Naghahabulan kami ni Bet sa isang maputing buhangin sa harap ng palubog na araw at kalmadong dagat nang bigla niya kong yakapin. Niyakap ko siya. Nang oras na iyon ayoko na siyang pakawalan. Damang-dama ko ang tibok ng puso ko na tumitibok sa puso niya. Dama ko ang malamig na simoy ng hangin habang nakapikit ako sa mga balikat niya. Hinawakan ko siya sa mukha. Tinitigan ko ang mga kumikinang niyang mga mata. Doon nabasa ko na malungkot siya. Makungkot siya dahil iiwan ko daw siya pero wala naman akong sinasabi sa kanya. Hinalikan ko siya..At nagising ako sa katotohanan na isang magandang panaginip lang pala ang lahat.
Nadatnan ko ulit ang sarili ko na nasa loob ng amoy ipis na drawer, na walang kasama.
Malamang alam ko na kung na'san sila..Lumabas ako sa drawer at nakita ko si Lola Mapanidora. Nakatulala sa kawalan. Tinabihan ko siya at sinubukan kong magknock knock joke.
"lola may knock-knock ako. Knock. knock."
"Whos there?"
"Paautoload naman how much magkano?"
"Blah.blah.blah. who?"
"Nothing's gonna change my love for you pautoload naman how much magkano?"
"Bago ah. Ito. Knock knock"
"Who's there."
"Akohindinalig."
"Akohindinalig who."
"Kaya pala baho mo"
Natawa ako dun ah. Pero seryoso na, araw namin ito ni lola kaya niyaya ko siya mamasyal sa labas. Natuwa siya sa sinabi ko pero hindi na daw. Masyado na daw siyang matanda para gumala kasama ang isang binatilyong gaya ko.
"Lola sige na." gusto ko siya igala kasi gusto kong matanggal ang lungkot niya.
"Ayoko. Magpapabebe muna ako ng konti."
Maya-maya pumayag din siya. Pero bago siya pumayag tinakot niya muna ako na hinihika siya sa usok ng sasakyan, masama sa kanya ang araw, bawal sa sipon niya ang alikabok, nahihilo siya kapag nakakita ng kulay green at madami pang iba. Gusto ko na sana iatras ang pagyaya ko pero baka sabihin niya madali akong umtras sa laban. Pumunta ako kay Bet, na nagpopole dancing mag-isa. Sinabi ko sa kanya na gagala kami ni lola baka may maghanap samin. Hindi niya ko kinibo pero alam kong narinig niya ang sinabi ko. Grabe talaga yang bebe ko, selosa masyado.
"Tara na la!"
Lumabas kami ni lola. Dama ko ang malamig na simoy ng umaga. At pakiramdam ko ganoon din si lola dahil umaabot sa taas ang ilong niya sa paghinga.
"San ba tayo pupunta apo."
"Kahit saan lola. Basta yung mailalayo tayo sa kalungkutan." sabi ko "Mukang malungkot kasi kayo lola e."
"Iniisip ko lang na.." Sabi niya sakin.
"Na ano po?" parang ayaw ituloy ni lola ang sasabihin niya.
"Na kapag dumating yung amo ko-amo naming lahat.. magagamit kaya niya ako agad? "
Ayoko sana dagdagan ang kalungkutan ni lola pero sinagot ko ang tanong niya.
"Sa tingin ko po lola hindi.""Pero sa tingin mo maiisip niya na kailangan niya ng mapa at kailangan niya kong gamitin balang araw."
"Opo."
"Sinungaling ka." pinagalitan niya ko nang nakangiti siya.
"hindi lola sa totoo lang importante kayo kaya wag na kayong malungkot.. Sige na nga po sasabihin ko na."
"Anong sasabihin mo?"
"Na ngayong araw gagamitin ko po kayo para hanapin ang address ng magulang ko."
Lumaki ang mga makikinang mata ni Lola. Gumuhit ang mga labi niya at sa tingin ko nagustuhan niya ang sinabi ko.
Total isang mapa si lola ng Metro Manila, naisip ko na siya ang pinakamahalagang papel na makatutulong sakin, at ako, isang simpleng papel na pwedeng tumulong sa kanya.
Sinubukan ko ng isa-isahin ang mga detalye na nakasulat sa mapa. Medyo may kalayuan din pala. Pero ang sabi ni lola, kabisado niya daw ang daanan kaya alam niya daw kung saan kami mas mapapabilis. Ang alam niya kasi, mabigat ang trapiko ngayon at kahit maaga pa kaming umalis baka abutin kami ng siyam-siyam sa biyahe pa lang.
Sumakay kami ng bus nang hindi nagbabayad, syempre akala nila basura lang kami kaya hindi nila pinapansin. Pagkatapos bumababa kami para sumakay ng tren. Wala nang card, nakapasok na kami agad at nakasakay. Grabi yung experience namin ni lola. Natapak-tapakan lang naman kami ng mga tao na nahalos hindi na makalabas sa sobrang gitgitan. Masosuffocate na kami ni lola sa loob ng ganung kondisyon. Pagkababa namin. Naglakad lakad kami sa ilalim ng tirik na araw, para hanapin ang lugar. Medyo nahirapan kami sa paghahanap dahil bukod sa billboard, at malalaking harang sa kalsada, hindi namin matunton kung nasan na kami.
"Lola naliligaw ba tayo?"
"Eh nakaliligaw naman talaga dito e, tingnan mo. Walang street signs pero may mga mukha ng politiko. May mukha ng isang instant noodles, fast-food at kung anu-ano pa." umiling si lola.
Pagkatapos ng ilang oras na paghahanap. Natunton namin ang "Paul's Paperhouse"
Bigla akong kinabahan at naexcite sa nakikita ko. Parang lumilliit na ang mundo namin ng mga magulang ko. Ngumit ako kay lola. Pinasok namin ang Paul's Paperhouse nang walang nakaaalam. Sinundan namin ang isang taong nakablue sa loob, na pumasok sa storage room at hindi ako makapaniwala sa mga nakita namin ni lola. Mga kamag-anak ko na nakabalot sa plastic at mahimbing na natutulog.
"Lola mga kamag-anak ko po." sabi ko kay lola. "Baka nandito po ang mga magulang ko."
"Subukan mong gisingin ang isa sa kanila, baka matulungan ka nila."
Sa sobrang excite ko. Pinuntahan ko ang isang plastic at binuksan ko. Ginising ko ang isang tulad ko na kamukha ni Fifty.
"Ahh. Kuya. Kilala mo ba ang magulang ko?""Ha?" naguluhan siya sa tinanong ko.
"Yung magulang ko. Nasan ang magulang mo? Kilala mo ba sila?"
"Ahh. Hindi ko matandaan kung saan ako galing." medyo inilayo niya ang sarili niya sakin dahil nakita niya na madumi ako. "at wag na wag mo kaming istorbohin baka mahawa pa kami sayo."
Nalungkot ako sa sinabi niya, naalala ko tuloy ang mga sinabi ko sa mga kapatid ko. Naalala ko din kung anong iniisip ko sa mga Paperless at Junk. Lumayo ako at sinundan ako ni lola. Humagulgol ako. Pakiramdam ko iba ako sa kanila kahit na kitang kita naman ng isipan ko na pare-parehas lang naman kaming lahat at wala kaming pagkakaiba.
BINABASA MO ANG
PAUL "ONE" BONDPAPER
RandomAng buhay parang exam. Maraming tanong na kailangan mong sagutin. Kaya nang subukan kong sagutin ang tanong ng buhay ko. Ang resulta ay isang malaking pagbabago. Kaya kung matutulog ka lang para magpapapak sa lamok o pumasok sa eskwelahan para i...