Heartstrong

2.1K 63 2
                                    

She's so quiet. I can feel that shes still sad on their back to back losses. We're sitting right now in our favorite bench here sa Ateneo. I pulled her closer and let her head rest on my shoulder. She still didnt utter any single word. I decided to break the silence.

" Ahm..Ly? " , I asked.

" Hmm? " she responded.

" Are you okay? Ang tahimik mo, sobra? May problema ba? If it is still because of the game, ..Ly, you have to move forward..lalo lang masisira ang diskarte ng team nyo..you are the team captain..if palagi ka nilang nakikita na malungkot, maaapektuhan sila...", mahabang sabi ko pero pinutol agad nya..

" Kief..." , sabi nya at umalis sa pagkakayakap ko.

Bigla na lang nyang tinakluban ang kanyang mukha at ilang sandali pa ay narinig ko na ang mahina nyang pag iyak. Ang sakit. Sobra. Ito ang pinaka ayaw ko na mangyari sa kanya. Ang makita syang umiiyak.

" Ly..Sssh...", agad ko syang niyakap.
Hinayaan ko lang syang umiyak sa may dibdib ko.

" Ly, ano bang nangyayari sayo?", pilit kong tanong sa kanya.

" Kief..Nahi..nahihiya kasi...kasi..ako..sa kanila..eh..Di ko..naipaglaban..ang...team...tapos..tapos..." paputol putol nyang sabi habang umiiyak..

" Haay..nasaan na ang Alyssa na kilala ko? Yung matatag?. Ly, hindi porket natalo kayo ay kasalanan mo na yun. Maaring gumanda ang game ng UP at DLSU, maaring hindi maganda ang laro nyo, pero imbes na dibdibin nyo yun, gawin nyo siyang motivation para mas mag improve ang team..napakalayo pa ng season Ly..", mahaba kong sabi sa kanya..

Tumango tangoblang sya..

" Ano, okay ka na? Smile na..di ako sanay sa ganyang aura mo eh.." sabi ko sabay ngiti sa kanya..

Tumingin sya sa akin..at pilit na ngumiti..Hinawakan ko naman sya sa mukha at hinalikan sa kanyang noo.

" That's better. Wag kang magpatalo sa lungkot. Andito lang ako kung kailangan mo ng karamay,okay?"sabi ko na sya namang kanyang sinang ayunan.

" Salamat Kief. Salamat sa suporta." Nakangiting sabi nya sabay mahigpit akong niyakap.

"Anything for my love. I love you,Ly. " sinsero kong sabi sa kanya.

Bigla naman akong kinabahan nung kumalas sya ng pagkakayakap at huminga ng malalim.

"Ly, bakit?" kinakabahan kong tanong sa kanya.

Mukha naman syang nagulat sa tanong ko.

" Huh?" Wala sa sariling sagot nya dahilan para lalo akong kabahan.

" Bakit ang lalim nung buntong hininga mo? Tapos, di mo pa ako tinugon. Hindi.. mo na ba ako mahal? ", mahina kong sabi sa kanya.

Nanlaki naman ang mata nya na parang di makapaniwala. Hinawakan naman nya bigla ang mukha ko.

"What? Of course not. I love you. You know that. Sorry, kung di agad ako nakatugon. Medyo naapektuhan lang ako nung iniisip ko.. Sorry,Kief. ". Paghingi nya ng paumanhin

" Whew. Akala ko, ako naman ang iiyak eh. Haha." sabi ko.

" Sira", tanging nasabi nya.

" Eh ano ba kasi yang isa pang gumugulo sa isip mo? " tanong ko kay alyssa

" Kief, did you check your twitter these past few days? ", nag aalangang tanong nya.

" Yeah, bakit? May problema ba? " , nakakunot kong tanong sa kanya.

" So, nababasa mo ung mga tweets nila? "Mahina nyang tanong.

" Sinong sila?", naguguluhan kong tanong sa kanya.

Team Thirty - Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon