Cut: Kissing Scene

35 3 0
                                    


Hanggang ngayon hindi nawawala sa isip ko ang halik ni Bet. Pagkatapos niya ko halikan palagi na kaming nag-uusap. Siya din ang nagkukukwento tungkol sa mga hilig nila, at kung paano sila akitin. Lahat ng tinuro niya sakin, itinuturo ko kay Men. Pagkatapos ituturo niya sa lahat dahil siya ang boss.

Isang napakagandang paraan para maiwasan na nila ang kinasanayan nilang nakakakilabot na kidnapping. Imbis na itali nila ng sinulid, kausapin na lang nila, sa paraan ng pang-aakit, at sureball ako na sasama naman sa Paper Town ang mga Pesos dahil maganda ang kanilang misyon.

Akala ko ayaw ni Men sa plano ko. Pero nang mga sumunod na araw. Nangunguna pa siya sakin kausapin si Bet tungkol sa mga tips para mang akit.

Umakyat ako sa kisame. At nakita kong nagpaparaktis ang mga Junk kasama nang mga Pesos at Play money, nang mga style na tinuro ni Bet. Katulad ng "The killer eye and smile". Normal na daw ang ganitong style pero 100% effective daw.
Siguradong pati isang libo madadala nila dito.

"The dancers move" ito naman daw para sa mga mahilig sumayaw. Kailangan lang daw eh, yayayain ang mga Pesos na sumayaw dahil isa daw sa hilig nila ang sumayaw. At sa tingin ko mga babaeng Paperless lang ang may kakayahan ng style na to.

"Touch my shoulder" minsan kailangan daw hawakan ang mga Pesos para maakit sila. Nagpoproduce daw ito ng connection at trust. Nakakakilig daw kasi mukang movie scene.

"Joke time" kung wala ka naman daw itsura, talento o malaking katawan, kailangan daw marunong kang maging komedyante sa harap nila habang nagsasalita. May kasabihan nga "The humor the better"

Marami pa siyang shinare samin pero ito yung mga tumatak sa isip ko. Kinabukasan pumunta na sila sa ilang establishments, banko at fast-food kung saan madaming Pesos. Doon sinimulan na ng iba't-ibang grupo ang estratehiya nila. Naiwan kami kasama ni Bet at iba niya pang kasama dahil mga bisita daw kami.

Pinagmamasadan ko sila habang sabay-sabay na nagyoyoga. Ang sexy ng mga katawan nila. Hindi pangkaraniwan ang ganitong pangyayari kaya kakarerin ko na ang panunuod.

"Breaktime!" sabi ni Bet sa mga kasama niya. Nadismaya ako. Maya-maya lumapit siya sakin. Niyaya ko siyang magpahangin na lang muna sa bintana. Tumawid kami sa sinulid na tulay sa lamesa.

Walang pinagbago ang panahon. Maganda parin ang sikat ng araw. Green pa din ang mga puno. Buhay na buhay ang paligid.

"One?" ang sexy ng pagtawag niya.

"Oh?" pahumble ko.

"Salamat ha."

"Ha? Para san?" pahumble ko ulit.

"Sa pagligtas mo samin. Ang galing mo kasi, siguro kung wala ka nakascotch parin tong lips ko."

"Ha?" tinitigan ko ang labi niya na parang matamis na mansanas. Itinutok niya ang mga labi niya. Nagzoom in ito at bigla akong nauhaw. Napapikit ako nang pumikit siya. Magdidikit na sana ang mga labi namin nang biglang may tumawag samin sa lamesa. Lumingon ako. Isang Pesos ang nanghihingi ng tulong dahil may hinimatay daw na matanda sa baba. Bumalik kami sa lamesa at pinuntahan namin ang matandang hinimatay. Sa una hindi ko makita dahil napapalibutan siya ng mga Pesos, pero nang silipin ko. Si lola Mapanidora! Pinaypayan ko siya gamit ang pahina ko. Kaso hindi parin siya gumagalaw kaya binuhat ko siya para ilipat sa mas mahangin na lugar. Inilipat ko siya sa Opisina sa tulong ni Bet at inihiga sa tincan ni Men. Pinaypayan ko ulit siya, maya-maya, gumalaw na ang mga daliri niya. Nabuhayan ako ng dugo. Pumalakpak si Bet.

