Raven's POV
Masyado akong na cu-curious sa Lloyd na to, kasi ever since hindi na mention ni Mr. Santiago na may anak siya sa France eh, si Mrs. Santiago lang nag sabi sa public na meron, kaya tinanong ko siya...
"Bakit ka pala bumalik sa Pilipinas?" tanong ko.
"Kasi... kasi na tapos ko nang abutin ang gusto kung abutin sa France." sagot niya.
"Such as ?" sabi ko.
"Maging isang renowned photographer." sagot naman niya
Tapos ayun, tinanong ko siya kung bakit ang tagal naman, kasi 5 years siya dun eh, walang uwi-uwi, tapos sagot niya naman meron daw siyang kailangan patunayan. Ewan ko, pero parang sa tono ng boses meron siyang pinag dadaanan na personal.
Lumipas ang araw na yun na masyadong stress, kasi yung mga teachers masyadong pressure.Hanggang sa maka-uwi na ako, hay salamat.
Pag dating ko sa bahay...
"Oh, mommy, daddy andito na pala kayo?" gulat na tanong ko.
"Anak, we need to talk." sabi ni papa na parang galit.
"About what papa?" sagot ko.
"Ano to?." may pina kita siyang news paper sakin.
Binasa ko naman ito.
Headline: Son of the owner of UODA spotted dating in a resto.
At pag ka kita ko sa picture ako at si Lloyd sa resto kaninang umaga, hindi na sagip ng camera si Cristine kasi, natabunan siya ng isang pillar. Paano to nangyari ? I mean, bakit may kumukuha ng picture sa amin?
"Dad, you don't understand!."
"I thought nag ka linawan na tayo Raven? ha? may deal tayo diba, pinayagan kitang kumuha ng fine arts, tapos ikaw hindi ka tutupad sa pinag-usapan natin?"
"Dad, I was just being kind, anjan si Cristine, kasama ko. Hindi ko po siya boyfriend. dad, believe me."
*SLAP*
I was shock, sa sampal na yun ni dad, hindi ko inexpect na magiging ganito ang pagiging kind ko sa tao, kung sino mang kumuha nun, hahanapin kita.
"Antonio, bakit mo naman ginawa yun?... Okay ka lang anak?" lumapit naman si mom sa akin, aba at tinanong mo pa ako ma ha, kung okay ba ako? ikaw kaya ma sampal? :/
Hindi naman ako naging bitter sa sampal na yun, kasi immune na siguro ako ky dad. Maraming beses na din kasi eh.
"Hindi ka tumutupad sa usapan Raven, I'm so dissapointed in you, actually matagal na akong dissapointed sayo, sana hindi na lang kita naging anak."
Galit na galit si dad, hindi ko alam bakit galit siya ng ganito ngayon, yung sampal, na keri ko pa peri yung sinabihang niya akong sana hindi na lang ako naging anak niya. Masakit! Masakit! *sob*
"Antonio, sabing tama na yan, Raven go to your room na lang." sigaw na sabi ni mom.
Tumakbo na lang ako, and pag pasok ko sa room, I slam the door and nag mukmuk sa kwarto at umiyak, ngayong lang ako napagsalitaan ni dad ng ganun, sampal siguro marami na, pero yung ayaw niya akong maging anak. Napaka hirap sa isang anak. At ang maskit pa dun, nag judge agad si dad sa akin.
After 1 hour, tiningnan ko yung orasan, aba at 9:30 pm na pala. Hindi pa rin nawawala yung sakit na naramdaman ko. Kasi sa dad ko na mismo nang galing yun eh. Gusto kung mag pa unwind at umalis muna dito sa bahay. Tinawagan ko si Cristine...
Kriing..Kriing..
"Hello, R? BaKit?" sinagot ni Cristine
"Free ka ba ngayon, tara bar tayo?" sabi ko.
"what? Sorry Cristine busy kasi ako eh, kasi na hospital si mommy, lagnat. Hindi ko ma iwanan. Sorry talaga." sabi niya naman
"Ahh ganun ba? cge, sabihan mo na lang si tita pagaling siya." sabi ko na lang.
"Okay R, thank you, bye." tapos inend na niya.
Ako lang cguro ang mag babar ngayon. Nag shower na ako, nagbihis, dapat kailangan maganda para hindi mahalata na may pinag dadaanan. nag make-up and I will wear my black and white cocktail dress, tapos black na killer heels.
Kinuha ko na yung susi ng car, tapos lumbas na sa bahay, 10 na, kaya for sure tulog na sila mom. Mga after 15 dumating na ako sa Bar, malapit lang kasi kapag private car yung gamit mo..