Kinuha ako ng isang office worker na may ngiting nakamamatay. Sinakal niya ko. Sinulatan ng kung ano-anu at ipinasok sa basurahan na parang nba player. Nashoot ako sa basurahan. Napakadilim na basurahan. Wala akong matungtungan. Walang katapusang paghulog sa gitna ng dilim. Ilang beses akong humingi ng tulong. Tinawag ko lahat ng kapatid ko mula kay two hanggang kay fifty pero walang sumasagot bukod sa sarili kong echo. Binuksan ko ang mga mata ko. Isang napakasamang panaginip.Nagising akong mag-isa sa loob ng drawer. Wala na ang mga kasama. Lumabas ako at naglakad lakad. Napansin kong umaga na. Ilang oras kaya akong nasa loob ng drawer na yun? Hindi ko alam kung paano ko natiis ang amoy ng ipis sa loob. Basta ang alam ko lang pagod ako bilang stuntman ng mga dancer sa party kahapon.
Pumunta ako sa opisina ni Men, sa ibabaw ng lamesa, pero wala siya. Naisip ko na baka na sa itaas sila ng kisame kaya tumapat ako sa kisame na may butas at sumigaw ng
"Rapunzel! Rapunzel!" pero walang sinulid na lumalabas. Sinampal ko ang sarili ko. Baka naman parte pa to ng panaginip ko. O baka naman panaginip ko ang kahapon?
Pinagmasdan ko ang paligid. Pareho sa nakita ko kahapon. Walang pagbabago maliban sa mga nadagdagang sapot ng gagamba. Umakyat ulit ako sa lamesa para silipin ang bintana. Pero hindi ko matanaw. Nasan ang mga Junk?Bumalik sa isip ko ang pinag-usapan namin ni Men tungkol sa kidnapping. Sa huli nagets ko din kung nasan sila. Dumidilehensya. Napansin ko ang sinulid mula sa lamesa hanggang sa bintana. Mukhang ito ang tulay ni Men para makapag sight seeing sa labas ah. Sinubukan kong tumawid at kinaya naman ako. Nakita ko ang view mula sa 4th floor at ang ganda. Sikat na sikat ang araw. Green na green ang mga halaman at madami ring mga matataas na building. Naisip ko tuloy kung nasan silang lahat.
"Tulong um.." bigla akong nakarinig ng parang humihingi ng tulong
Hindi ko pinansin pero nang umulit nanaman. Sinundan ko ang boses. Bumalik ako sa lamesa at hinanap ko ang nakakabobong ingay. Hanggang sa matunugan ko sa ilalim ng mesa. Isang container ng tubig na pera ang mga laman.
Pesos? Sila mga biktima ng mga Junk. Pinagmasdan ko sila. Nakatali sila ng sinulid at may scotch tape ang mga bibig. Itinumba ko ang container at lumabas ang ilan sa kanila. Tinanggalan ko ng scotch tape ang isa.
"Salamat! Pakawalan mo kaming lahat." sigaw ng babaeng Pesos.
"Ha. Hindi, magagalit sakin ang mga junk."
"E bat binuhos mo pa kame?"
"Ha e. Kasi gusto ko sanang sabihin na gagamitin nila kayo sa tamang paraan."
"Bat kailangan pa nila kaming pahirapan?"
"Dahil hindi nila alam na nakakasakit sila?"
Paliwanag ko sa babaeng Pesos na parang nagpapaliwanag na crew sa masungit na customer."Sa ngayon hindi ko muna kayo papakialaman pero gusto ko kayong bigyan ng pag-asa, tutulungan ko kayo. Kakausapin ko sila."
"Aasahan namin yan Ha.. Huhuhu"
Ibinalik ko sila sa bote kaso hindi ko na maitayo ang bote kaya hinayaan ko na lang.
Ilang oras din akong naghintay sa kanila. Tumambay muna ako sa harap ng salamin na nakalagay sa sofa, at enentertain ko ang sarili ko. Sumayaw ako. Kumanta. Nagtula. Nagjablo. Nagsplit. Nagpush up. Maya-maya. Unti-unti silang nagdatingan. May mga hila-hilang Pesos na nakatali ng sinulid kada grupo.
"pakawalan niyo sila!" sigaw ko sa mga junks pero hindi nila ako pinapansin.
Sinilip ko si Men sa opisina. Sakto nandun na siya't nakaupo."Men!"
"Oh One?"
"Men! Tigilan niyo na ang mga Pesos! Nasasaktan sila sa ginagawa niyo."
"Alam mo siguro.. kailangan ka na naming tulungan ka para mawala ka na dito!"
"Ayoko sanang mangialam pero hindi mo ba nakikita? Nasasaktan sila?"
"Kung hindi namin gagawin wala kaming maiipon naiintindihan mo ba ?"
"Oo! Pero hindi niyo na dapat sila saktan!"
Bakit hindi niyo na lang sila kausapin ng maayos para sumama sa inyo?""Paano?"
"Ligawan sila!"
Hindi nakapagsalita si Men. Mukhang naisip niya ang punto ko. Hinimas niya ang stick ng yosi sa pakete niya.
"Sige sa isang pagkakataon pagbibigyan ko ang plano mo-pero, pag yang plano mo hindi effective sinasabi ko sayo. Babalik ka kung saan ka nanggaling!"
Tinawag ni Men si Olive sa teleponong lata. Maya-maya dumating ito at kinausap niya ng hindi ko naririnig. Sumama ang tingin sakin ni Olive. "Ikaw ang kumausap sa mga Junk.. ipaliwanag mo sa kanila ng maayos yang gusto mong mangyari!" pahabol ni Men at iniwan nila ako sa loob ng Opisina.
Pumunta ako sa container at pinakawalan ang mga Pesos. Tinanggalan ko sila ng sinulid sa katawan at scotch tape sa bibig. Niyakap nila akong lahat. Ang sarap sa pakiramdam. Tapos kinuweneto ko sa kanila kung bakit sila nakidnap. Ayon mukhang naintindihan naman nila.
"Okay. Ah. Mga Pesos!" sabi ko sa kanilang lahat. Karamihan sa kanila mga babae. .
Sumunod kayo sakin. Tumapat ako sa kisame."Nakikita niyo ba yung butas na iyon" tinuro ko ang butas sa kisame. After 10 minutes. Gayahin niyo ang gagawin ko ha".
Natatakot akong umakyat sa kisame at sumigaw ng Rapunzel pero nilakasan ko na lang ang loob ko para sa mga Pesos. Para may free hugs ulit ako.
"Rapunzel! Rapunzel!" bumababa ang isang sinulid. Namangha ang mga Pesos. Ang lambot ng tinig nila. Para silang mga balerina sa paningin ko. Kumapit ako sa sinulid at nagpaalam na. Sinenyasan ko sila na orasan nila ang pag akyat nila. Mukhang nakuha naman nila.
Hindi ako winelcome ng lalaking Box na nagbantay sa pinto. Lahat ng mata nakatingin sakin. Mga grupo ng paper cups, box, paperless .. Noon ko lang napagtanto na nageensayo sila kung paano itali ng mabilisan ang mga biktima nila nang makita ko ang mga play money na nakagapos. Nanginginig ang mga tuhod ko. Nakita kong nginitian ako ni lola Mapanidora, medyo lumakas ang loob ko dahil sa ngiting 'yon. Sa gitna naka-abang si Men. Hindi naman siyang mukhang galit pero dama kong gusto niya kong sunugin o kaya sulatan ng pentel.
"um .. M. Ahh. Mmm."
"Um. Ahh. Ee.. E.ii. oo..uu." hindi ko masabi ang gusto kong sabihin,
"Ano ba magsasalita ka ba?" tanong ng isang box ng brief.
Binatukan ako ni Men at dahil don dumiretso ang salita ko.
"Alam.. ko.. na... Gusto niyong tum..tumulong sa amo niyo da..dahil.. Gusto niyong magkaayos a.. ang pamilya nila.."
"Bakit? Ano bang gusto mong sabihin?
"Aahh kasi. Alam ko na mabuti lahat ang kalooban niyo at gusto niyo lang tumulong sa kanila..pero nakikita ko na mali ang..ang paraan ni..ninyo.."
"Bakit anong gusto mong gawin namin?"
Tanong ng isang paper cup."Sa tingin ko. Mas magandang gawin na lang natin e.. kausapin sila na sumama satin, para sa misyon."
"Ha? Paano natin gagawin yun? Sigurado akong hindi sila ganun kadaling ---"
Naputol ang pagsasalita ng isang box nang may sumigaw na isang babae mula sa butas ng kisame."Sasama kami!!"
Tumahimik ang lahat. Naglakad ang mga Pesos sa gitna ng trono. Tindig at parang model. Natulala ako sa kanilang kagandahan. Pero ginising ko ang sarili ko dahil isa itong importanteng bagay.
"Alam niyo pareparehas lang naman tayong papel, parehas na may kanya-kanyang misyon, bakit hindi niyo na lang kami kinausap ng maayos maiintindihan naman namin kayo."
"Papel kami gaya niyo. At ang misyon niyo ay misyon na din namin. Sino-sino ba ang magtutulungan? Tayo-tayo din naman!"
Medyo natahimik ako. Nakita ko si Men na parang nalungkot ang mukha. Ngumiti naman sakin si lola Mapanidora.
"Pano namin mahihikayat ang iba pa sa inyo?" tanong ni Let-let
"Simple lang.." sagot ng isang Pesos. Bigla niya kong hinila at hinalikan. Napa "woahh" ang mga Junks. Pagka-alis niya ng labi niya humarap siya ulit sa mga papel.
"Akitin niyo kami."
BINABASA MO ANG
PAUL "ONE" BONDPAPER
RandomAng buhay parang exam. Maraming tanong na kailangan mong sagutin. Kaya nang subukan kong sagutin ang tanong ng buhay ko. Ang resulta ay isang malaking pagbabago. Kaya kung matutulog ka lang para magpapapak sa lamok o pumasok sa eskwelahan para i...