"Nice very boy scout" sabi niya.

Iniwan kami ni Bet dahil sa continuation nila ng yoga. Ewan ko ba nag-aalala talaga ako kay lola. Syempre matanda na siya mahina. Iniisip ko nga kung tatanda ako gusto ko yung may nagagawa pa din akong matino. Kaya siguro ito si lola pinipilit maging malakas kahit hindi niya na kaya.
Napalunok ako nang imulat na ni lola Mapanidora ang mga mata niya.

"Lola? Ok n po kayo?"

Ngumiti si lola na parang walang nangyari at bumangon. Naglakad siya pero parang hindi niya kaya, kaya inalalayan ko na lang. Umupo siya sa dulo ng mesa at nanuod ng yoga. Tumabi ako.

"Buti pa tong mga Pesos - eternal life.'

"Ahh" nagets ko si Lola.

"Laging nagagamit ng tao, mahalaga, mahulog lang sila mula sa bulsa, may dadampot agad sa kanila."

"E lola, mahalaga din naman po kayo ah."

"Hmm" ba inisnaban ako ni lola. May nasabi ba kong masama? "binobola mo ko One!"

"Totoo naman po e"

"Alam mo simula ng mawalan ng tao ang bahay na to. Lagi na lang akong nalulungkot. Wala na kasing gagamit sakin. Kaya nung nalaman kong malapit nang bumalik ang amo namin, sumama ako sa misyon nila kahit alam kong mali."

Hindi ako nakasagot pinakikinggan ko lang si lola.

"Alam mo kasi minsan kapag may gusto tayong isang bagay ginagawa natin kahit mali, kasi masaya tayo."

"Aahh hindi po ba kayo masaya sa plano ko?"

"anong hindi? Mas masaya! Akala ko dahil matanda na ko, lahat alam ko na. Pero nagising lang ako sa katotohanan nang magsalita ka."

"Nalaman ko, na..kung may gusto kang makuha.. Kuhanin mo yun ng hindi mo natatapakan ang pagkatao ng iba, at kapag nagawa mo yun. Magiging mas masaya ka"

Hindi ko sigurado kung sakin talaga galing yung kataga ni lola, pero ang sarap pala sa pakiramdam na marinig na may natutunan sa iyo ang isang papel na gaya ko.

"Pano ka nga ba napunta dito One?"

"Ah kasi po hinahanap ko ang mga magulang ko para matulungan nila ako sa pangarap ko. Gusto ko po kasing maging kapakipakinabang ang pagamit sakin katulad niyo lola..naging biktima po ako ni  Men at, buti na lang may pusa na humabol samin at hindi niya nasulatan ang katawan ko. Nakita ko po na nakorner siya ng pusa,  Pero tinulungan ko pa din siya kahit nakagawa siya ng masama sakin kaya ayun, sinama niya ko dito para daw may tuluyan ako at baka may makatulong daw po sa'kin, parang bayad niya daw sa utang na loob."

"Hahaha nakakatawa pala. Pero alam mo, mataas din ang pangarap ko katulad mo, pero napagtanto ko na hindi pala importante kung saan ka mapupunta ang mahalaga, naging masaya ka sa bawat araw ng buhay mo."

Ngumiti ako kay lola. Parang ako talaga ang pinatataman niya. Naalala ko tuloy ang mga kapatid ko na iniwan ko dahil sa sarili kong kagustuhan.

"Pero One. Kung anong magpapasaya sayo sundin mo, buhay mo yan at walang dapat pumigil sayo."

Nabuhayan ako ng dugo dun ah. Mukhang kakampi ko na si lola ngayon. Niyakap ko siya at niyakap niya ko.

Ngayong araw na to naisip ko na hindi man natuloy ang kissing scene namin ni Bet. (maybe next time), marami naman akong natutunan kay lola Mapanidora. At napatunayan ko na mas masarap pala matuto kaysa mahalikan.

PAUL "ONE" BONDPAPERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon