Papunta daw kami sa abandonadong bahay ng amo ni Men. Doon daw nakatira ang mga kaibigan niya. Sa totoo lang. Ang layo ng nilakbay namin. Dumaan kami sa gilid ng kanal, nag jay-walking sa mausok na kalsada, gumapang sa damuhan, nakipaglaro sa basketbolista at umakyat sa 4th floor ng isang lumang building. Hinanap namin ang unit 409. Dahil nakalock ang pinto at hindi rin namin kayang buksan. Lumusot kami sa butas ng pintuan sa ibaba. Madali ako nakapasok samantalang si Men mukhang kailangan ng konting exercise.
Nakakaantok sa loob. Mukhang may mga sakit ang mga gamit. Nakakalat pa ang maduduming damit, mabahong medyas, mga tansan, bote, tsinelas, sapatos at mga laruan sa sahig. Amoy panis na ang hangin. Nakakahilo.
"Na 'san ang amo mo?" Tinanong ko si Men habang pinipilit niya paring makapasok sa pinto. Hindi siya sumasagot kaya sa tingin ko kailangan niya ng tulong. Hinila ko siya. Sa sobrang lakas ng pagkakahila ko tumilapon kami. Natanggal ang yosi ng stick sa kanyang pakete. Dinampot niya agad ang yosi at hinipan para hindi madumihan. Ang weird.
"Nasan ang amo mo?" inulit ko.
"Yung amo ko? na sa rehab." bulong niya.
"Rehab? Para sa mga nagdadrugs yun ah. Para malayo sila sa bisyo."
Bago daw magpa-rehab ang amo niya. Nag away muna daw sila ng asawa nun. Lumayas daw ang asawa ng amo niya tangay ang dalawa nitong anak.
"E pano mo nalamang nasa rehab?"
Tanong ko. Ngumiti lang sakin si Men.Tumapat kami sa butas ng kisame at sumigaw siya.
"Rapunzel! Rapunzel! Bring down your hair!"
Pero imbis na buhok. Isang sinulid ang bumababa mula sa butas ng kisame. Dahil pareho naman kaming magaan. Pareho kaming sumabit sa sinulid at hinila kami paitaas. Sigurado akong kaibigan niya ang humihila samin.
Pagdating ko sa itaas, mukang dapat sinabi ko "mga kaibigan". Ang dami nila sa itaas. Iba't-ibang uri ng Junks. Nakakamangha, para akong nasa isang barangay ng mga papel na abalang-abala lahat.
"Welcome to Paper town!" nakangiti ang isang box sa aming dalawa ni Men.
"Sir. sino siya?"Sir? Ano to? boss siya?
"Siya pala si..Ano nga ulit pangalan mo?"
"Paul Bondpaper. Pero One na lang ang itawag mo sakin" pormal kong sagot. Namamangha ako sa kanila pero hindi ito ang lugar na gusto ko para sa sarili ko.
Kinalabit ko si Men."Anong lugar to?"
"Paper town? Hindi mo ba narinig?"
Paper town. Isang lugar para sa mga Junk na nasa taas ng kisame. Inobserbahan ko ang paligid ko, mukhang nahahati sila sa iba't-ibang grupo. Katulad na lang ng nakita ko sa kaliwa grupo ng mga paper cup, pakete ng sigarilyo, pakete ng mga pagkain. Sa kanan naman grupo ng mga box, kalendaryo at scratch? Sinundan ko si Men. Ang daming kumakaway at ngumingiti sa kanyang mga Junks. Medyo tumahimik at tumigil ang iba sa kanilang ginagawa nang maglakad kami sa gitna. Pagkadating niya sa dulo, umupo siya sa isang walang laman na lighter. Hindi ko alam kung saan ako lulugar kaya pumunta ako sa gilid ng harap ng trono niya.
"magandang hapon sa lahat!"
"magandang hapon sir!" sabay-sabay silang parang mga robot.
"Ahh. Gusto ko sanang ipakilala sa inyo" tinawag ako ni Men. Na mukhang tatawagin ko na ding sir. "Si Paul "One" Bondpaper"
"Hahaha." nagtawanan ang lahat.
"Okay tahimik!"
"Gusto kong huminto muna tayong lahat sa pageensayo!! Kanina kasi, habang ginagawa ko ang trabaho ko medyo nagkaroon ng malaking abirya. Hinabol ako ng dambuhalang pusa at muntik na kong magkalasuglasog. Mabuti na lang at nan d'yan si One. Kung hindi dahil sa kanya baka hanggang ngayon kinain na ko ng halimaw na pusa na yun! -- utang ko kay One ang buhay ko. Kaya bilang ganti! Gusto ko sanang ipagdiwang natin ang araw na to para sa kanya!"
BINABASA MO ANG
PAUL "ONE" BONDPAPER
RandomAng buhay parang exam. Maraming tanong na kailangan mong sagutin. Kaya nang subukan kong sagutin ang tanong ng buhay ko. Ang resulta ay isang malaking pagbabago. Kaya kung matutulog ka lang para magpapapak sa lamok o pumasok sa eskwelahan para i...