pagsigaw nya para akong sundalong nagsalute sa Commander nya at dali-dali akong lumabas ng room. Parang dumagundong ang mundo ko.

Napabuntong-hininga na lang ako. Sa sobrang puyat ko nakatulog ako sa klase ni Ma'am Gori ayy ni Ma'am Ruiz pala. Muka kase syang wild gorilla. Kilala syang Terror Prof at mababa magbigay ng grade kaya madaming may ayaw sa kanya, sabihin na lang natin na walang may gusto sa kanya. Sigurado akong ibabagsak na naman nya ko. Pangatlong beses ko na kinuha ang subject nya pero hanggang ngayon di ko pa din napapasa.

Sumandal ako sa pader sa may hallway na may nakapatong na mga paso. Inunat ko yung dalawang kamay ko nang may narinig akong parang may bumagsak. Tiningnan ko yung dalawang paso sa gilid ko, nandun naman. Akala ko bumagsak na naman -.-

"Sir Argana?!" Naring kong sigaw ng babae sa baba. Dumungaw ako mula 2nd floor at nakita ko si Sir Argana na Prof ko sa next subject ko na nakabulagta, may nabasag din na paso na may nakatanim na orchid sa tabi nya. Kinabahan ako. Akala ko ako na naman.

Napatingin ako sa mga naka-hang na paso sa hallway. Kada room meron maliban sa room na tapat ko. Hindi kaya.... Pushapets! Nahulog ko yung paso na naka-hang nung nag-unat ako -_- akala ko pa naman di na ako ang may kasalanan.

Tumingin ako sa paligid, walang tao. Hit and run na lang ang gagawin ko. Tumakbo na ko palayo sa pinangyarihan ng insidente XD

"Miss Kathryna Lee!" Tawag sakin. Nako naman! May nakakita yata sakin. Dahan-dahan akong lumingon at anak ng pusa! Si Caloy lang pala, tropa kong gago pero maasahan.

"Caloy! Kamusta? Ang tagal mong nawala ah?" Sabi ko bago sya inakbayan.

"Na-suspended ako ng 2 weeks eh." Sabi nya. Kasama ko sya mag-cut class pag boring ang subject kaya kilalang-kilala na kami ng guidance counselor, ng mga Profs, guards maski janitor.

"Ano na namang katarantaduhang ginawa mo?" Tanong ko.

"Wala. Wag mo na isipin yun. May good news ako sayo." Paiba nya ng usapan.

Pick-up Line King Vs. Pambara QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon