Reincarnation

33 2 2
                                    

Mukhang pamilyar sakin kung saan kami napunta ni Men at ng ibang Paperless. Nasa loob kami ng container kasama ng ibang Junks.

Dahil nagtataka si Men kung na saan kami,  ipinaliwanag ko sa kanya na inihihiwalay ng mga tao ang mga papel para irecycle. 

"Irecycle?"  tanong niya.

Dahil masaydong maingay ang mga kasama namin.  Lumapit ako sa kanya.

"Parang reincarnation.." paliwanag ko.  "Kapag pinasok na tayo sa machine may gagamit na ng mga katawan natin at magiging malinis na iyon,  tapos tayo papasok tayo sa ibang katawan,  pero makakalimutan natin ang lahat."

"Ang lahat? " tanong ni Men na parang nalungkot.

"Oo ang lahat.. "

Alam ko ang nararamdaman ni Men. Malungkot dahil sa araw na ito makakalimutan naming lahat ang mga bagay na nangyari sa buhay namin.

Mabubura lahat ng takot, mga galit, at katuwaan. Mabubura ang alaala ng mga nakilala namin at napamahal na sa'min. Mabubura lahat ng ayaw naming mabura. 

Pero matitira ang kwento o kasaysayan naming lahat.

Oo nakabilang ako sa isang maduming papel at hindi ko pinagsisisihan iyon. Tama si lola na hindi makikita sa panlabas na anyo kung naging matagumpay ka, at nakita ko na ang tagumpay ko.

Binuksan na ang container namin.  Niyakap ako ni Men.  Ibinuhos kami sa isang makina.  Nagkagulo ang lahat. Hindi ko na makita si Men. Umaatras ang tinutungtungan ko papunta sa madilim na parte ng makina. Patras ng paatras. Paatras ng paatras..

                                
                                     -The end-
       

PAUL "ONE" BONDPAPERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon