Chapter Three: Four Sinisters

5.9K 189 2
                                    

Chapter Three: Four Sinisters

¦Shin's point of view¦


"Woah! That girl has something." I commented and turned to Trevour's grimaced face. Grabe nakakatakot na naman itong buddy ko. Lagi na lang nakasimangot at bad mood. Pakiramdam ko gusto na niya yang maglabas ng inis at dapat makalayo na kami dahil delikado siya sa ganoong mood.

Madilim ang mukha na humarap siya sa amin. Napaatras kaming lahat sa takot. Uh-oh!

"Investigate her." Utos niya sa malamig na tono.

Agad tumalima si Oliver, Blake, Harvey at Vin at umalis sa room para gawin ang pinapagawa ni Trevour. Tinapik pa ni Oliver ang balikat at tumango lang ako sa kanya. I sighed and came to Trevour.

"Who's that girl?" Tanong ko habang palapit sa kanya. Napatigil ako sa paglalakad nang titigan niya ako ng sobrang sama. I stopped at my tracks. Okay. Alam kong may nasabi akong masama. And I knew that he didn't know who's that girl. It's very obvious by the way. Hindi ko lang ginagamit utak ko ngayon.

Tumahimik na lang ako at hindi na lumapit pa sa kanya. Umiwas na din si Trevour ng tingin at halata pa rin ang bad mood niya. At nakakatakot siya sa ganitong mood na ito. Because as a second-in-command, I know what kind of his mood he has.

Napatingin ako sa bintana at pagbalik ko ng tingin kay Trevour, halos muntik na akong maihi sa takot dahil nasa harapan ko na siya. Shit! Kalalake kong tao bigla na lang ako natatakot. Ganyan naman siya eh, mahilig manakot gamit lang ang tingin niya at ang malalamig nitong mga mata.

Napaatras ako ng isang hakbang. "B-Bakit, Trevs?" Napalunok ako. Grabe. Nakakatakot talaga siya.

Tumahimik siya saglit saka sumagot, "Any findings about the runaway queen?" He said in a cold tone that makes me want to shallow six feet below the ground.

Naikunot ko ang noo ko doon sa sinabi niya but later on, naintindihan ko na ang ibig niyang sabihin. Umiling ako. "Wala pa rin. She didn't leave any tracks." Diretsong sagot ko. "And we barely know where she is."

His bad mood suddenly changed into a frustration one. Tumalikod siya mula sa akin at frustrated na sinuklay niya ang kanyang buhok. "Damn it!" I heard him muttered. "Leave now, Shin." Mariing utos niya.

Agad akong sumunod sa kanya at umalis sa room na yun. Napailing na lang ako ng wala sa oras nang mag-isa na lamang ako. Ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para mahanap siya. Napakaimportante niya para sa amin, well, except si Trevour. Ewan ko kung important pa ba siya o hindi. Hindi ko mabasa ang bawat galaw niya.

Ang pinapahanap ni Trevour ay importante sa aming lahat.

Napahinto ako sa paglalakad nang matanaw ko ang babaeng hindi ko man lang nakitaan ng takot sa kanyang mga mata at kausap niya ang mga apat na babaeng napakapamilyar sa akin.

Nanlaki ang aking mga mata. Teka... sila yung... I started to snort mentally. Mukhang masaya ang mangyayari dito ah. Mukhang magsisimula na ang hindi magandang araw. Jade Michelle Sandig... hmm... may something sa kanya na hindi ko pa alam sa ngayon. A new transferee student.... medyo nakakatakot din siya kapag dumadako ang tingin niya sa akin.

I don't have any idea as how did she know na ako talaga ang nagtapon ng cricket ball kanina. May sense yung sagot niya dahil nasa diretsong direction yung pagbato ko tapos katapat pa siya ng row kung saan ako nakaupo. Buti na lang despite of her innocent face and scary expression of her, I managed myself to act that I wasn't the culprit.

Nakaramdam ako ng takot nang tumingin siya ng diretso sa mata ko kanina. I don't know why but there's an emotion flashed in her eyes. An emotion I could describe is anger.

Umiling-iling ako. Nananaginip na naman ako. I returned back my gaze from where she is now and I found her talking to those four beautiful sinful ladies I'd ever seen. Those four ladies are gangsters. Four Sinisters.

Siguro kailangan kong balikan si Trevour at ibalita na magsisimula na ang kalbaryo ng Jade Michelle Sandig na yan.

As I turned my back, I have a gut feeling na makakatagal siya dito. Hmm...


¦Sahara's point of view¦


"Anong maipaglilingkod ko sa inyo?" Nakangiti kong tanong doon sa apat na babae na nakaharang sa dinadaanan ko.

They exchanged glances at mas lalong tumaas ang mga kilay nila. Lumapit sa akin yung isang babae na may nakasubong lollipop sa bibig niya at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. She's wearing a white tank top, black jacket, black pants and black boots. At naka-ponytail ang buhok niya at fierce na fierce ang mukha niya because of her make up. At seryoso ang kanyang mukha.

"A transferee student." She removed the lollipop out from her mouth and moved her face closer to mine. "Hmm... why do I have a feeling that you're a big threat from us?" Tapos ay nilayo niya ang kanyang mukha.

"Ha?" Umakto akong naguguluhan. But in my inner side, I smirked mentally. No wonder she knows what is the big or small threat. She's still the same as I knew.

Lumapit sa akin yung pangalawang babae na katulad din ng unang babae na manamit. Tsaka tinitigan ako mula ulo hanggang paa. And she has an expression of a disgust as she looked at me. "Do you know us, nerd?" She asked cockily habang pinapaikot niya sa kanyang darili ang curly niyang buhok. Tapos yung dalawa pang babae ay tumabi sa kanilang dalawa.

"Dapat ko ba kayong kilalanin?" Inosente kong tanong.

Nagkatinginan silang apat and they narrowed their eyes at me pero hindi sila nagsalita. Tinitigan ko yung isang tao na hinding-hindi ko malilimutan sa kanilang apat. Alam kong alam niya na may punto ako sa tinanong ko. She won't talk back in a question with a full of obviousity.

"Hindi naman." Yung pangatlong babae ang sumagot sa tanong ko.

"Eh bakit niyo tinanong kong kilala ko ba kayo?"

Yung pang-apat na babae ang sumagot na nakapamewang. "Cause we are the Four Sinisters."



~

Shana's note:

Picture ni Trevour sa media diyan sa right side. ===>

Erroneous Identity ☣✯☣Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon