Sabi ng kapatid ko na si "Fifty". Hindi naman daw namin hawak ang buhay namin, dahil ang may control daw samin ay ang mga taong nabili kami. Nanginginig nga ko sa takot e, habang nagtatago para hindi magamit. Kasi kanina singkwenta pa kami ngayon bente na lang. Nasan sila? Ayon oh! na sa loob ng basurahan."Alam mo One, kung gusto mong magkaroon ng kahahantungan ang buhay mo." suggest ni Fifty sa'kin , "magpagamit ka na".
Hinding hindi ako magpapagamit sa mga taong yan. Hindi naman marunong magingat yan. Pano? Kung magkamali siya ng gamit sakin? Itatapon niya na lang ako sa basurahan? At na'san ba ang mga magulang namin? Di ba sila dapat ang tumutulong samin ngayon? Sila dapat yung isa sa mga tao na susuportahan ako sa pangarap ko.
"Ayoko." sagot ko kay Fifty "Mataas ang pangarap ko. Gusto kong gamitin ako sa pinakamahalagang bagay sa mundo. Hahanapin ko sila mama't papa."
"Mama't papa? Nahihibang ka na ba? at anong gusto mo? maging libro?" tanong ni fifty. "kahit maging libro ka sa huli itatambak ka din sa maalikabok na bookshelf. Hindi na uso ang libro. Dahil may computer na ungas ka, masyadong mataas ang pangarap mo baka imbis na maging libro ka maging scratch kaaaaaaaaaaa"
O ayan kinuha ka tuloy ni Lord. -
Ito ang magulo sa buhay namin. Wala ka ng pagkakakilanlan, bahala pa ang tao na humusga sayo base kung anong kahahantungan mo sa pagamit nila. Kung saan ka ginamit o paano ka nagamit doon ka na igugrupo.
Nakita ko si Fifty na nilukot na parang bola at itinapon sa basurahan na parang wala lang pagkatapos gamitin.
Sila ang Paperless, parang hell. ibig sabihin kapag napunta ka sa grupong 'yan. The-end na agad ang buhay mo. Hindi manlang naging makabuluhan. Madalas kabilang sa Paperless, yung ginamit lang sa scratch, love letter? at *um* ng tao. Paperless. Nakakakilabot talaga.
Napatingin ako sa pader.
Kumindat sakin si Award-paper, na nakasabit sa dingding. Pero nastroke na ang katawan niya dahil pang habang buhay siyang nakasabit at nakapalaman sa gintong frame. Sabi ng mga kapatid ko. Sila daw ang biniyayaan ng eternal life, parang heaven. Bukod dun ipapangalan sa isang matalinong tao at isasabit na parang isa sa pinakamahalagang bagay sa mundo. Nakakainggit siya.Pero, final decision, hindi muna ako magpapagamit. Tumalon ako sa lamesa at nagpatangay sa aircon palabas sa nakabukas na pinto para tumakas, pero saklap ko dahil bumanga ako sa transparent na salamin at mabilis na dumulas sa sahig papunta sa ilalim ng lamesa. May pulang papel na lumapit sa akin. Chicks na chicks, dahil sa glitters niya sa mukha.
"Are you ok?" tanong niya sakin habang nakatihaya ako sa langit
"yes-yes!" mukang mapapalaban ako nito ah. Tumayo ako.
"Hi what's your name?" tanong niya.
"I'm bond."
"Bond? As in james?"
"No. As in Paul - Paul Bondpaypah-" sabi ko habang inaayos ang kilay ko. "and you? What's your beautiful name?"
"Elvira Fancy"
Dumating ang dalawa niya pang kasama na yellow at blue na mukha talagang hollywood star.
"Who is he?"
"Nothing, he's just a Paperless little thing. Let's go. The owner is looking for us right now after the horrible accident from the table" tumalikod sila "hahahaha" at tumawa sila.Sila ang mga Fancy. Mamahalin, maganda at nagagamit ng kapakipakinabang. Na sa kanila na sana ang lahat ng magagandang katangian ng isang papel maliban sa ugali. Tsk!
Nang magkaroon ako ng tsansa. Mabilis akong lumabas ng pinto. Doon ko lang napagtanto na ako ay na sa loob ng isang kompanya, at para makalabas ako, pasekreto akong nagtago sa mga halaman, sumabay sa hakbang ng mga paa ng mga office workers, at nagkunwari akong papel. Mabilis akong sumakay ng elevator pababa. Nakasabay ko ang budyguard na kumakanta pa ng "be my lady" at may malaking confidence dahil solong-solo niya ang espasyo. Pero awkward nung bibirit na siya bumukas ang pinto at anak ng! Nagulantang ang sasakay! Epic! Bumababa na ko nang umilaw na ang G sa elevator. G for Go? Tumakbo ako ng mabilis papunta sa labas ng pinto. Ang saya ko! malaya na ko na gawin ang gusto ko!
Bog!
Aww! Bumanga nanaman ako sa transparent na pinto. Kukunin sana ako ng body guard sa pinto pero mabilis akong natangay ng hangin palabas.
Hay! Muntik na 'yon!
Ang sarap pala damhin ng natural na hangin at masikatan ng araw sa labas. Ang bango ng mga bulaklak. Ang ganda ng fountain. at ang taas ng mga puno at mga gusali.
Naglakad ako at nilasap ang bagong umaga. Bigla akong huminto nang may nasalubong akong batang babae kasama ang kanyang nanay. May hawak siyang lobo at ice cream. Naingit ako sa bata, buti pa siya kasama ang magulang niya.
Biglang may isang grey na papel na makintab ang lumapit sakin. May nakalitaw na yosi sa loob ng kanyang pakete.
"Boy musta?"
"Ako?"
"Oo ikaw ano bang pangalan mo?"
"Paul. Bakit sino ka ba?"
Yumuko siya at pinagpag ang katawan niya, binasa ko ang sulat sa kanyang papel. "Men? cigarette smoking is d-"
"Opps.!" pinigilan niya ako. "hindi mo ba ko kilala?"
Aahh Junk Paper. Sila yung nagmamalaki masyado dahil ginamit silang pakete ng mga tao. Mapagmalaki sila, kahit sa huli nawawalan din ng bisa ang pagamit sa kanila. Hindi nila matanggap na Paperless din ang kababagsakan nila. Kaya ayan pakalat kalat sila sa kalsada para takasan ang basurahan.
"Oh ano meron?"
"Baka naman meron kang kilalang Pesos?"
"Pesos?" "Hibang ka ata e - kakalaya ko lang sa building na yan!" tinuro ko ang mataas na building "tapos tatanungin mo kung meron akong kilala? Ni wala nga kong tutuluyan ngayon!"
"aah ayaw mong sabihin?" inilabas nang junk ang pentel niya at itinutok sakin. "paperless?" pananakot niya.
Napa "woahhhh-." ako. Idinikit niya pa lalo sakin ang pentel. Nang oras na iyon hindi na ako nakatingin sa kanya, nakatingin ako sa isang gusgusing pusa na handa ng umatake saming dalawa. Inilabas niya ang matatalas niyang kuko na parang blade at nanigas ako. Dumilim ang paligid namin sa anino ng pusa. Nakatingin parin sakin ng masama si Men nang mapansin niya ang halimaw sa kanyang likuran.
"Takbo!" kasabay ng sigaw ko ang mabilis kong pagkaripas sa imbakan ng mga basura sa eskinita, nagtago ako sa basuran, buti wala akong sulat. Tuwang-tuwa akong pinapanood na hinahabol ng halimaw ang opurtunistang yun. Pero mukang gutom nga talaga ang pulubing pusang ito dahil hindi alam ang pinagka-iba ng daga sa papel ng sigarilyo. Bigla akong kinabahan nang makorner si Men sa isang pader. Nanginginig na siya sa takot. Baka sa kuko palang ng pusa e magkalasug-lasog na ang katawan niyang pinagmamalaki niya sakin kanina. Kailangan kong gumawa ng paraan. Inikot ko ang paningin sa buong paligid. May isang asong kalye. Alam ko na. Lumapit ako ng kaunti at sumipol para tawagin ang aso. Saktong paglingon ng aso e tumambad sa kanya ang pusang mukang nakahanap ng sariwang pagkain kaya pinuntahan niya. Nag away silang dalawa. Nakatakas si Men. Mabilis ko siyang tinawag para magtago sa pinagtataguan ko.
"Salamat sa pagligtas ng buhay ko Paul!" nanginginig parin sa takot si Men.
"Walang problema" sabi ko. Naglakad ako palayo sa mabahong basurahan. Pero huminto ako nang harangin niya ko.
"San ka pupunta?" tinanong niya ko na parang kaibigan ko siya. At sinagot ko siya na parang kaibigan.
"Lumayas ako para hanapin ang mga magulang ko."
"Pweee!" dumura siya mukang nagulat sa sinabi ko "anong sinasabi mong magulang? nagpapatawa ka ba?"
"Mukha ba kong nagbibiro?" Naasar ako.
"Pero imposible! Wala tayong mga magulang!"
"bakit napatunayan mo na ba ?"
"Hindi!" nag-isip siya na parang may utak. "ummm.. Kung gusto mo sumama ka sakin, baka matulungan ka ng mga kaibigan ko."
Kaibigan? Madami sila? Hmm.
Dahil gusto kong makakuha ng impormasyon tungkol sa paghahanap ng mga magulang ko, pumayag ako kahit mukha siyang hindi dapat pagkatiwalaan. Pero aaminin ko, umaasa ako na ito na ang unang hakbang sa paglalakbay ko.Naglakad kami ni Men palayo sa mabahong basurahan. Yung pusa at aso? Ayun nagpatayan na.
BINABASA MO ANG
PAUL "ONE" BONDPAPER
RandomAng buhay parang exam. Maraming tanong na kailangan mong sagutin. Kaya nang subukan kong sagutin ang tanong ng buhay ko. Ang resulta ay isang malaking pagbabago. Kaya kung matutulog ka lang para magpapapak sa lamok o pumasok sa eskwelahan para i...