Kiefer's POV
Ravena's Residence
Nakita ko sya sa may garden namin. Mukhang ang lalim ng iniisip nya. Lumapit naman agad ako sa kanya at niyakap mula sa likod.
Ako: Andito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap eh.
Sabi ko sa kanya sabay halik sa kanyang pisngi. Sumandal naman sya sa akin at bigla syang pumikit at di pa rin nagsasalita.
Ako: Ly, may problema ba? Ang lalim ata ng iniisip mo?
Umiling lang si Alyssa at yumakap paharap sa akin. Nakasiksik ang kanyang mukha sa may leeg ko.
Ako: Ly, what's wrong? Anong problema? Masama ba ang pakiramdam mo? Gusto mo munang magpahinga?
Iling lang ng iling si Alyssa, hindi pa rin umiimik hanggang sa bigla ko na lang naramdaman na umiiyak sya. Kinabahan naman ako bigla sa naging reaksyon nya.
Ako: Babes, come on, may problema ka ba? bakit ka umiiyak? May nangyari ba na di ko alam? Tell me. Wag mo naman akong pakabahin oh.
Kinakabahan na talaga ako. Nanginginig na rin yung boses ko. Kung anu ano na tuloy ang pumapasok sa isip ko.
Ako: Babe, look at me.. look at me pls..
Pilit kong itinunghay ang mukha nya para makita ko ang mata nya. Basang basa ang mukha nya dahil sa luha. Kaya pinunasan ko ng aking kamay.
Alyssa: I'm sorry Kief. I'm sorry.
Natigilan ako. Di ko alam ang magiging reaksyon ko. Kanina ko pa sya gustong marinig magsalita, pero di ko naman inaasahan ang sasabihin nya. Di ko ata kayang marinig ang mga sasabihin pa nya.
Ako: Ly, alam mo, pagod ka lang. Magpahinga ka muna. Tara na.
Gusto ko muna syang pagpapahingahin dahil mukhang pagod na pagod sya pero ayaw nyang pumasok sa loob.
Nagtataka na akong tumingin sa kanya.
Ako: Ano bang problema Ly? kanina pa akong tanong na ng tanong.. wala ka namang iniimik kundi sorry.. ano bang gusto mong mangyari?
Napatingin lang sya sa akin dahil siguro tumataas na rin ang boses ko. Kinakabahan kasi ako sa maaaring mangyari.
Tinitigan ko ang mga mata nya. Di ko mapigilang mangilid ang luha dahil ayaw kong marinig ang sagit nya sa itatanong ko. Pero alam kong kailangan kong gawin yun.
Ako: Babe, what's the problem? Tell me, are you breaking up with me? May nagawa ba akong di mo nagustuhan? Magsalita ka naman oh, hindi yung panay ang hula ko sa mangyayari.
Nakatingin lang talaga sya sa akin at di nakaimik.
Alyssa: Kief...
Yun lang ang nasabi nya habang nakatitig pa rin sa akin..
Ako: What? Ano? Di mo ba masabi sa akin?
Alyssa: Yan ba ang gusto mong mangyari, Kief?
Huh?! Bakit biglang bumalik sa akin ang tanong eh sa kanya ko nga gustong malaman ang sagot dun?