Eskimo Kiss

3.1K 72 13
                                    

Alyssa's POV

"And let us all welcome, the Champions on this years Shakey's V League Conference, National University!"

We all clapped our hands as we congratulate NU on their win. They deserve it naman talaga. Ang sakit lang talaga matalo lalo na pag championship na. Hindi ko rin napigilan ang pagiyak kanina lalo na ng yakapin ako ni Ate Cha at ni Bea.

"It's OK,Ly. Don't be sad on your loss.", she told me as I felt her tight hug

"Ate Cha, nahihiya ako sa kanila. Naiinis ako sa sarili ko, di namin nakuha ang championship.", umiiyak kong sabi sa kanya.

"Hey! Stop that! Bakit mo sinasabi yan? You've all done so much for the team. What we need to do is to accept the result and learn from the experience. Don't be too hard on yourself,Alyssa. Smile na, okay? ", sabi sa akin ni Ate Cha as she lifted my head and cheer me up.

I just smiled and hugged her again.

"Such a cry baby"

Napabitaw ako sa yakap ko kay Ate Cha at tiningnan ko kung sino ang nagsalita.

"Bei! ", was all I could say when I saw Bea Tan because tears were starting to fall on my face again. I hugged her also and she was trying her best to calm me.

"Ly, you're crying again. Ano ba naman yan. Stop na, please. Wag mo pahirapan ang sarili mo. Ang hirap kasi ng sunod sunod na Champion eh, hindi na alam ang salitang 1st Runner up.", sabi sa akin ni Bea para pakalmahin ako pero sa huli eh nang asar lang.

"Sira, di naman ano! Totoo lang ako sa damdamin ko. Luka ka talaga!", depensa kong sabi sa kanya.

"Oh, eh kung ganun, tama na ang iyak! Ayaw ko ng teammate sa BeachVolley na iyakin. Hahaha..May pupuntahan ka pa mamaya eh pugto na yang mata mo! ", pang aasar pa lalo sa akin ni Bea

"Grabe naman yung iyakin. Hindi naman masyado. Hahaha..", sagot ko sa kanya.

Natapos na ang awarding ceremony, nakapag usap na rin ang team sa dug out at natapos na rin ang interview sa akin ng mga press people. Paalis na kami ngayon after ng quick shower.

"Girls, pwede bang mauna na ako? Kita kits na lang after?", nag aalangan kong tanong sa kanila.

"Ang bilis naman, Ate Ly. Nag aayos pa lang ako ng gamit eh. ", reklamo bi Bea.

"Sasabay ka ba sa akin, Bea?", tanong ko kay Baby Besh.

"Wag na. Bei, dala mo naman ang kotse mo di ba? Ipapauwi mo na naman yun sa mommy mo? Yun na lang ang sakyan natin. Nagmamadali kasi si Alyssa, may game pa yan sa MOA.", biglang sabi ni Ella na halong nang aasar pa. Napatingin tuloy sa akin ang mga teammate namin

"Ella!!", nanlalaki ang mata ko sa pag saway sa kanya. "Sige na nga, intayin ko na lang kayo. ", umupo na ulit ako at nagpasyang intayin na rin sila.

"Hahaha. It's okay Ate Ly. Ako na bahala kay Ate Ells. Kami lang naman ata ang manunuod eh. Di makakasama ang iba. Go na! Baka hinihintay na ni Idol ang kanyang "Cheerleader", sunod na lang kami. " mas mapang asar na sagot ni Bea. Na sya namang naging dahilan kung bakit ako ngayon tinatawan ng mga teammates ko.

"Naks! Cheereleader!", pang aasar ni Jho

"Ate Ly, mag suklay at mag make up ka. I'm sure, ifofocus ka na naman ng camera man!", segunda naman ni Mich.

"Yaan nyo na girls. Baka mas piliin pa ni Besh ang mag training kesa mag suklay at mag make up.Haha. Papanoodin lang naman nya ang laban ng "BLUE EAGLES"..walang malisya, di ba? ", nang aasar pang sabi ulit ni Ella.

"Bahala na nga kayo diyan! Lalakas ng trip nyo. Aalis na ako...wag kayong magsasama kay Ella ha..Nahahaluan kayo ng pag kabully ni bullylit..hahaha..", pamamaalam ko sa kanila at dali daling umalis dahil narinig kong nagreklamo si Ella.

Team Thirty - Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon